46 - The cutest...

57.1K 1.1K 123
                                    

"Eh Kyle, ba't ka andito?" tanong ko matapos na mawala yung bakas ng pag-iyak ko sa mukha.

"Eh kasi girlfriend ko, yung kaibigan ko, nadala sa bagahe nya papunta dito yung cellphone ko! Hmm, kelan ba yun? Nung mga graduation?" sagot nya habang parang nag iisip pa kung anung exact date.

"Eh ba't napapunta sa kanya?" tanong ko sabay tingin sa kanya.

Tumingin sya sa akin at saka tumingin dun sa may damuhan kung saan may mga bulak. Nakaupo nga pala kami sa mqy bench dito sa may freedom park. Fortunately, bakante yung upuan kung saan may puno kaya hindi mainit.

"Nagkalasingan lang.. Pero di naman ako sumali.. Konting tagay lang.. Kami kami lang naman nina Lester.." nakatungo nyang sagot.

"Ilan tinagay mo?" tanong ko.

"Uh.. Mga anim? Anim na malilit na baso lang naman yun.." sagot nya ng nakatungo pa rin.

Panandaliang katahimikan ang nangyari hanggang sa nakapagdesisyon na akong tanungin yung susunod dapat na tanong.

"Bakit ka uminom?" tanong ko ng nakatingin sa kanya.

Hindi sya sumagot at bagkus ay nakita ko na lang na namula yung tenga nya.

"Bakit ka uminom?" ulit ko na dahilan ng pagtingin nya sa'kin.

"Ona! Nagselos na!!!" sagot nya sabay kamot sa may tenga nya at saka hindi tumingin sa'kin.

"Ba't kasi nung hinalikan ka nya pumikit ka tas nung ako, sapok napala.." mabilis na sabi nya ng pabulong habang hindi pa rin nakatingin sa akin at kinukutingting yung mga kuko nya sa kamay.

Napatungo naman ako at kinutingting rin ang aking kuko sa mga kamay.

"Paano naman ako pipikit kung mabilis yung halik mo nun.." medyo pabulong ko namang sabi na sana pala ay di ko na sinabi kasi nagkaroon ng sobrang katahimikan sa aming dalawa.

Dahan dahan akong sumilip sa may mukha nya pero pagsilip ko ay nakatingin din pala sya sa akin.

"Malay ko bang pwede pala yun.." mahina nyang sabi habang nakatitig sa akin.

Katahimikan. Nakatitig lang kami sa isa't isa.

"Alam mo, kung pwede lang na magpropose na ako sa' yo, matagal ko ng ginawa.. Pero bago yon, gusto kong ipatunayan muna na karapat dapat tayo sa isa't isa.. Kailangan ko munang magtapos ng pag-aaral para naman meron akong ipakain sa'yo.. Para meron tayong sapat na pundasyon para makapagtatag ng pamilya, bahay.. mga anak at sa gayon, hindi mo maisip na isa akong pabigat na asawa.. Ngayon pang aba eh, UP ang aking magiging asawa!" sabi nya sabay tawa.

Nakaramdam naman ako ng konting saya dahil sa sinabi nya.. Na kasama ako sa mga plano nya.. Pero, magkakahiwalay naman kami sa kolehiyo.. Parang naiisip ko tuloy na wag tumuloy.

"Tutuloy ka dito ha? Nagsisimula na ang registration nyo di ba? Pag di ka tumuloy, malulungkot ako" sabi nya.

ClassmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon