"So Coleen.. San mo ba balak pumasok?" tanong ni Kyle sa'kin.
Nasa may table na kami at kasalukuyang inuubos yung tinatawag na midnight snacks na inihanda ng school na binayad namin. Patuloy naman yung iba sa pagsayaw. Mukhang iniisa-isa nila lahat ng classmates nila ah. Maganda nga pala yung kanta ngayon.. yung "Can I have this dance" ng High School Musical.
"Tutuloy ka bang UP?" tanong nya ng seryoso at titig na titig sa'kin. Napansin ko tuloy na kumikislap yung mata nya na kapag natatamaan ng liwanag ng ilaw.
"..."
Hindi ko naman masagot yung tanong nya dahil pakiramdam ko'y tutol sya na magkalayo kami. Pero pakiramdam ko lamang iyon. Assuming lang. Wag kayong magulo!
"Mukhang.. Tutuloy ako.. Sayang din kasi yung opportunity.. Kung palalampasin ko" sagot ko habang nakatingin dun sa kinakain namin.
♩♪ It's like catching lightning the chances of finding someone like you ♩♪
Tinigilan ko ang pag nguya sa mixed cornicks (na midnight snacks namin) at tumingin sa kanya.
♩♪ It's one in a million, the chances of feeling the way we do ♩♪
"Ikaw ba? San ka ba papasok?" tanong ko.
Tumingin sya sa may plato at kumuha ng green peas.
♩♪ And with every step together, we just keep on getting better ♩♪
"Mukhang makakatanggap ako ng loyalty award dito sa school na ito" sagot nya sabay tawa.
"Ah? Anong course mo nga pala dito?" tanong ko naman.
"Electrical Engineering" sagot nya sabay nguya.
♩♪ So can I have this dance (can I have this dance) ♩♪
"So magkakalayo pala tayo sa college.." sabi nya pa sabay kuha ng baso.
♩♪ Can I have this dance ♩♪
Tumahimik muna kami habang umiinom sya. Matapos nyang uminom ay tumingin sya sa'kin.
♩♪ Can I have this dance ♩♪
"Kung ganun pala.. Susulitin ko na yung gabi na kasama ka" sabi nya sabay tayo kaya napatingala ako.
♩♪ Can I have this dance ♩♪
"Can I be your last dance?" sabi pa nya.
Ang lakas ng kabog ng dibdib ko nung sinabi nya yun. Alam kong naisayaw na nya ako kanina pero.. basta! Sumabay pa dun ang mga paputok na hudyat na 12 am na. Nakangiti akong tumayo at inabot yung palad nya.
BINABASA MO ANG
Classmate
Teen FictionThis story tackles about school & life. For soft copies ➜ http://filipinastories.yolasite.com/free-soft-copies.php