KABANATA I

822 52 46
                                    

Chloe's POV

Nagtatawanan kami sa loob ng bar ng mga kaibigan ko, kwentuhan dito at kulitan diyan. Tapos na kasi ang prelim exam namin kaya eto nagha-happy happy kami. Ang saya talaga makasama ang mga friends ko, kahit puro kami kalokohan nagdadamayan kami sa hirap at ginhawa, parang mag-asawa lang ang peg nuh?! Hehe.

Di kasi ako close sa family ko, ayaw na ayaw kong i-open kahit kanino ang topic na iyan. Alam nang mga kaibigan ko kung bakit, pero di ko pa din naman pinapabayaan ang sarili ko. Kahit pasaway, pilya, rebellious, lakwatsera at lahat lahat na, di ko pa din pinapabayaan ang pag-aaral ko.

Dahil balang araw, giginhawa din ang aking buhay. Magiging tahimik ako at magiging masaya kasama ang aking sariling pamilya at makakapagtayo ako ng negosyo ko.

Tumayo ako at sinabi ko sa kanila na sasayaw lang ako, ang ganda kasi ng kanta napapaindak ako.

Nagsimula na akong sumayaw nang may bigla akong nabunggong lalaki. Medyo malakas ang pagkakabunggo ko sa kanya. Napatigil ako at humarap kung sino iyon, tumambad naman sa akin ang katawan niya dahil matangkad siya at ako, well, di ganoon ka pinagpala sa height.

Naka-long sleeves siya at pants parang semi-formal ang outfit niya at bukas ang mga buttones niya kaya kita mo nang kaunti ang chest part niya. Tumingin ako sa taas at nakita kong seryosong seryoso ang mukha niya ang gwapo nga niyang tingnan sa ganoong facial expression.

Lumapit siya sa akin, kinabahan naman ako bigla, baka kasi kung anong gawin niya sa akin. Mukhang siyang nakakatakot na gwapo. Kaya umatras ako nang kaunti kaso... wrong move!

"Aray!" Galit na bulyaw sa akin nung lalaki kaya hinarap ko ito.

Humingi agad ako nang tawad sa kanya at umalis na siya sa harapan ko na may inis pa rin sa mukha niya.

Naapakan ko iyong paa niya masakit siguro kasi naka-heels ako. Siksikan na din kasi dito. Mukhang nasa twenties na 'yung nabunggo ko na lalaki kanina at 'yung naapakan ko yung paa, nasa thirties naman. Bakit parang ang malas ko naman, tinititigan ko muna ang matandang iyon kung saan pupunta.

Nakaramdam ako nang kamay na pumulupot sa bewang ko at nilingon ko iyon, si – yung lalaking nabunggo ko kanina, hindi pa pala ako nakahingi nang tawad sa kanya. Humarap ako sa kanya at hinayaan ko lang ang kamay niya sa bewang ko, mukhang mag-eenjoy ako dito sa lalaking ito! Ngiting tagumpay!

"Uhmm... Sorry kanina" Sabi ko habang nginingitian siya in a seductive way. Hindi ako pervert o maniac, playgirl o may pagka-flirt lang talaga ako, medyo trip ko kasi siya. May galit talaga ako sa lalaki kaya pinaglalaruan ko sila EXCEPT for my friends, syempre.

"It's alright babe... What's your name?" tanong niya sa akin.

Naakit ko siya bwahaha! Ngumit ako nang nakakaloko dahil nakita ko, ang naging reaksyon niya.

"I'm Chloe, you?" Aniya ko habang nginingitian siya. Mukhang interesadong interesado itong lalaki sa akin. Kung makatitig siya sa akin parang gusto niyang malaman buong pagkatao ko. Imbestigador kaya ito? Mukhang hindi naman, kasi mukha siyang businessman.

Hinila niya ako papunta sa, ano eh, ewan ko! Di ko alam, basta na lang ako sumama, nandito pa din naman kami sa bar, di ko lang talaga maintindihan kung saan kami papunta, siksikan kasi tapos madilim pa kaya medyo nakakahilo.

Di niya na din sinagot iyong tanong ko. Nakarating na ata kami kasi bigla siyang huminto sa tapat ng isang pintuan. Parang sa owner itong room na ito, di kaya may-ari siya nang bar na ito?

Nakapasok na kami sa loob, nag-gesture siya sa akin na umupo daw ako may sofa. Umupo naman ako, kasi kanina pa ako nangangalay mataas kasi ang heels ko.

The Killer is My HeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon