//11 days later - May 11, 2013
"Eel! Anong ginagawa mo dito?"
Nakaupo ako sa may hagdan (a.k.a. tambayan ng mga tao sa SM) at nakiki-wifi. Tiningnan ko si Rui. Tumabi sya sa akin.
"Hinihintay ko si Mama.. May date kami, Mother's day eh" sagot ko sa kanya.
Tumingin ako sa screen ng phone ko at ginalaw galaw ito.
"Ginawa ng tambayan ang SM ng iba no?"
Tiningnan ko lang sya at tumango. Katahimikan naman ang sumunod non habang nanunuod kami sa mga taong naglalakad.
"Aminin mo, may problema ka no?" tanong nya.
Tiningnan ko sya at saka tumawa ng konti,
"Ha?! Pinagsasabi mo?" sabi ko pa sa kanya habang nakatawa.
"Iba yung pinahihiwatig ng mga mata mo" sabi nya.
"Ay anung pinahihiwatig, U-i?" tatawa tawa kong tanong.
"May problema kayo ni Pareng Kyle?" tanong nya.
Natigilan ako panandali pero di ko pinahalata.
"Wala ah! Pag di ko kasama, may problema agad?" sabi ko sa kanya.
"At kelan mo pa naging kakumpare si Kyle?" dagdag ko pa para maiba ang topic habang tumatawa.
"Yang mga tawang yan.. Kilalang kilala kita" sabi nya.
Nawala ang tawa ko sa mukha,
"Wala kang alam sa'kin, U-i" seryosong sabi ko naman sa kanya.
"Pero di ka pumunta nung Piyesta nila, hindi ba?" panimula nya kaya napatingin ako sa kanya.
Pa'no nya nalaman?
"Maari ko bang malaman kung ano ang iyong rason?" seryoso nyang tanong.
Hindi ako nagsalita. Nag iisip ako ng ibang topic na pwede naming pag-usapan.
"Magaling ka na magtagalog ah!" sabi ko sa kanya.
"H'wag mong ibahin ang usapan" sabi nya.
"At bakit? May karapatan ka bang tanungin ako ng mga bagay na yan? Sino ka ba? Schoolmate lang naman kita, di ba?!" inis kong sabi sa kanya.
"Oo, schoolmate 'lang' ako. Oo, wala akong koneksyon sa'yo. Oo, ni hindi man tayo magkaklase.. Pero masama na bang tanungin ang isang kaklase kung may problema sya? Masama na bang alamin kung okay lang sya kahit halatang hindi? Masama ba yun?"
Hindi ako nagsalita pa.
"Alam mo bang andun ako? Katunayan n'yan, pumunta ko para masilayan ka kahit panandali pero di ka pumunta. As a schoolmate, bakit di ka pumunta?"
BINABASA MO ANG
Classmate
Teen FictionThis story tackles about school & life. For soft copies ➜ http://filipinastories.yolasite.com/free-soft-copies.php