Chapter 33
CARL
"Mukhang masaya kayo ngayon Sir ah"
"Kayo naman Mang Kanor sabi ko tawagin niyo nalang ako saking pangalan" hindi mawala saaking mga labi ang mga ngiting nais kumawala nito. Hindi ko alam pati pala si Mang Kanor ay napansin pa ito.
"Ah nakakahiya naman kasi Sir Baka sabihin ng mga magulang mo eh namimihasa ako" medyo nahihiyang sabi niya
"Ano ka ba naman po mang kanor sa tagal na panahong nagseserbisyo kayo samin ay tinuring kana naming kapamilya" tinignan niya ko mula sa salamin. Nasa unahan kasi siya, alam niyo namang siya ang aming chauffeur.
Pagkatapos ng nagawa ko kay Shillyne ay umuwi ako rito sa bahay at tanging caretaker lamang ang naiwan doon sa bahay naming dalawa. Ayokong manatili don hanggat hindi ko pa siya nakakasamang muli. I will make sure that once I go back to that house kasama ko na siya at maayos na kami ready to make our own family.
"Aba masayang masaya ka talaga Carl ah. Ngingiti ngiti ka diyan magisa" narinig ko ang bahagyang pagtawa rin niya. Nagiisip ako kung sasabihin ko ba sa kanya ang nangyare sa araw na ito o hindi nalang. Pero sa huli napagdesisyonan ko ring sabihin ito sa kanya.
"Eh kasi Mang Kanor naaalala mo pa ba yong babaeng Montinegro yong may-ari ng cellphone na kay mahal-mahal? " nakita ko naman siyang tumango bilang pagtugon. "Siya din 'yong babaeng ipinagkasundo nang Daddy saakin! " masiglang dugtong ko.
"Aba eh! Mabuti naman ijo masaya ako para sayo" talagang masaya siya. Mahihimigan mo ito sa kanyang boses.
"Kaso nagkaroon ako ng napakalaking kasalanan sa kanya mang Kanor" maya't-maya'y sabi ko. Lumaylay ang aking balikat sa katotohanang malaki ang posibilidad na sa bandang huli hindi din siya magiging akin. Kita ko kung paano ako sinulyapan ni Mang Kanor pagkatapos ay itinuon niyang muli ang paningin sa pagmamaneho.
"Alam mo Carl, Lahat naman nagkakamali. Walang taong perpekto dito sa mundo lahat tayo nagkakasala. Hindi man tayo agad mapapatawad ng taong nagawan natin ng kasalanan agad-agad balang araw maibigay din nila saatin ang kapatawarang matagal na nating inasam-asam" pagkatapos sabihin iyon ay sinundan niya ito ng napakalalim na buntong hininga. Alam kong may problema din siya sa kanyang nawawalang anak.
"Siguro nga po. Pero sa kaso ko po napakalaking kasalanan ang nagawa ko at maiintindihan ko siya kung hindi niya ko tatanggapin pagkatapos malaman ang kasalanang nagawa ko sa kanya" sabi ko sabay baling ang paningin ko sa labas ng kotse.
"Alam mo ijo kung wala ka pang lakas ng loob na sabihin sa kanya ang totoo kung ano man 'yan ay bumawi-bawi kana sa kanya ngayon. Mas swerte ka't nakakasama mo siya kahit nagkasala ka. Ako nga sa paningin ko mawala nalang ako sa mundong ito nanghindi makakasama ang aking nag-iisang anak." nilingon ko siyang muli.
"Im sorry mang Kanor my investigator still looking for your daughter. Pero marami naman po kasing Anne sa pilipinas kaya't nahihirapan po sila. "
"Okay lang ijo. Hindi ko rin naman alam kung ano ang gagawin kapag nahanap niyo siya. Kuntento na akong makita siya sa malayo. Wala akong karapatang makasama pa siya, " bahagya itong tumawa " Sa pang-iwan ba namang ginawa namin sa kanya ng ina niya? alam kong grabi ang hirap na dinanas niya nong nawala kami. " mapait na dugtong nito.
"Saan nga po ulit kayo nakatira noon Mang Kanor?"
"ah doon sa paradise ijo" hindi ko narinig ang huli niyang sinabi tanging ijo nalang dahil biglang tumunog ang aking cellphone. Senenyasan ko muna siya na sandali lang at sinagot ang tawag.
BINABASA MO ANG
The Man Who Raped Me!
General FictionPaano kung ang taong minahal at pinagkatiwalaan mo ngayon ay ang taong bumaboy at ang dahilan ng pagkasira mo noon? Ano ang manaig? PAGMAMAHAL? O GALIT AT PAGKAMUHI? tunghayan ang kwento ng buhay ni Shillyne Anne Montinegro A. K. A Shilly