Chapter 37

49 5 0
                                    

Chapter 37

Pagkatapos kong sabihin ang mga salitang iyon ay hindi ko inaasahang yayayain pa siya ni Papa para kumain. Dahil pilit akong umiiwas ay hindi ako sumabay sa kanila. I just told them that I have somewhere to go. Alam na rin ni Papa ang address ni Taussef kung nasaan si Mama. He seems excited though felt unhappy when I decline the lunch with them.

Ngunit kahit dumiretso ako sa isang pastry shop para makalimot kahit sandali nang pangyayari sa aming sala. I can't help but to think and wonder why he had those sad and hoping eyes when I left the house with Almer and his men. Hindi niya ako masisisi kung ganito ako kailag sa kanya. I was hurt deeply.

Gabi na ng makauwi ako ng bahay mula sa tahimik na playground upang magmuni-muni. Kakapasok ko lang sa unit ng aking pinsan nang madatnan kong nakaluhod si Romeo Lopez sa carpeted floor na puno ng luha ang kanyang pisngi. He's hugging my mother's waist like he was afraid to let go. Nakaangat ang luhaang mukha nito sa aking ina na nakasubsob sa kanyang mga palad at umiiyak din.

At that moment, I felt my heart crumpled while gazing at them. It was heartbreaking to see both of my parents sobbing. Sa wakas ay nagkita na rin silang dalawa sa loob ng dalawang dekadang pangungulila sa isa’t isa.

I expected that this family will be strong again in spite of all the circumstances. Together we can be able to withstand all odds now that we were complete and united. My mom will be happy and contented again.

Sa kabilang gilid ay naroon si Tauseef at nakamasid lang sa kanila na may saya sa mata. Napalingon siya sa akin kaya lumapit ako sa puwesto niya. He's sitting on his working table.

“Hey.. for you.” Tumabi ako sa kanya at ibinigay ang box ng Choco Lava cake. “Kanina pa ba siya nandito?” I asked.

The two didn't notice our presence. Abala sila ngayon sa pag-uusap tungkol sa nasayang na mga taon. My mom was lovingly holding his face. She wiped his tears away before hugging him. Ngumiti ito habang may ibinubulong kay Papa na nagpalala nang pagtulo ng luha ng isa. They were trapped in their own world.

“Mga isang oras din bago ka dumating. Hinatid siya ni Hielder Montevalle,” mariin at medyo bulong niyang asik.

Agad akong napalingon sa sinabi niya. “W..What?! He did that? Dang! Ano ba naman to si Papa?!” bulalas ko at napapikit sa hiya.

Ibig sabihin mahigit ilang oras siyang nanatili sa bahay kasama ang aking ama? Ano naman ang ginawa nilang dalawa roon?

Titig na titig si Taussef sa akin ngayon at parang binabasa niya ang loob ng aking isipan. Kumunot lalo ang noo nito bago ilang ulit na napailing.

“That architect was persistent, huh,” walang emosyong anas nito. “Was he still bothering you Chi?”

Damn..

“N..no Taus,” kinakabahang sagot ko at napailing. I bowed my head while pinching my nails. “I broke up with him months ago. At.. sa loob ng ilang buwan ay wala kaming komunikasyon sa isa’t isa. I cut the cords between us. Hindi rin ako umaasa na magiging kami pa. So, what he's doing now, was maybe all about asking forgiveness from my father and mother.”

“Are you sure about that? Iba kasi ang nakikita ko nang inihatid niya si Tito rito. He looked annoyed.. when he saw me and Tita Ela talking. Al’ama! Ano ang kasalanan ko sa kanya Chi?” he grunted irritably.

“Was he jealous? Hindi pa ba siya nakapag-move on sayo? If you cut your ties with him, what's with his reaction? It only means one thing cous’, he.. he's still in lo–”

“Stop!” I cutted him off. “Do.. don't say that word Tauseef. That's impossible,” I swallowed hard, feeling an ache in my heart.

He sighed and hold my weak shoulder. “Ychian, don't do something that you'll regret in the end. If it is hard for you. Just.. follow what your heart says and it will lead you to eternal happiness.”

Twilit PassionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon