4 - Groupmates din!

113K 2.1K 190
                                    

Mga 1 minute ata yun. Nung matapos ay nagsimula ng makitukso yung iba ng 'Ayieee' na nakakainis.

Ngumiti si Rui at nilagay sa may table yung gitara nya at kinuha yung isang pulang rosas at lumapit sa akin. Nagtilian naman yung mga nakikitingin.

At.. Nakita ko na lang na may naagsipasukan sa pinto na may illustration board na may letter bawat isa.

"Will you be my GIRL?" ang nakalagay at halos di ako makapaniwalang hawak ni Kyle yung "?".

Alam kong kinutsaba lang sila dahil lahat sila kaklase ko pero ang sakit malaman na pumayag sya kahit di ko alam kung anong expression nya sa mukha dahil nakatungo sya. Kung nakatawa ba sya o napipilitan lang.

Pero dahil ayokong maging assumera, oo, tatanggapin kong para sa kanya, wala ito. Para sa kanya, isa itong tulong.

"Ayos lang kahit wag mo munang sagutin. Makakapag hintay naman ako." sabi ni Rui sabay ngiti sa'kin.

"Kahit kunin mo man lang itong rosas na to, please?" dagdag nya.

Narinig ko naman yung tukso ng mga tao kaya kahit ayoko, kinuha ko yun habang nakatingin kay Kyle na kasalukuyang nakatingin sa may pinto.

Tumingin ako kay Rui para di mahalatang may gusto ako kay Kyle at ngumiti ng pilit. Tinitiis ko lang na di umiyak. Ang sakit kasi. Ang sakit.

- - -

"Rui, pwede ba tayong mag usap?"

"Sure" sabi nya habang nakangiti.

Pumunta kami sa may library. 4pm na at kakaunti na pustahan ang tao ron kaya mas mabuti kung dun kami mag uusap.

Di ko nga lang magawang magsalita.

"Eto ba yung sagot? Kahit bukas pa. H'wag mong madaliin. Di naman ako nagmamadali eh. Kakanina lang naman ako nagtapat eh."

Huminga akong malalim. Tiningnan ko sya.

"Rui.. Nagtapat ka na sa'kin noon di ba? Nung nabangga mo ko.. At.. Sorry talaga pero hindi parehas ang nararamdaman natin sa isa't isa.. Sorry.."

Nakita ko sa mukha nya na malapit na syang umiyak. Ngumiti sya pero ngiting hindi masaya. Bakas sa mukha nya yung lungkot.

"Ayos lang. At least, nag try ako.. Salamat.. Sa sagot mo." ngumiti ulit sya tulad ng kanina, yung malungkot na ngiti, at saka lumabas na ng library.

- - -

"Binasted mo si Rui?" nakangangang tanong ni Kristel sa'kin.

"Aba sayang yun! Gwapo din yun ah! May lahi pa!" dagdag nya.

"Ayoko namang paniwalain syang gusto ko din sya. Ayoko ring pilitin yung puso ko sa taong hindi ko talaga gusto."

"Hmm.. Sa bagay! Loyal ka kay "Classmate" eh! Aruy! Sayang lang nya at ang kalaban nya ay yung mahal mo na ng pitong taon and counting!"

"Sssh, wag ka ngang maingay dyan!"

"Ang haba naman kasi ng pila para makakain! Gutom na ko! Kumakalam na sikmura ko!"

Matapos ang mahabang pila ay nakakain naman kami. Bumalik sa room dahil Physics na.

"Ey guys, punta daw sa Physics lab" sabi nung favorite ni Ma'am Physics. De joke lang.

Kinuha ko yung workbook at ballpen pati yung lab gown ko. Nakakabagot na naman ito at Group 5 kami. At ang groupings ang by surname. Sabagay, kahit by first name, di kami magiging magkagroup ni Kyle.

Aish. Ba't kasi ang A at V ay malayo eh magkalapit naman ang structure nila eh. Binaligtad na V lang with dash ang A eh!

"Okay class, 4 stations lang ang meron para sa experiment so yung Group 5, maghiwa-hiwalay muna kayo ng landas. Each group ay dapat may 7 members tutal may excused na dalawa."

Ehhh! Arghhhh! Gusto kong maglinis ng apparatus eh! Ako yung naka-assign sa group kapag may experiment eh tapos di na ko makakapaglinis dahil dagdag lang ako sa isang group. Sniff!

"Col!" narinig kong tawag ni Kristel.

Pinapalapit nya ako sa grupo nya pero dahil di ako makadaan dahil nitong si Lester na paharang harang sa daan ay naunahan ako ni Aira sa pagpunta dun kaya naging pito na sila. Tapos ka-close nun yung leader kaya gora.

San na ko? Letse! Ang malas!!!

"Uy Classmate, dito ka na sa'ming group. Six lang kami."

Liningon ko habang ang lakas ng tibok ng puso ko. Una kasi, may pagkulbit pa sya. Pangalawa, narinig ko yung boses nya. Pangatlo, tinawag nya ako. Pang-apat, "Classmate" ang tinawag nya sa'kin at panghuli, niyaya nya ko na maging ka-group @#%&@#%&

Kung di ako nagkakamali, sya yung leader ng Group One! Ohmygod!!!

Syempre punta ko sa station nila. At dahil halos 7 months na silang magkaka-group, halos sila lang yung nagkakaintindihan. Idagdag mo pa na ako lang yung babae. Sila sila yung nag iisip ng mga sagot.

Wala man lang akong maitulong. Nakakapanlumo.

"Uy classmate, ikaw na maghugas nung mga nagamit na test tubes at mga apparatus." sabi ni Kyle sa'kin.

Kinuha ko agad at saka hinugasan ng mabuti ang mga yun habang nagsasagot sila.

ClassmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon