KABANATA XVI

123 10 0
                                    

Chloe's POV

"SIRE!!!" Sumigaw agad ako nang makita ko ang mukha niya na nasa harapan ko ngayon. Kakatapos niya lang maligo at ngayon ay nakangisi siya.

"Anong nginingiti-ngiti mo diyan? Anong nangyari sa atin? Huma--- ARAY!" Tumayo ako ngunit nakaramdam ako nang biglang pagkirot sa kaselanan ko. Oh my f-ucking gosh! Hindi kaya? Oh no! Hindi pwede! Malandi man ako pero may pinaglalaanan ako nang virginity ko. "Oo ang sagot, Chloe." He smirked.

Nanghina ako sa sinabi ni Sire, hindi ako makapaniwala. Bakit si Sire pa ang gumawa nito? Hindi naman sa... paano niya nagawa ito? At bakit parang nagiba na si Sire? Gusto kong umiyak sa isang sulok at magmukmok. Ngunit, hindi naman ako ganoon palaban akong tao at sanay akong lumalaban. Sino bang lalaban para sa akin? Kundi ang sarili ko lang din naman.

"You a*sh*le!" Dahan-dahan akong tumayo at nakita kong nagulat siya sa bigla kong pagsigaw. Hindi ako papayag ng ganito, hindi ako magpapatalo. "Wala kang karapatang babuyin ako! Wala kang karapatang abusuhin ako, at mas lalong wala kang karapatan sa akin! Hindi kita boyfriend at mas lalong hindi kita asawa para ibigay ko sa'yo ang sarili ko! Kaibigan kita, pinagkatiwalaan kita! Bestfriend pa nga tayo di ba? Pero bakit mo ginawa 'to? Hinding-hindi kita mapapatawad. Tandaan mo 'yan." Kahit na masakit ang puson ko ay pinilit kong tumayo at pinulot ang mga damit ko. Kailangan kong gumalaw para makaalis dito.

Naramdaman kong aalalayan niya akong tumayo. Ngunit, tinulak ko siya palayo kahit nanghihina pa din ako. "H'wag na h'wag kang makakalapit sa akin!" Bulyaw ko na siyang nagpa-atras sa kanya.

"You don't understand, Chloe! You need to be with me! You're safe with me! At dapat pakasalan mo na ako, sa ibang bansa na tayo titira at doon magiging tahimik at maayos ang lahat." Ano bang pinagsasabi nito? Kung ipakulong ko kaya siya sa ginawa niya, tingnan ko lang kung matuloy pa 'yang plano niya.

"At anong hindi ko maiintindihan?"

"Someone's trying to kill you!"

"Just shut the f-uck up! Ayoko nang makarining ng kahit na ano galign sa'yo. Liar!" Nagbihis na kaagad ako at umalis sa lugar na ito. Bwisit siya! Sa lahat ng lalaking nakilala ko, siya pa ang unang gagago sa akin. Matatanggap ko kung iba pa eh.

Bakit kaibigan ko pa?

Hindi ko alam kung bakit ganito ang nangyayari. Ang dami nang masamang nangyayari sa akin, at ang nakakainis ay laging nadadamay ang kaibigan ko. Sila na lang ang pamilya ko magkakawatak-watak pa kami.

Nakauwi na din ako sa tinitirhan namin at nagsimulang magempake nang gamit. Kailangan kong umalis dito, para ano pa at titira ako dito?

Iyong pagiging birhen ko, kamusta na? Wala na kinuha sa akin ng walang kalaban laban at hindi ibig sabihin na nawalan ako nang kaluluwa eh tutunga-nga na lang ako. Masakit para sa akin ang pagkawala nito. Hindi ko kasi naibigay sa taong mahal ko ang pinaka-iingatan ko eh. Tapos...

...niloko ako nang sarili kong kaibigan.

Akalain mo ba namang pagsamantalahan ako dahil iyon ang naiisip niyang paraan para mapapayag ako sa mga plano niya.

Hindi ko na kinaya at unti-unti nang lumabas ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan dahil gusto kong maging matapang. Ayaw ko sa lahat na nakikita nila ang kahinaan ko. Ang sakit talaga, pakiramdam ko kinuha na ang lahat sa akin.

Wala na akong pamilya, wala na din ang mga kaibigan ko, nasira ang pagkakaibigan namin at ngayon mag-isa na lang ako. Mag-isa na naman ako. Mahirap mag-isa.

Nagulat ako nang biglang may nagtakip sa bunganga ko gamit ang panyo, nagpumiglas ako pero nahilo ako at nandilim ang paningin.

*

The Killer is My HeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon