38 - Can't Help Falling in Love

61.9K 1.2K 194
                                    

Pinatigil muna ang pagsasayaw dahil sa nangyari. Nagkainan muna kami. Habang hinihintay ko ang pagdating ng pagkain ay halata ko namang parang patingin-tingin sa'kin si Kyle.

"Uy, may problema ba?" medyo pabiro kong tanong.

Hindi sya sumagot at bagkus ay tiningnan lamang ako. Mamaya'y dumating na yung pagkain kaya nagsimula na akong kumain.

"Ayos ka lang ba?" tanong nya nung medyo patapos na ako.

Tiningnan ko lang sya at saka ngumiti.

Pagkatapos nun ay nagsimula na ulit ang programa. Nakalimutan ko nga palang sabihin na hindi dumalo sa prom si Niña. Marami pa namang mga lalaki ang naghahangad na masayaw sya.


Dahil nagsimula na nga ulit ang sayawan, heto ako'y nakaupo na naman sa silya. Buti pa si Kristel, daming lumalapit sa kanya! Pero, no, di ako naiingit! Maganda kasi siya! Habang nakaupo ako'y nakikinig na lamang ako ng music.

♩♪ Wise men say only fools rush in

But I can't help falling in love with you ♩♪


"Hi crush na taken na! Pwede ba kitang maisayaw para masilayan ang iyong magagandang mga mata't ngiti na napukaw noong lumipat ako ng paaralan na ito?"


♩♪ Shall I stay? Would it be a sin?

If I, I can't help falling in love with you ♩♪

Napatingin ako sa nagsalita. Si Rui na nakangiti.


"Ay U-i! Di kita nakita kanina! Akala ko di ka pumunta!" sabi ko habang inaabot yung nakalahad nyang kamay.

♩♪ Like a river flows, surely to the sea,

Darling so it goes, some things are meant to be ♩♪

Tahimik kaming naglakad patungo sa sayawan at tahimik na nagsayaw.

♩♪ Take my hand, take my whole life too.

For I, I can't help falling in love with you ♩♪


"Swerte ni pareng Kyle sa'yo" sabi nya sabay tawa.


Hindi ko alam yung isasagot ko kaya ngumiti na lang ako.


♩♪ Like a river flows, surely to the sea,

Darling so it goes, some things are meant to be ♩♪


"Masaya ako dahil ang saya mo.. bakas sa mukha mo ang saya.. sana lagi kang ganyan"


Napangiti ako sa sinabi nya.


♩♪ Take my hand; take my whole life too

For I, I can't help falling in love with you ♩♪


"Masaya ako dahil nakilala kita.. napalapit sa'yo at naisayaw ka.. salamat Coleen.. kaya for the last chance.. mahal kita crush! Sana magtagal kayo ni Kyle. masaya ako para sa inyo"


♩♪ No I, I can't help falling in love with you.

ClassmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon