KABANATA XXI

140 6 0
                                    

Daniel's POV

"I don't know how to say this..." Ano ba 'tong gustong sabihin ni Cynthia at hindi niya matuloy-tuloy?

"Anong problema?" Naguguluhan ako kanina pa, parang hindi siya mapakali. Lakad ng lakad tapos maya-maya uupo siya tapos biglang tatayo at makikita mo sa reaksyon ng mukha niya na may bumabagabag sa kanya.

Hinawakan ko siya sa kaniyang balikat upang mapatigil siya sa pag galaw. "Cynthia... Anong problema?" Tanong ko ulit at hindi siya makatingin sa akin ng diretso.

"Ka- Kasi Daniel... Bu-buntis ako. Buntis ako." Sabi niya at bigla siyang umiyak at tinakpan ang mukha niya. Magiging ama na ako? Wala sa plano namin ito pero handa naman akong panagutan siya dahil mahal ko siya at handa na ako.

"Pakasalan mo ako." Sabi ko at mas lalo siyang napaiyak sa ginawa kong pagluhod at paghawak ng dalawang kamay niya.

"Totoo ba 'to? The last time we talked... dapat ma-accomplish muna natin lahat ng pangarap natin. Sorry... I'm sorry, kung bakit ba kasi ang tanga ko at nakalimutan kong uminom. Sorry talaga." Lintanya niya. Tumayo ako at pinunasan ang mga luha niya gamit ang akin kamay.

"Shh... Will get married soon, okay?" Tumango ito at tumahan na. Buti na lang at palagi akong handa kaya nilabas ko na ang pulang box na dala-dala ko palagi. Engagement pa lang sana pero ayaw ko naman na hindi kami kasal bago ilabas ang baby namin.

"Ha-handa ka?" Tanong niya nang matapos kong buksan ang kahon at bumungad sa kanya ang isang diamond ring na ginto.

"I want this to be formal." Kaya lumuhod ulit ako at kinuha ang isang kamay niya para isuot ang singsing habang magtatanong ako.

"Will you be my wife?" Then she hugged me, again.

-

Anna's POV

"Hanggang ngayon ba naman hindi mo pa din nahahanap si Chloe!" Bulyaw niya sa aming dalawa ni Dave. Siya ang naguutos sa amin na patayin si Chloe, at ngayon naman ay gusto niya itong ipahanap dahil ilang buwan ko na itong hindi nakikita. Magpi-pitong buwan na siyang nawawala at wala kaming balita.

"Kung wala naman sanang ginawang kalokohan ang tauhan mo, hindi kami mahihirapan." Sagot ko na siyang ikinagalit niya lalo. "Boba! Inutos ko din 'yon dahil napaka-kupad niyong dalawa!" Ang dami naman kasi naming inuutusan niya at parehas pang hindi man lang natuloy. Iyong isang tauhan niya, nasa kanya na tapos nakawala pa.

Sinulyapan ko si Dave at seryoso lang ang mukha niya, siguradong galit ito sa akin. "Hahanapin po namin siya. Mahahanap din namin siya bago mag-isang buwan." Natawa ito at lumakad paharap sa akin at pinisil ang panga ko. Lalapit sana si Dave para pigilan siya ngunit hinawakan siya nang mga tauhan nito.

Tiningnan niya si Dave at... "Subukan mo lang akong saktan at sumuway! Ipapatira ko sa mga tauhan ko ang pinakamamahal mo!" Banta niya na siyang nagpa-bago nang expresyon ng mukha ni Dave. Mahal niya ako kaya kahit nalagay kami sa ganitong sitwasyon ay nandito pa rin siya at tinutulungan ako kahit na... si Sire ang mahal ko.

Tumingin siya ulit sa akin at dinuro ako. "Siguraduhin mong mahahanap mo siya kung hindi papatayin ko kayo nang nobyo mo!" Umalis na siya at iniwan kaming dalawa ni Dave.

"Matapos lang 'to. Aalis na tayo."

"No. Dave, kasalanan ko ito. Na damay ka lang, gagawan ko nang paraan ito para makapag-bagong buhay ka na." Kasalanan ko naman ito

The Killer is My HeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon