KABANATA VIII

276 24 9
                                    

Chloe's POV

Nang makauwi ako sa bahay para makapag-ayos, nagulat ako nang makarinig ako nang sigawan sa may lugar kung nasaan ang kwarto nila Daniel at Cythia banda. Dahil sobrang nagtataka ako kung anong meron baka kasi nag-away na naman yung dalawang 'yon, kaya lumapit na ako at...

"Ahhh.... Shit ka!" Sigurado akong boses ni Daniel 'yon! Hmm... Mukhang milagro ang nangyayari at hindi sila nag-aaway. Okay. Nevermind. Pupunta na lang ako sa kwarto, ayaw ko naman silang bitinin sa kung ano mang ginagawa nila.

Nasa kanya-kanyang kwarto na din ang iba kong kaibigan, pare-parehas kaming pagod sa nangyari.

Sa isang iglap lang nawala ang taong mahalaga sa akin, ano pa kayang pwedeng mangyari?

Sino pa kaya ang mapapahamak?

Bakit ba ganito ang pakiramdam ko... parang may gustong manggulo sa buhay ko?

Matutulog muna ako at mamaya ay pupuntahan ko ang tatay ko. May kailangan lang kasi akong hanapin. Mga recipes at iba pang mga gamit ni mommy, mahilig kasi kaming mangolekta ng mga set na equipments. Pangdagdag din 'yon sa pwede kong ibenta. Huminto nga muna ako sa pagbebenta dahil sa nangyari, naging busy din kasi kami kaka-bantay kay Liana at Gab, tinutulungan namin ang magulang nila.


*


I need space.

I need some time alone.

Pakiramdam ko kailangan ko ito. Bahala na. Hindi muna ako papasok ngayon at pupunta din ako sa bahay namin. Oo, naging bahay ko iyon nung dating masaya pa ang pamilya ko.

Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Palibhasa naiisip ko na lahat ng bagay ay lilipas kaya naman hindi ko na gawang tanungin ang sarili ko, kung bakit may nangyayaring ganito o kung bakit nila ito nagawa.

Umalis ako nang bahay ng walang paalam. Wala akong makausap sa mga kaibigan ko ngayon. Si Margaux, hanggang ngayon balisa pa din. Si Sire, tahimik lang hindi nga ako ginugulo nakakapanibago talaga siya. Si Anna at Dave naman parang may pinag-aawaya na taliwas naman kanila Cynthia at Daniel.

Parang nagiging baliktad na ang mundo?

"Viera Homes po, manong." Nakahanap na ako nang cab, pupunta ako sa bahay namin. Kukuha nang mga ibang gamit ni mommy. Ewan ko ba, kung bakit ko pa naisipang pumunta doon. I have this gut feeling na kailangan kong pumunta doon.

Alam mo yung pakiramdan na parang gusto nang paa mo na pumunta sa isang lugar? Lugar kung saan gusto mong alalahanin yung masasayang alaala.

Ilang oras pa ang nakalipas ay nakapasok na kami sa loob ng Viera Homes, habang nagmamasid ako sa paligid. Nakita ko ang isang babaeng nakaupo sa swing, parang nakita ko na siya dati. Di ko lang matandaan kung saan.

Lumingon ito sa akin na siyang ikinagulat ko. "RJ." Bulong ko sa sarili ko. Siya yung estrangherong nakausap ko sa isang fastfood chain. "Manong dito na lang po. Bayad po." Nagmamadali akong lumabas ng sasakyan at naglakad patungo sa may playground.

Anong ginagawa niya dito? Dito ba siya nakatira?

Nakayuko na ito nang makita ko ulit, mukhang malalim ang iniisip. Nakatayo na ako sa harap niya at unti-unti niyang iniangat ang mukha niya. Ngumiti ito nang tipid. "RJ, right?"

"Yes, Chloe. Bakit ka nandito?"

"May kukunin sa bahay ng papa ko. Ikaw?"

"Dito ako nakatira."

"Talaga?" Namangha ako. What a small world nga naman.

"Matagal ka na ba dito?" Tanong ko ulit. "Hindi eh. Bago lang ako dito. Oh siya, aalis na ako ha." Ang bilis naman. Kung kailan gusto ko siyang makausap. Kahit alam kong acquantances pa lang ang turingan namin, parang magaan ang loob ko sa kanya.

The Killer is My HeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon