Chloe's POV
Pagkatapos ng graduation day namin ay ang graduation ball naman sa isang hotel kung saan ako nag-OJT, libre yung fee ko dito dahil sinagot ni Mr. Melendres ito. Ngayong gabi din kasi ang graduation ball ng lahat ng estudyante, nagbayad kami nang pang overnight dahil may balak kaming matulog dito baka kasi di na kayaning umuwi pa. Sinama ko din pala si Xander dahil siya ang escort, wala nga akong magulang o kamag-anak na pumunta sa graduation day kanina. Sayang dahil wala si Mommy para makita niyang nakapagtapos na ako nang pag-aaral.
Ayos iyon dahil alam kong maabot ko din ang pangarap ko. Tutuparin ko ang mga pangarap namin na maging successful akong chef at businesswoman.
Buong gabi kaming nagpakasaya at nag-inom, habang ako ka-text ko si Cedric. Napahawak ako bigla sa kwintas na binigay niya sa akin. Ang swerte ko dahil nahanap ko na ang lalaking para sa akin. Mahal ko siya at mahal niya ako.
Kung bakit ba kasi ang daming kababalaghan ang nangyayari sa buhay ko eh, kung wala sanang gustong gumawa nang kalokohan, eh di sana masaya kaming dalawa ngayon. At siya sana ang escort ko ngayong gabi, pero hindi siya pwede dahil nagtatago siya.
"Chloe, are you okay?" Tanong ni Xander.
"Oo naman, bakit mo na tanong?"
"Wala. Tara sumayaw tayo o lumabas?" Tumayo na ako at nagpahila sa kanya sa dance floor. Sa totoo lang si Cedric ang laman ng isip ko ngayon. Hindi ko magawang magpakasaya habang siya naman ay nagtatago dahil may gustong manakit sa akin.
"Chloe, halika." Hinila ulit ako ni Xander at hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin. Nagulat ako nang bigla niyang mabunggo si Sire na may dalang dalawang wine at natapos ito sa suot niya.
"Sorry bro, hindi ko sinasadya." Sabi ni Xander habang tinutulungan si Sire. Tipid itong ngumiti at alam kong naiinis siya ngunit nagtitimpi lang dahil alam niyang hindi naman ito sinasadya.
"Ayos lang mauna na ako." Umalis na ito at mabilis na nawala sa paningin ko dahil hinila ulit ako ni Xander.
Magkaharap na kaming dalawa at napansin kong mayroong mantsa din pala siya nang damit dahil sa nangyari kanina. Nasa may hallway kami ngunit walang tao masyado na dumadaan.
May kinuha siya mula sa bulsa niya na kulay pulang kahon at iniabot sa akin. Nakangiti siya habang unti-unti niya itong binubuksan at tumambas sa akin ang isang white gold na singsing na may malaking heart-shaped diamond. Sinuot niya ito sa akin, at hinayaan ko lang siya.
Pakiramdam ko, para akong nagtataksil kay... Cedric.
Hinubad ko ito kaagad at binalik sa kanya, hindi ko kayang tanggapin ito. Iba ang mahal ko at ngayon gusto kong magmahal ng totoo. Matagal na akong nakikipaglaro sa tadhana at sa mga lalaki. Nakakasawa din.
"Bakit?"
"I'm in love with someone else..."
"Sino, Chloe? Si Sire ba? Si Jaccob? Pero hindi naman pwede si Jaccob dahil galit ka sa kanya. Si Cedric? O baka pati si Jarred?" He's my bestfriend kaya kilala niya lahat ng mga lalaking nagtangkang manligaw at nanligaw sa akin.
"Basta." Kitang-kita ko ang inis at galit sa reaksyon niya. At matapos ang ilang segundong pagtitig sa akin ay naglakad na siya paalis. Iniwan din niya ako katulad ni Cedric.
-
Dapat masaya ako ngayong araw na ito, dahil malapit ko nang makamit ang pangarap ko. Ngunit, may isang taong nasa alanganin ang buhay at di ko yata kayang mawala siya. Ewan ko ba kung bakit ang tanga ko, dapat galit ako sa kanya eh dahil may plano siyang patayin ako. Pero, punyemas na pag-ibig na 'yan, na-inlove pa ako lalo nung nalaman kong di niya ako gustong patayin at inamin niyang mahal niya ako.
Ang sarap kasing maramdaman na mahal ka nang taong mahal mo. The feeling ever, kungbaga.
"Chloe, let's party!" Aya sa akin ni Cynthia. Bumuntong hininga ako, ayokong sumama. Wala akong gana.
"Sige na, Chloe! Baka maghiwa-hiwalay na tayo at least may last memories tayo!" May balak na ata siyang asawahin si Daniel.
"Sunod ako." Sagot ko, inaayos ko muna ang mga gamit ko pang tulog para mamaya makapagpalit ako. At gusto ko ding basahin ang isang liham galing kay Queen.
"Be aware of those people who are telling you that they love you." – Queen M.
Bigla ko itong nabitawan, dahil sa sobrang kaba. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko 'yung tipong lalabas na mula sa dibdib ko. Madaming taong nagsasabing mahal nila ako pero ang unang pumasok sa isip ko ay si Cedric at Xander.
Umiling-iling ako para mawala sa isip ko na pwedeng niloloko lang ako ni Cedric at Xander. Masyado na silang napamahal sa akin eh. Hindi pwede.
Itinagot ko ang liham at pumunta sa may kwarto ni Anna dahil doon kami magiinuman. Pagkapasok ko pa lang amoy alak na, kami-kaming magkakaibigan lang ang nandito. Sayang at wala na sila Liana, Gab at Margaux. Kung nasaan man sila, sana masaya sila.
"Inom ka, Chloe." Alok ni Sire at kinuha ko ang isang baso ng alak.
Naglaro kami nang spin the bottle, nagsayawan at naglasing na parang wala nang bukas. Hindi ako masyadong uminom kaya, alam ko pa ang nangyayari habang sila ay lasing na lasing na. Maliban din pala kay Sire na parang hindi naman umiinom at humihithit lang sa vapor niya. Ngayon ko lang napansin na nagkakaroon na nang bisyo si Sire.
"You want drink?" Tanong ni Dave.
"No. You're drunk." Ngumiti lang ito at pumunta sa kama niya at hinila siya ni Anna. At nagulat ako nang bigla siyang hinalikan ni Anna at siya naman ay nagsisimula nang itaas ang dress na suot ni Anna. Sa may sofa naman si Daniel at Cynthia naman ang naghahalikan.
Nilapitan ko sila kaagad, dahil tanging bra at panty na lang ang suot ni Cynthia. Kinuha ko ang damit nito at iniabot sa kanya. "Guys! Stop it! Sa loob niyo na ituloy 'yan!" Sigaw ko dahil sobrang lakas ng music. Nakinig naman sila at lumabas na nang kwarto.
"Ayaw mo nang live show, Chloe?" Si Sire, nasa likuran ko na pala siya.
"Ewan ko sa'yo." Sabi ko habang nakatalikod pa rin sa kanya.
"Inom ka pa."
"Ayaw ko na." Humarap ako sa kanya nang nakapameywang. "H'wag nang makulit Sire, gusto ko na ngang matulog eh." Pero ang kulit pa din niya at paulit-ulit na iniabot ito sa akin.
"Usap tayo habang nainom, ano bang problema mo?" Umupo ako sa sofa habang siya nakasunod pa din sa akin. Ang kulit niya, nakaka-bwisit lang. May problema ako kaya ako nagkakaganito.
Sire's POV
"Usap tayo habang nainom, ano bang problema mo?" Kanina pa siya problemado, hindi ko maintindihan.
"Dali na isang tagay lang! Tapos kwento ka na." Kinuha niya ang isang baso ng alak at tinungga ito. Nilagyan ko iyon ng drugs, dahil may plano akong galawin siya. Aangkinin ko siya ngayong gabi, iyon lang ang paraan na alam ko para mapasa-akin na siya.
"Ininom ko na." Sabi niya at tumayo ito bigla, naglalakad na siya at nang marating niya ang pintuan para na siyang gumegewang-gewang sa paglalakad. Nasa likod niya lang ako at sinusundan siya. Alam ko kasing iinumin niya lang iyon at lalayasan na ako.
Nang makarating na kami sa kwarto niya ay agad ko itong ni-lock. Napalingon siya sa akin ng nakakunot ang noo. "Bakit andito ka pa?" Sabi niya na parang hilong-hilo na.
Hinila ko siya kaagad at hinalikan. "Ano ba Sire!" Sigaw niya pero hindi pa din ako nagpatinag at mas lalo ko pa siyang niyakap. Hinila ko ang zipper na nasa bandang likuran niya at itinigil ang halik.
Tinitigan ko siya nang mabuti at nagulat ako nang bigla niya akong hinalikan. Mukhang epektibo ah. Mabuti na 'yon para magawa ko ang plano.
Author's Note:
Continuation of Sire's POV is in PRIVATE CHAPTER.
~ ~ ~ ~ ~
Vote. Comment. Share.
X x The Killer is My Hero x X
Copyright ⓒ Chellany 2014-15, All rights reserved
BINABASA MO ANG
The Killer is My Hero
Mystery / ThrillerWhat will you do, if you met your very own 'Hero'? What if, he is also 'The Killer'?