47 - Magawa kaya nya?

54.7K 1K 136
                                    

April 25 / Thursday

Nakaupo kami sa may upuan doon malapit kay Mariang Banga ngayon. This week, lagi kaming magkasama ni Kyle.

"Nakakapagod palang mag enroll, ano? Ang init tapos haba pa ng pila!" sabi nya.

Tiningnan ko yung papel (form 5) na hawak ko. Uhm.. Enrolled na ko.. Officially.. Parang natatakot ako kasi baka hindi ko kayanin.. Mukhang halos lahat ng nakapila, competitive (base sa mga usap-usapan ng mga magulang na valedictorian, salutatorian, etc yung mga anak nila habang ako, wala ni isang medalyang natanggap..)

Nakaramdam naman ako ng braso sa may balikat ko. Tinignan ko sya na nakatingin rin sa'kin habang nagpapaypay naman yung kanang kamay nya.

"Nauuhaw ka ba? Gusto mo ng maiinom?" tanong nya.

Tinignan ko sya at hinihintay yung sagot ko.

"Ah tara" sagot ko na akmang tatayo na.

"Di, ako na lang ang bibili.. Dito ka lang, pagod ka na eh" sabi naman nya.

"Nge? Ang lapit lang ng 7eleven eh" sabi ko naman pero tumayo na sya at iniwan yung pamaypay sa may upuan at saka dali daling umalis.

Tinignan ko na lang ulit yung papel at binasa-basa ito. Sinaulo ko na rin yung student number ko.

Pero, ang sabi nila, pag daw puro 3 at 5 ang student number, yun din daw ang mga markang makukuha. Ay, nakakabaliw naman kung ganun kasi ang daming 5 sa student number ko @#%&

"Uy uy, nakita mo si Kuyang naka-blue kanina? Yung nasa likod ko sa may counter?" narinig kong sabi ng isang babae na papalapit sa may likod ko.

"Yung may dalang dalawang Nesafe Latte?"

Tumingin ako palikod at nakita ko ang dalawang babae na may hawak ng Slurpee.

"Oo! Ang gwapo no! Freshie ata si Kuya!"

"Inspired ka na ata mamayang lab natin ha!"

"Ano kayang course nya? Sana maging kaklase ko sa kahit isang GE!"

"Child abuse ka talaga!"

Patuloy pa silang nagsasalita hanggang sa hindi ko na marinig yung sinasabi nila dahil lumiko na sila.

"Ey! Anu iniisip mo dyan, girlfriend ko?"

Napatingin ako sa may likod at nakita ko si Kyle na may hawak ng Nescafe Latte at iniabot sa akin at saka umupo sa tabi ko sabay kuha ng panyo sa bulsa nya at pinahid yung pawis nya sa mukha.

"Shet ang inet" reklamo nya habang binubuksan yung de can na nescafe.

"Ayaw mo ba nyan? Mogu mogu sana bibilhin ko o kaya yung Milkis na lagi mong iniinom eh.. Gusto mo ba nun? Balik ako dun?" tanong nya.

ClassmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon