Chapter 30

51 5 0
                                    

Dedicated to
VentreCanard

Chapter 30

Bitbit ang aking maliit na sling bag ay tahimik na bumaba na ako ng hagdan. I was wearing my usual comfy outfits wherever I went out. Short sleeves pink tank top with cardigan plus my denim high waist shorts partnered with converse shoes.

"It seems that my daughter was having a personal problems, hijo. She's cold, aloof and mad of everything," nahihirapang saad at kilala ko ang boses na iyon.

Kay Papa at may kausap siyang nakatalikod na lalaki sa living room. Nakatalikod ito mula sa direksyon ko. Ngunit sapat na iyon para makaramdam ako ng kakaibang kaba at inis.

I memorized his physique ever since I laid my eyes on him. Those shoulder length hair and broad back was owned by the untouchable Montevalle.

Dang! What was he doing here?!

"I..I came here to talk to her, Sir. I haven't properly introduced myself to you but I'm Hiel-"

Dali-dali akong tumakbo pababa ng hagdan para pigilan siya sa kung ano ang kanyang sasabihin kay Papa.

He shouldn't be here in our house! Alam kong makikilala siya ni Papa kapag marinig nito ang kanyang apelyido.

"PAPA! May pupuntahan kami ngayon ni Taus. I'll be back at exactly 7 p.m.!" I nervously called him to divert his attention. If I need to lie and pretend again. I'll do it all!

"O princess? Don't run," naguguluhang anas nito sa iniakto ko. He knows that I'm angry at him. Pero bakit ko siya ngayon kinakausap.

Pagkalapit sa kanila ay agad kong nararamdaman ang init na nanggagaling sa katawan ng lalaking kakalimutan ko na. Tumayo agad ito pagkakita niya sa akin pero hindi ko siya tinapunan nang kahit isang sulyap man lang.

Ang hirap pa lang ganito! His presence was powerful.

"Hija? You know this good-looking man?" My father pointed him. Magkatabi lang kami at umastang napakamot ako sa aking ulo.

"Ahm..As I've told you before, I gain friends back in Valle Vista. He's one of them Papa, uh.. by the way He's Hielder," turan ko at iminuwestra ang aking katabi.

I fakely smiled at them.

"He has a business meeting here Pa kaya binisita niya ako..uh..si Papa ko pala," di mapakaling anas ko muli at patagilid lang siyang tiningnan.

Based on a cold intense air I felt, I know he was closely staring at me like he used to do. Ang sarap niyang sikuhin dahil talagang mahahalata ni Papa ang lahat kung ganito siya umasta. Of all the things that happen, I felt really nervous. Magkaharap ngayon ang dalawang lalaking mahalaga sa akin. At hindi ko gustong malaman pa ni Papa ang tungkol sa amin. We will break up so what's the use of telling it.

Papalit-palit ang naguguluhang tingin sa amin ni Papa. "Nakapagpakilala na ako kanina hija."

"Moonlight.." he softly called me but I glare at him in a knowing way.

I laughed awkwardly. "Uhm..I gotta go Pa! uh diba 5 p.m. yong meeting mo kay..ahm.. Mr. Baldwin? Tara na baka ma late ka pa," I stammered while tightly clutching my bag.

Dang!

"Kuya Hielder?! Is that you? Omo!" Narinig naming tatlo ang boses ni Sattie na kakababa na lang din sa kanyang silid.

Great! Just great!

"What are you doing here?" she asked while looking at him with furrowed brows. Nalipat ang masamang tingin nito sa akin. "Tsk, pinapunta ka ba niya rito Kuya para akitin ulit?"

Twilit PassionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon