37 - If we fall in love

63.7K 1.3K 181
                                    

7 years...

Magsasalita na sana ako ng biglang mamatay ang ilaw kaya napatigil kaming lahat dahil sa dilim. Ramdam ko naman ang hawak ni Kyle sa'kin na tila ba pinoprotektahan ako.

Mamaya din naman ay bumalik yung ilaw. Nagsalita yung mga MCs na sorry daw sa technical problem. Nagbalikan naman sa kani-kanilang upuan ang lahat -- pati na rin kami.

Dahil isang lalaki si Kyle at kailangang mang alok sya ng mga babae para i-sayaw, sinabi ko sa kanya na mang alok sya ng mga kaklase namin. Tumayo naman sya at ginawa yung sinabi ko.

Iinum sana ako ng tubig ng may makita akong palad na nakalahad sa aking harapan. Pagtingin ko'y nakita ko si Jonas na nakatingin sa'kin.

"Hi.. hindi naman masama di ba?" sabi nya sa'kin.

Sinilip ko si Kyle na kasalukuyang sinasayaw ang aking kaibigan na si Kristel. Mukhang di naman sila nag-iimikan doon dahil alam kong hindi naman tipo ni Kristel ang mga ganung lalaki (tulad ni Kyle).

Tiningnan ko si Jonas at saka nilahad yung kamay ko. Tumayo ako at pumunta kami sa may sayawan. Inilagay ko yung kamay ko sa may balikat nya at mamaya pa'y nagsimula na ang aming pagsayaw.

Magsasalita na sana ako (para gumawa ng topic) ng marinig ko yung bagong kantang tumutugtog ngayon.

♩♪ There will be no ordinary days for you

If there is someone who cares like i do ♩♪

♩♪ You have no reason to be sad anymore

Pagtingin ko sa kanya ay nakatingin sya sa'kin kung kaya'y umiwas na lang ako ng tingin at hinanap si Kyle.

♩♪ I'm always ready with a smile

With just one glimpse of you ♩♪

"Musta na kayo?" tanong nya na dahilan ng pagtingin ko sa kanya.

"Ni Kyle?" dagdag pa nya sabay ngiti sa'kin.

♩♪  You don't have to search no more

Cause i am someone who will love you for sure so.. ♩♪

"Uhm.." di ko naman masagot yung tanong nya kasi wala akong maisip na pwedeng isagot.

♩♪ If we fall in love 

Maybe we'll sing this song as one ♩♪

"Kayo na ba?" tanong nya.

♩♪ If we fall in love

We can write a better song than this ♩♪

"Sorr---"

"Kung naunahan ko ba sya sa pagkilos, meron ba akong pag-asa sa'yo?" tanong nya pa.

♩♪ If we fall in love 

We will have this melody in our heads ♩♪

"Jonas---"

"Bakit sya? Nandito naman ako? Di mo alam kung gaano kita kamaha---"

"May kaapatan din akong maging masaya, Jonas" sinabi ko agad.

 ♩♪ If we fall in love 

Anywhere with you would be a better place ♩♪

Napatigil sya at saka napangiting malungkot sabay tingin sa ibaba.

"Sana.. tiningnan na lang kita sa malayo.. Sana di ko na lang nilakasan yung sarili kong mapalapit sa'yo.. Sana di na lang ako kumibo noon.. Sana pinabayaan ko na lamang na hanggang crush na lang ako sa'yo.. Sana kasi.. ginawa ko yung mga bagay na dapat kong ginawa.. Kasi, kung ginawa ko yun.. di ako masasaktan ng ganito"

Tumigil kami sa pagsayaw

(. . .)

"Jonas.. sana.. maging magkaibigan pa rin tayo.." panimula ko.

"Ayokong isipin mong hindi kita gustong maging kaibigan.. pero ang sa'kin lamang ay.. talagang hindi ko matatanggap yang gusto mong mangyari.. Ilan bang masasakit na salita ang gusto mong iparinig sa'kin?"

"Sinabi ko sa'yo, hindi ko naman ginusto kang saktan" medyo naiiyak kong sabi.

"Pero ginawa mo na. Ano nga bang alam mo sa nararamdaman ko?"

"Kung makapagsalita ka, akala mo ikaw lang ang nakaramdam na masaktan! Bakit? Pwera ba napansin ako ng aking mahal ng pitong taon at matagal ko ng hinahangad, makasarili na ako? Bakit?! Sa tingin mo ba, sinadya kong saktan ka? Tao naman ako Jonas! Alam ko kung ano yung mga pakiramdam na ganyan! Nakakaramdam din ako! H'wag mo namang ipagmukha sa'kin na ako itong masama! Wala kang karapatang idikta sa'kin kung sino ang dapat mahalin dahil alam kong hindi ikaw yun!"

"Ah sige, yan lang naman yung punto mo di ba? Bakit, magkaparehas ba tayo ng kapalaran? Bakit mo ikukumpara yung naramdaman mong sakit noon sa nararamdaman kong sakit ngayon? Iba ang sakit na naramdaman mo kesa sa nararamdaman ko ngayon! Mas masakit yung nararamdaman ko kasi sa'yo nanggaling yon lahat. Ikaw? Ayun, nasaktan ka lang dahil akala mo merong ibang mahal itong mahal mo. Pero ako? Ayun, yung mahal ko, mahal din ng mahal nya! Sino sa tingin mo ang mas nakakaramdam ngayon ng sakit na sinasabi mo?!"

Hindi ako makapagsalita. Oo, totoo, sya nga yung mas nasasaktaan ngayon, kung tutuusin.. pero bakit nya ba pinipilit na mahalin ko rin sya? Hindi ba nya naiisip na mas masasaktan sya kung pinalabas kong mahal ko sya kahit hindi naman?!

"Ano bang ginagawa mo sa kanya?!" narinig kong sabi ni Kyle na nasa likod ko na pala.

"Wala naman pare! Pinagmumukha ko lang sa kanya na ako ay nasasaktan ngayon" sagot naman ni Jonas.

"Pwede bang tumigil ka na? Hindi ka nga nya mahal eh!"

"Bakit? Pwera ba mahal mo sya, deserved mo na sya?!"

Napatingin sa'kin si Kyle at napakunot ang noo niya at bigla bigla nyang sinuntok si Jonas kaya nagkagulo doon. Nabigla din ako kaya hinawakan ko si Kyle para di na sya makasuntok pa.

"Nice" sabi ni Jonas habang hawak yung parteng nabugbog ni Kyle.

Nagdatingan ang mga guro na andun at tinatanong kung anong tunay na nangyari. Di naman sumasagot si Jonas at bagkus ay para syang lasing na hindi kung kumilos. Bago sya tuluyang umalis ay nakita ko syang tumingin ng malungkot sa'kin. Naramdaman ko naman ang mahigpit na paghawak ni Kyle sa'king mga kamay.

ClassmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon