"Hindi natin na-record yung 3rd trial"
"Ha? Akala ko nilista mo?"
"Hanggang 2nd trial lang yung andito eh"
"Sya ulitin na lang natin. May oras pa naman"
Nakita kong tumingin sa'kin si Kyle. Lumapit sya at kinuha yung nahugasan ko na at nagtrial ulit.
"Bobo pre! Nasan ang test tube?!"
Nagtawanan naman yung iba tapos si Kyle tatawa tawa lang.
"Uy Classmate, paabot nga ng test tube kay Kyle" sabi nung isa sabay tawanan ulit.
"Ah" medyo naiilang na ko kasi mukhang niloloko nila ako. Tapos mukhang di pa ata nila ako kilala. Di nila ako kilala kahit 7 months na kaming magkaklase?
Pinatuyo ko agad yung test tube habang busy sila sa pagtawa. Napansin ko namang di natawa si Kyle at diretso lang sa pag-ano nung bunsen burner.
Nung ibibigay ko na kay Kyle yung test tube ay saktong natabig nya yun sa kamay ko. At dahil hindi gaanong madiin ang pagkakahawak ko ay nagpatak ito sa sahig at nabasag na nga. Shet!
Napatingin sa'min yung ibang grupo. Siguro iniisip na nung ibang grupo na pabigat ako. Lagi kasing unang matapos at highest tuwing experiments yung Group 1.
Agad akong lumuhod at akmang hahawakan na yung bubog na tabigin yung kamay ko ni Kyle.
"Wag mong hawakan yan. Dudugo kamay mo." sabi nya sa'kin.
"Kunin mo na lang yung walis at dustpan." dagdag nya.
"Ah.. Ok, sorry.." nakatungo kong sabi sabay tayo at kuhang mabilis yung dustpan at walis at nilinis yung nabasag.
Lumabas ako ng lab para itapon yung bubog sa may basurahan at pumasok ulit. Linis na yung isang test tube at ginagamit na nila yun para i-record yung results sa workbook.
Nakakapanlumo naman to..
Matapos yung time ay sinabi ni Ma'am na babayaran daw namin yung nabasag namin at ibibili ng bago. At dahil guilty ako,
"Ako ng---"
"Marami kaming ganyan sa bahay. Ako na yung magpapalit. Isa pa, ako naman yung nakatabig." sabi nya sa mga kasamahan nya ng di natingin sa'kin.
Lalo tuloy akong nanlumo! Ba't kasi ang tanga ko eh!
- - -
"Coleen, sabi nung nakabunot sa'yo, ba't di mo pa daw sinusulatan yung wishlist mo" bungad ni Vanessa pagkapasok na pagkasok ko sa classroom.
Onga pala! Nakalimutan ko. Tapos ang weird pa nito, si Vanessa yung nabunot ko. Tapos di ko pa natitingnan yung wishlist ko. Masyado kasing lipad yung isip ko kahapon. Guilty much sa nangyari.
"Ah sige mamaya" sabi ko sabay lagay ko ng bag sa may upuan.
"Oi eel, bilisan naman ano?"
Nakita kong nakasilip sa may unahang pinto si Rui.
"Teka nga o? Hinahanap ko pa yung pera ko. Bulag?" sabi ko sa kanya.
May bibilhin kasi ako sa Bookstore. Cattleyang Pink para sa TLE mamaya. Eh si Kristel kasi saktong 7 nadating. Ayoko namang wala akong kasama!
Buti na lang at nakita ko si Rui (na friend ko na ngayon) at nalaman ko ding wala syang Cattleya. Orange nga lang yung sa kanila.
"Witwit, may date sila!" tukso nung isa.
Di na lang ako umimik. Nakita ko na kasi yung wallet ko kaya dali dali akong lumabas dun sa pintong halos katabi na nung silya ko.
- - -
"Ok, you may take your break now."
Nagsitayuan na kami at nagpaalam kay Ma'am TLE. Buti na lang at di ko nga inantay si Kristel dahil absent nga ang loka. Malakas daw yung girl-thing nya this month so ayon, umabsent sya.
Kumuha ako ng ballpen at pumunta sa may tabi nung whiteboard at pumwesto dun sa may wishlist. Inisip ko rin kung anong ilalagay ko pero dahil pakialamera ako, nakitingin muna ako sa mga sagot nung iba.
Inuna ko syempre yung kay "Classmate". Tribal na shirt daw o relong itim. Yung kay Kristel ay ang nakasulat ay walang katapusang teydi beyr. At sa nabunot ko ay.. CD ng Super Junior. Ohmy, kpopper.
So ayun hinanap ko name kong makikita sa huli at nagsulat na. At ang sinulat ko? Walang tawanan ah!
"Rilakkuma/Korilakkuma plushie. Meron sa SM."
Binigyan ko na ng detalye baka mahirapan sya ee. At sa mga di alam yun, search nyo sa google, kyot yon!
"Uy"
Boses yun ni ano ah.. ni Classmate? Lingon na nga ako, may paganun ganun pa ko eh no.
"Uhh... bakit?" tanong ko.
Baka uutang sya? Naku sakto lang baon ko. Baka makahindi na naman ako!
"Nakalimutan ko kasing kumuha sa bahay ng test tube.."
Naku, 50 something ang test tube di ba? Ako pa ata ang ipapabili nya ng test tube matapos nyang imuni-muning ako nga ang may kasalanan! Patay, wala akong pera!!!
"Samahan mo nga ko sa bookstore.."
"H-ha?" seriously?! Pwede naman syang magpasama sa iba pang ka-group ah!
Pag na-item kami, naku, gugulong ako sa saya! Ay wait. Onga naman, kaming dalwa yung may kasalanan. Ba't nga naman yung iba pa ano?
BINABASA MO ANG
Classmate
Teen FictionThis story tackles about school & life. For soft copies ➜ http://filipinastories.yolasite.com/free-soft-copies.php