Chapter 18

58 11 0
                                    

Dedicated to
Vinaaaang

Chapter 18

You are my light, my freedom
In this dark world you're the cause of my sanity
But now, I'm scared baby
Ohh...Ohh..♪♪

I almost stopped on my way up the second floor when I heard that tranquil voice filled with emotions. Napailing ako sa sarili kung bakit ba sobrang nagandahan ako sa tinig na iyon. Sa tinig lang ba o mismong sa liriko ng kanta na totoong naglalarawan sa aking nararamdaman ngayon.

Marami akong nakakasabay sa escalator at halos lahat sila ay maglulupasay na pagkarinig ng boses na iyon. Nagtutulakan ang iba kaya’t kumapit na lang ako sa gilid at tumungo.

Where are you now?
When I need you the most
It hurts to see you choose
To be away from me..yeah..♪♪

Dang! I shouldn't be sensible. Nandito na ako kaya dapat ay huwag ko nang isipin pa kung nasaan siya ngayon. Probably, he's with Dulce on the way to his barn house.

“Tumabi ka nga Miss!” Muntik na akong matumba sa ginawang pagtabig ng isang dalagita. Nagmamadali ito kasama ang dalawa pang kaibigang babae at binabae. Mabuti na lang at balanse ang pagkahakbang ko paalis sa escalator.

“Ayos ka lang ba Ineng?” tanong ng isang ginang sa akin na may may hawak na bata sa kanyang kamay. The little girl with a loose tooth smiled at me.

Her genuine smile pulled me back into reality. I shaked my head twice. Enough with those negativities, Wela!

“Hindi? Naku–”

Nanlaki ang aking mata sa pag-aalalang nakita sa kanyang mata. “I mean, a..ayos lang po ako. Salamat,”

Tumango lang ito sakin at nagpatuloy.

I can't do something
I was lost of reasons to make you stay
Oh..♪♪

Dumiretso ako sa gitnang bahagi malapit sa fountain ng BC mall. Mayroong stage doon at nakikita ko ang banda na nakaposisyon. They are all focused in the solemnity of their song. Nasa likod ako ng maraming tao kaya’t halos hindi ko na makikita nang maayos ang ‘El Oasis’ sa unahan.

Lahat ay kumakanta at nags-sway ng kanilang ulo kasabay ng kanta. Their fangirls are frantic because of their overpowering talent and charisma. No wonder they were called as the New Rising Artist of the Year.

Don't ever..ever turn your back at me
Baby, please, don't leave me here.. alone..♪♪♪

Kahit ako ay napapasabay din sa ritmo ng kanilang kanta. Sobrang ganda ng kanilang boses lalong-lalo na ang vocalist na talagang pamilyar sa akin. Hindi ko na lang pinalaliman ng isip iyon at lumipat ako ng puwesto sa gilid ng Ice Cream parlor. Mabuti pa rito at makikita ko sila kahit na malayo.

Umupo ako roon at umorder ng sorbetes kahit gabi na. Desserts can really calm my nerves. It relieves my stress.

After almost fifteen minutes of listening to their song. When the vocalist bid their goodbyes.

“Thank you everyone for coming here tonight..”

Narinig ko ang malakas na ingay ng hiyawan at palakpakan ng tao. Pagkatapos non’ ay nagdesisyon akong tumayo na para umuwi. It was already seven o’ clock and I craved for dinner now. Malungkot akong ngumiti at nakatungong naglakad palabas.

What a date..

Pagkalabas ko para mag-abang ng taxi patungong terminal ng bus tungong Valle Vista. Agad akong napasilong sa malapit na shed dahil bigla na lamang bumuhos ang ulan at nakalimutan ko ang aking payong sa opisina.

Twilit PassionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon