Ang sakit ng ulo ko, hindi ko alam kung bakit siguro dahil iyon sa pagkakatakip nila ng panyo sa ilong ko. Pampatulog ang ipinaamoy nila sa akin, sigurado ako doon.
"Gising ka na pala." May narinig akong nagsalita, pamilyar ang boses na iyon sa pandinig ko, hindi ako pwedeng magkamali. Siya ang may pakana ng lahat?
Hindi ko makita ang mukha niya dahil madilim, nakapatay ang ilaw ngayon ko lang din napansin na malambot ang inuupuan ko. Nasa kama siguro ako, tiningnan ko ang mga lubid na nakatali sa kamay ko na nakatali din sa sandalan ng kama na gawa sa kahoy.
"S-sino k-ka?" tanong ko habang pinipilit kong sirain ang lubid. Narinig ko ang pagngisi niya at mga yabag ng paa niya. Hindi papalapit sa akin kundi, papalayo sa akin.
May naririnig akong naguusap pero sobrang hina ng mga salita nila, hindi ko maintindihan ang sinasabi nila. Lumakas ang pagkabog ng dibdib ko nang may naramdaman akong lumapit sa akin.
Hinawakan niya ang baba ko at inangat ito upang magtama ang aming mga mata. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. Tama nga ang hinala ko, tama din na pamilyar ang boses niya dahil kilala ko siya. Hindi lang kilala, kundi kilalang-kilala.
Binigyan niya ako nang isang mala-demonyong ngiti at binitawan na ang paghawak sa baba ko. "Sabi ko naman sa iyo, magkikita tayong muli diba? Kaya 'wag ka nang magtaka." sambit niya.
"Ginagantihan mo ba ako haa? Dahil hindi ikaw ang pinili ko? Sumagot ka!" bulyaw ko. Tumawa siya nang malakas 'yung pang-demonyo na tawa. Matapos siyang tumawa, tinitigan niya ako nang masama.
Nakarinig din ako ng mga yabag ng paa na papalapit sa akin, mukhang may paparating pa na iba. Nabigla ako nang binuksan nila ang ilaw, mga lalaking naka-itim na t-shirt na may logo na dalawang X na magkadikit sa kanang manggas ng tshirt.
Gumilid ang mga lalaking iyon at tumambad sila sa akin. Sila? Bakit sila andito? Dinukot din ba sila? Mukhang hindi, dahil hindi naman sila nakatali o nakagapos katulad ko.
Ang mas ikinagulat ko ay nung makita ko SIYA. "A-anong g-ginagawa m-mo d-dito?" nauutal kong tanong sa kanya.
"Lahat ng ito ay planado, simula nang makita ka namin, lahat lahat ng mga nangyari sa iyo ay plano ko... namin."
He's not just MY HERO,
He's also the master and... THE KILLER
-----
Title: The Killer is My Hero
Written by: Chellany
Genre: Mystery/Thriller and Fiction
Created: September 28, 2014
Finished: December 31, 2015
WARNING:
For 16 years old and above and open-minded only!
DISCLAIMER
This story is a work of fiction. Any resemblance in the names, businesses, places, events and incidents are purely coincidental or it is either the products of the author's imagination. This story may contain sexual theme and objectionable language and behavior. If you are easily offended you should cease reading this story. The author is not responsible for any thoughts you may form after reading this work.
Do not distribute, publish, transmit, modify, display or create derivative works from or exploit the contents of this story in any way. Please obtain permission.
Copyright ⓒ Chellany 2014-15, All rights reserved.
BINABASA MO ANG
The Killer is My Hero
Mystery / ThrillerWhat will you do, if you met your very own 'Hero'? What if, he is also 'The Killer'?