Di ako mapakali habang naglalakad papuntang KFC. Habang naglalakad ay iniisip ko kung ano bang pwedeng approach ang gagawin ko. Aminado kasi ako na nagkamali nga ako. Isa pa, nalaman kong ambabaw kong tao.
Nasa harap na ako ng KFC at tahimik na pinagmasdan sa labas kung nasaan s'ya nakaupo ng biglang mapansin ko ang isang lalaking naka-polo na may pagkaway pa kaya napangiti ako at kumaway din. Nakalimutan ko tuloy ng panandali kung ano nga bang approach ang gagawin ko. Tahimik akong pumasok sa loob ng KFC na may halong kaba sa dibdib.
Act normal. Act normal.
"Ah... Kanina ka pa?" tanong ko.
"Ah di... Ka-kanina lang" sagot n'ya at saka ngumiti sa'kin.
Tuluyan na akong umupo sa upuan na nasa harapan n'ya at napatingin na lang sa kaliwa dahil hindi ko alam kung ano pang pwedeng sabihin.
"Akala ko ba miss mo na ko?" tanong n'ya kaya napatingin ako sa kanya.
"Parang hindi naman.." sabi pa n'ya sabay tawa ng konti.
Hindi ko tuloy alam ang sasabihin ko o irereact ko sa sinabi n'ya.
Katimikan naman ang sumunod doon.
"So.. Order na tayo?" alok n'ya matapos ang 20 segundong katahimikan.
Tiningnan ko s'ya at kita kong hinihintay n'ya ang tugon ko. Tumayo na lang ako kaya napatayo na din s'ya at pumunta na kami doon kung saan umoorder.
"Ano yung gusto mo?" tanong n'ya.
Magsasalita na sana ako ng unahan n'ya ako,
"Flavorshots? Flavorshots na naman?" sabi n'ya sabay pisil sa braso ko.
"Tingnan mo oh, pumapayat ka na" dagdag pa n'ya.
Akma na sana n'yang pipisilin yung pisngi ko ng magtama yung paningin namin sa isa't isa kaya natigilan s'ya panandali.
"C-carte.. Ala carte... G-gusto mo ba nun?" tanong n'ya sabay tingin dun sa menuboard(?)
Napalunok ako, "Ok"
"Uhm, drinks?" tanong ulit nya ng di nakatingin.
"Kahit ano" sagot ko.
Habang naghihintay sa pila, kinulbit ko s'ya kaya napalingon s'ya sa'kin.
"Uupo na ako, baka wala na tayong maupuan eh" paalam ko sa kanya.
Tumango lang s'ya kaya bumalik na ako sa inupuan ko kanina. Buti na lang at wala pang nakaupo doon.
Nilaro laro ko muna yung mga kamay ko habang naghihintay sa kanya. Naalala ko tuloy nung matapos ang Love Radio namin.. Napaka-tahimik nung oras a yun habang kumakain kami.. Though kaiba yung feeling na hindi ko makalimutan.
BINABASA MO ANG
Classmate
Teen FictionThis story tackles about school & life. For soft copies ➜ http://filipinastories.yolasite.com/free-soft-copies.php