TMWRM-2

26 2 0
                                    

Chapter 2

Sa loob ng limang buwan ay naging impyerno para kay Shillyne ang bawa't araw na nagdaan. Kung noon ay tinataboy siya sapagkat madungis,mabaho at pulubi siya, pero ngayon ay mas dumuble pa ang pangungutya ng mga tao sa kanya.

"Umalis ka diyan! Malandi!"

"Stay away sa boyfriend ko malandi ka!"

"Slut!"

"Whore!"

"Disgrasyada!"

"Pulubi"

Iilan lamang iyan sa naririnig niyang mga salita galing sa mga taong nakapaligid sa kanya. Kung noong una'y hindi niya alam ang nangyayare sa kanya ngayon ay alam na niya. Buntis siya! Nagbunga ang kababuyang ginawa sa kanya. Wala man lamang siyang pamilyang makapitan at malapitan sa oras nang kanyang pangangailangan. Wala ring nag aksaya ng panahong tumulong sa kanya, tanging sarili lamang ang maaasahan niya.

Araw-araw tinataboy siya kahit saan man siya mag punta. Chismiss dito chismiss doon. Kesyo malandi siya kaya't nabuntis ng maaga. Ito raw ang dahilan kung kaya't iniwan siya ng kanyang mga magulang. Kahit anong ginawang pagtatanggol niya sa sarili ay wala parin itong halaga sapagkat walang nakikinig sa kanya. Kung anong nakita nila ay siyang paniniwalaan lamang ng mga ito. Nasa kultura na yata ito ng mga Pilipino, kulturang gumagawa ng kwento sa kapwa tao base sa mga nakikita rito na animo'y isang akda at nagsusulat ng isang libro.

Bawa't lugar na puntahan niya ay kinamumuhian at kinukutya siya, dinuduraan, sinasabunutan, sinasampal, hihipuan, sinasabuyan ng kahit na anong mabaho at kung ano-ano pa. Subalit kahit ganun ang ginawa sa kanya ng mga taong mapanghusga ay ipinagsawalang bahala lamang niya. Kinaya niya lahat para sa baby niya. Noong nalaman ni Shillyne na buntis siya ay gusto niyang ipalaglag ang bata sa sinapupunan niya. Subalit kalaunan na realize niyang ito lamang ang nag-iisang kapamilyang handa siyang damayan sa lahat ng oras kahit sabihin pang bunga siya ng kababuyan pero para sa kanya wala itong kasalanan at hindi isang pagkakamali ang dalhin niya ito sa sinapupunan niya.

'Baby kapit kalang magiging strong si nanay para sayo'

Ganyan lagi ang ginagawa niya kapag nasa bahay siya lagi niyang kinakausap ang bata sa sinapupunan niya na ngayon ay may medyo kalakihang umbok na. Bawa't salitang binibitawan niya ay kasabay rin nito ang luhang umaagos sa kanyang mga mata. Saksi ang mga guni-guni at alitaptap aa kanyang paligid sa lahat ng hinagpis na kanyang pinagdaanan.

'Baby kahit anong mangyare wag mong iwan si nanay ha ikaw lang ang lakas ko. Kahit walanghiya ang iyong ama alam kong wala kang kasalanan hindi ka bunga ng kasalanan. Ikaw ay ang binigay ng panginoon upang maging malakas ako, upang bigyan ako ng rason para mabuhay pa sa mundong ito gagawin ko ang lahat upang magbayad ang mga taong nanakit saatin. '

kasabay ng pagtulo ng kanyang mga luha. Kahit sabihin pang wala siyang ginawa upang labanan ang mga taong nanghuhusga sa kanila ng anak niya at nagtitimpi siya rito pero sa kalooban at isip ay pinapatay niya ang mga ito sa brutal na pamamaraan. Pero alam niyang mali iyong iniisip niya.

"Lumabas ka riyan magnanakaw ka! Ikaw ang salot dito sa ating bayan! Lumayas ka rito"

Sa gitna ng pagmumuni-muni ni Shillyne ay dumating ang maraming taong may dala ng  itak at kung ano-ano pa na animo'y may gerang pupuntahan.

"Hoy babaeng bayaran umalis kana sa bayang ito isa kang salot!"

Dumungaw lamang siya sa bintana ng mumunting kubong iniwan ng kanyang mga magulang sa kanya. Ito'y gawa lamang sa dahon ng niyog na pinagtagpi-tagpi at ginawang bubong at dingding.

"P-po? Wa-wala po akong ginawang kasalanan--Hi-hindi po ako magnanakaw" pagtatanggol ng dalaga sa kanyang sarili. Pulubi lamang at mahirap pa siya sa daga pero hindi siya magnanakaw.

Sa murang edad ay mulat na si Shillyne sa mga pwede at hindi pwedeng gawin at kung ano ang tama at mali. Kahit ang ama'y laging nagsusugal at ang ina'y laging naglalasing o mas madaling sabihin na nasa poder siya kung saan ay bad influence sa kanya. Pero lumaki siyang may takot sa diyos at mayroong magandang asal, isa siyang napakabuting bata kahit paman ganoon ang environment na kanyang kinagisnan.

"Ha! Maygana ka pang tumanggi maynakakita sayong nagnakaw ka raw ng biscuit sa tindahan ni aling Maring!"

"Nakita ko po siya, siya talaga ang nagnakaw!" sabi nong batang babaeng laging nambubully sa kanya.

"Promise po hindi po talaga ako nagnakaw!" lumuluhang sabi ni Shillyne

"Halika rito!"

Kinaladkad ni aling Maring si Shillyne palabas ng kubo.

"Masakit po maawa po kayo aling Maring hindi po talaga ako nag nakaw"

"Aba't sumasagot kapa?"

*Pak!

Napaupo siya sa lakas ng pagkakasampal sa kanya at natikman na lamang niya ang sariling dugo sa kanyang labi.

***

-M S C U T I E 💝

(Ginawa ko po ang lahat para maging sulit ang pagsusulat kong muli whews haha)

The Man Who Raped Me! Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon