Dedicated to
EmpressFloureneChapter 12
"I really want to see the beauty of Montevalle's land. As I've heard from others, it was like a modern paradise. And wow! Tama nga sila," I muttered in awe while sitting cozily on the passenger seat of his vintage pickup truck.
I can see clearly the exquisite beauty of their wide estate. It was commendable and out-of-sight!
Tahimik lang na nagmamaneho si Nixus at paminsan-minsan ay napabaling sakin dahil sa sobrang daldal at paggalaw ko na parang bata na hangang-hanga sa mga tanawin.
Sementado ang kalsada at hindi masyadong mainit dahil sa ilang puno ng akasya sa gilid na tumutubo. Mabagal lang ang pagmamaneho ng aking boyfriend na parang sinasadya talaga niya para mas maenjoy ko ang pagtanaw sa paligid.
Sobrang saya ko habang tinitingnan ang ilang mga tao na naglalakad. May mga bata ring naglalaro at nagtatakbuhan sa ilang bakanteng taniman ng palay. Meron ding mga lalaki at babae sa may palayan at may nakikita rin akong nagpapahinga sa ilalim ng lilim nang malalapad na punongkahoy. The houses have a modern wood design. And I can see a simple yet happy life in this village of Valle Vista. They are smiling despite the strong heat from the sun. Their smiles are contagious.
Mukha na siguro akong si Joker sa sobrang lapad ng ngiti pero wala akong pakialam kung ano man ang iisipin ni Nixus. May mababaw na kaligayahan? Ganyan nga ako at natutunan ko iyon simula nong tumira na ako sa lugar na to.
In the broad daylight the green and earthly scenery sparkles. On the left side, all I see are the lush plantations of so many crops and plants namely: corn, sugarcanes, peanuts, coconuts, bananas and different varieties of root crops.
Sa kabilang bahagi naman ay ang malapad na palayan nang malulusog na palay.
On the far right side, I see a wide orchard with a lots of fruit trees that is very foreign to me. Katabi nito ay ang malawak at napakandang yard ng mamahaling bulaklak at orkidya.
Inilipat ko naman ang aking tingin sa kaliwa.
"Woah!" palatak ko nang may nakita akong kakaiba sa dakong bahagi.
I see some wildflowers blooming in a meadow.
"It is a moist grassland. Malapit na kasi iyon sa Tañon River. You see those tall trees behind it? There's a river beneath," wika niya sa akin.
A river? Ibig sabihin lang ay posibleng ang tubig na dumadaloy sa ilog ay nanggagaling sa talon. I am certain with it.
"Ahm, do you have falls here?"
"Yup! Tañon Falls. It's been a month since I last go there," ani nito.
Napatakip ako sa aking bibig.
Dang! A falls? For real?!
My eyes sparkled while looking at him. "Woah! Totoo Nix? I've never been in a falls before. Gosh, it was my dream to see it! Oh my, pupunta tayo don sa susunod! Isasama natin sina Star at Sky," masayang banggit ko at ngumuso pa.
"I heard him chuckled with my reaction. Umiiwas itong tumingin sa aking mukha. Tsk, mukhang ba akong bibe? Hmp.
"We have plenty of time ahead Wel. Makakapunta ka rin doon," wika nito at iniliko ang sasakyan sa dulong daan.
"You're right Nix! Uh, ito na ba ang daan papunta sa bahay mo?" I asked him while tying my hair in a bun.
"Yeah," tipid nitong sagot sa akin.
BINABASA MO ANG
Twilit Passion
Romance[COMPLETED] SOUHAILA LOPEZ is a tormented soul and a strong-willed woman. She only wished to have a family that will understand and guide her against the tenebrific reality. But life is really hard for her, so she ended up eluding amidst a twilight...