Dahil ang drama ko kahapon, napansin yun ni Mama. Akala ko pagtatawanan nya lang ako. Pero buti sinuportahan at binigyan nya ko ng mga bagay bagay tungkol sa pag-ibig.
"Oi Coleen! Tanghali na aba! Gising na!!!"
"Di ako pasok Mama!!!" sigaw ko habang nakatalukbong sa kumot.
"So habang buhay ka dyang magmumukmok?! Kawawa naman yung nabunot mo, walang matatanggap na regalo mamaya." rinig kong sabi nya.
"Eto kaya yung unang araw!! Habang buhay agad?!" sabi ko habang tumatayo.
Binuksan ko yung pinto. Christmas Party na nga pala. Buti naman.
Habang nanliligo, iniisip ko kung gaano nakakatawa na inisip kong may pag-asa ako dahil kinakausap na ko ni Kyle. Hindi pala. Wala nga pala akong pag-asa kung si Niña yung kalaban ko.
- - -
Christmas Party na. At hanggang ngayon ay tahimik lang ako. Si Kristel naman ay isa sa mga officers ng klase kaya busy sya.
Tanging lumpia lang yung kinain ko at nung malaman kong yun yung bigay ni Kyle para sa Christmas Party ay nawalan na ko ng gana.
Masaya naman yung party dahil madami kaming "Clown" ika-nga sa klase. Kaya parang naging comedy bar yung room yun nga lang, yung nagpapatawa ay mga totoong lalaki.
Isang beses lang ako napatawa dahil sa joke ni Jonas. Timing na timing kasi yung delivery. Halos mabalunan nga si Kristel eh nung marinig nya yung joke.
"Miss Be-You-tiful na!!!"
Nagtawanan naman kami ng rumampa ang limang boys habang nakapambabae ang suot. Buti na lang at lumapit sa'kin si Kristel kaya todo tawa na ko. Mahirap kasing tumawa pag walang kasabay, di ba?
"Bagay kay Renzo! Woo!" sigaw ni Kristel.
"Bet na bet ko yung kay Jonas!" sabi ko sabay tawa at may paghampas pa.
- - -
January 7
"Class, group yourselves into 5. Kayo na mamili ng groupmates nyo."
Tumingin si Kristel sa'kin. At lumapit naman ako sa kanya.
"Dahil kakatapos lang ng bagong taon, alam kong di pa kayo ready sa lesson, maglalaro tayo ngayon! Pag may sinabi akong word, gagawan nyo ng maiksing act at mag frefreeze kayo. Pag lumapit ako sa inyo, you'll do the short act. Gets?"
"Ma'am, may premyo ba mananalo?"
"Oo. Chocolates!"
Madaming game na game. Ako naman, uhh, okay, lagi naman akong 'audience' o kaya yung tipong walang dialogue kaya okay lang sa'kin kahit di manalo. At saka dami sa bahay ng chocolates nu!
"For the first word: SUCCESS!"
Heto naman kami, nag iisip ng konsepto. Pinabayaan ko na lang silang mag isip. At ang ginawa namin ay yung isa ay tumatae tapos biglang sabing success at ang role namin ay titingin sa kanya.
We earn 3 pts out of 5. Di na ko magtataka. Kaya lang naman naging ganun ay dahil yung 'Clown' ika-nga ng section ay nasa group namin. Si Jonas.
Nasa 4th word na kami.
"10 years from now!" sabi ni Ma'am.
Busy naman sila sa pag coconceptualize. 2 minutes lang kasi yung ibinibigay sa'min para mag conceptualize. Wala naman akong pakialam hanggang hawakin ni Jonas yung kamay ko pataas sabay sabi: "Kami!"
Syempre napatingin ako sa kanya at nagtaka sa sinasabi nyang "Kami".
Dahil pinatigil na kami sa pag coconceptualize at freeze na daw ay bumulong sa'kin si Jonas na "Proposal" daw yung tema @#%&! Kaya lumuhod agad sya sa harap ko nung sinabi ni Ma'am na mag freeze.
Ang tema nung isa ay nagtratrabaho na. Yung isa naman may patay na daw. Yung isa naman ay nagpatayo na ng sariling negosyo. Yung isa ay nanalo sa lotto at nung kami na,
"Will you marry me?"
Nakatingin si Jonas sa'kin habang nakapose syang parang may hawak na singsing. Umarte namang na-shock yung mga kagroupmates ko. Sana dun na lang din ako.
Hanggang sa sinabi kong "Yes" ay tumayo sya agad at binuhat ako. At ayun, nag "Ayieeeee" naman yung iba. Syempre namula ko dahil binuhat pa nya ako. Naka-earn naman kami ng 5 pts mula dun kaya oks na yun.
- - -
"Hoy asawa!" rinig kong tawag ni Jonas sa'kin.
"PANGET!!!" sigaw ko sabay irap.
Di ko na sya pinansin kahit halos lahat nakatingin sa'min.
February na.
Naging loveteam na kami sa school.
Though nung una, inis na inis ako dahil sa napaka - unexpected turn of events,
Somehow, I feel weird.
He makes fun of me, and I get angry, but... I get flustered.
- - -
(Author: ongoing pa ito)
BINABASA MO ANG
Classmate
Teen FictionThis story tackles about school & life. For soft copies ➜ http://filipinastories.yolasite.com/free-soft-copies.php