Chapter 24

54 7 2
                                    

Dedicated to
Missmaple

Chapter 24

“Argh! Tama na! Why are you doing this to me?! You are all demons!” Her hurtful sobs echoed inside the dark room but no nobody dares to listen. Walang sawa ang kanyang pagmamakaawa kahit halos mawalan na siya ng boses.

Ang kanyang magulong buhok, mukha na puno ng luha at pawis ay isa sa mga eksenang bibiyak sa puso ng taong may kaluluwa at paggalang ngunit sa kanilang lima wala ni isang nasapian ng kabutihan.

Her soulful eyes directed to me like it was real. Napasandal ako sa pader habang nakatutop sa aking bibig. Walang salita na lumalabas sa akin. Parang napipi ako dahil sa nasaksihan na pawang tunay na pangyayari.

“My baby…close your eyes,” wika nito habang nakangiti sa akin at tumulong muli ang kanyang luha.

Nanginig ang aking katawan at napahagulgol ako nang malakas ngunit walang lumalabas na tunog sa akin.

“Fuckin’ whore, will you shut up?!” Akmang susuntukin ito ng lalaking walang mukha pero agad akong tumakbo palapit sa kanila ngunit unti-unti rin silang lumalayo sa akin at biglang naging blur ang paligid.

Ano ba ang nangyayari?

“My baby.. please help me..” That voice, it's begging me. I ran towards them but I can't touch her. It's like she became a dust slowly vanishing in a thin air.

“NOO!! Please don't hurt her! Maawa kayo! Don't take her away from me. Please! Let go of her. Huwag niyo siyang saktan.” Napaupo ako sa sahig habang nakatukod ang aking palad sa aking mga tuhod. I felt helpless and my heart seemed numb.

“Please.. please.. don't..don't hurt that woman.. ” My body is shaking with fear and unknown warmth for her.

Please..

“Maam Wela! Gising po.. Maam Wela? Ayos lang po ba kayo?” Narinig kong may tumatawag sa akin na malambot na boses.

Sino iyon? It's pulling me away from the scene.

“Huwag mo akong kunin! I need to save that woman from them!” tugon ko at binalewala ang tawag.

Please..don't go! Don't leave me here alone.. I was scared of the world I'm in...

Naramdaman kong may malakas na tumatapik sa aking balikat kaya agad akong napabalikwas ng bangon. Hapong-hapo ako at basa ng pawis ang aking katawan. Hinawakan ko ang aking pisngi at pinahid ang ilang butil ng luha na totoong umagos.

I clenched my fists on the sheets beside me. Huminga ako nang malalim at binalingan ang taong gumising sa akin.

Kumunot ang aking noo ng hindi pamilyar na mukha ang tumambad sa akin. “Who are you?” I asked her hoarsely. Hinilot ko rin ang aking sentido dahil sa sumasakit ang aking ulo.

The teenage girl fidgeted on her trousers as she nervously stared at me. “A..Ako po si Lolita. Apo po ako ni Lola Senyang Maam,” anas nito.

Tumango-tango lang ako habang inikot ang paningin sa loob ng aking kulay latte brown na silid na merong kulay puting kurtina. I stared at the ceiling of my room where I saw artificial hanging stars and moon that glows in the dark. I put this four years ago and it was still there looking down on me giving light and hope against darkness.

“Ahm, narinig po kasi kitang sumisigaw ‘nong naglilinis ako sa kabilang silid kaya pumasok po ako rito Maam. Bakasyon na kasi namin sa school kaya pinuntahan ko si Lola rito para tulungan. Grade 8 na po ako uh..” she trailed off when I looked back at her, “ang daldal ko po, pasensya na po Maam.”

Twilit PassionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon