May 31 / Friday
"Dali dali ate Coleen! Magbihis ka na kasi!!!" utos sa'kin ng isa kong pinsan.
"Oi gumising ka na nga Col!" utos din ni Mama.
Pinilit kong bumangon mula sa pagkakatulog ko. Masakit pa yung mata ko sa pagkakatulog. May 31 nga pala at may sagala mamayang hapon. Well, maglalakad lang naman kami at magdadasal. Tapos, kinuha pa akong Rosa Mystica. Nakakaloka naman, bakit ako pa? At kung sino ka-partner ko? Eh di yung taga-dito lang din sa'min.
"Ate ate! Nasa labas na yung intersection flowers mo!" sabi naman sa'kin nung isa kong pinsan na matalino.
"Intersection flowers ka d'yan? Arko yun, arko" turo ko naman sa kanya.
Pumunta akong sala at nakita ko yung gown na susuotin ko mamaya. Yan pala yung napili ko? Hindi na ako nakapamili pa ng maganda eh! Tss. Kumakain naman ako ng almusal ng nagdatingan na mga baklang mag-aayos sa'kin. Sinalubong ko naman sila ng ngiti para gandahan nila yung ayos sa'kin.
Hayy. Kung writer lang ako sa wattpad, gagawin kong nagkasakit yung ka-partner ko at hindi na makakapunta tapos mag-iisip kami kung sinong pwedeng pumalit.. pero dadating si Kyle at ayun, mapagdidiskitahan naming s'ya na lang yung partner ko -- pero wala eh, hindi pa nga ako kino-contact ni Kyle eh. Tingnan mo nga't May 31 na?
Oo, t_nga kasi ako eh, hindi ako pumunta dun sa piyestahan. Mas pinairal ko pa pagiging nega ko. Napaka-baba kasi ng self-esteem ko sa sarili eh.
Pero ang mas masakit.. sinusubukan ko s'yang tawagan pero hindi n'ya ako sinasagot. Di rin s'ya nagrereply sa mga texts ko :(
"Ano ba hong oras ng parada ni Ineng?" tanong nung isang mag-aayos sa'kin.
"Ay 5 PM daw ho" sagot naman ni Mama.
"Ma, ligo lang ako" sabi ko naman kay Mama kaya tumango s'ya.
Binabad ko yung sarili ko sa shower. Nag-iisip, nagmumuni-muni ng mga bagay.. Hayy.. Siguro, mukhang ito yung sinasabing quiet break-up(?). Yung tipong magkikita kami isang araw sa daan at kamumustahin n'ya ako at sasabihing, "Musta na ang buhay mo? Naka-move on ka na naman sa'kin di ba?" Tapos malalaman ko na lamang na meron na pala s'yang iba. Hayy Coleen! Sino ba kasing lalaki ang hindi maiinis sa'yo?
Napa-buntong hininga na lang ako sa mga iniisip ko. Nagsimula na akong manligo. Mukhang 10 minutes din akong nagbabad sa shower eh. Matapos yun ay lumabas na ako (ng nakadamit). Pumunta naman ako dun sa kwarto kung saan may salamin para mag-ayos at magpatuyo ng buhok.
"Ate ate, dumating na yung bouquet mo!" sabi isa sa mga pinsan ko (marami kasing nasa bahay eh kaya magulo yung bahay).
"Ah" nasabi ko na lang sabay punta sa sala.
Nagkakagulo naman mga pinsan ko dun. Naglalaro sila. Puro bata eh. Sabagay, bakasyon naman kasi. Napunta sila dito pag bakasyon kaya nagiging buhay yung bahay namin. Isa pa, nagpapasalamat ako sa kanila dahil at least, sa sobrang kulit at ingay nila, minsan na lang pumasok sa isip ko yung.. kung ano na ba kami ngayon ni Kyle.
Mamaya din naman, matapos ang konting kulitan namin ng magpipinsan ay tinawag na ako nung mag-aayos sa'kin.
"College ka na neng?" tanong n'ya.
"Opo" sagot ko.
"San ka papasok?" tanong pa n'ya.
"Ay sa UP yan!" singit ni Mama.
"Aba, galing naman! Eh di mawawalan na ng lovelife?"
Tinawanan ko na lang yung sinabi nung nag-aayos sa'kin. Matapos naman ang nakakangalay at sakit sa leeg, likod, batok at etc ay natapos na yung pag-aayos sa'kin. Bale, inaayos na lang yung pagkakulot ng buhok ko.
"May boyfriend ka neng?" at nagsimula na naman s'ya magtanong @#$%!
"Ah.. ah eh.." hindi ko naman s'ya masagot.
"Naku, sa ganda mong yan, wala?" tatawa-tawang sabi n'ya pa.
Tumawa na lang din ako.
- - -
"O, punta na, dali, tara na" utos ni Mama habang ang dami n'yang dalang kung ano-ano.
"Hawakan mo tong bouquet mo" dagdag na utos pa n'ya.
Kinuha ko naman yung bouquet. Ito lang naman yung dala ko habang maglalakad mamaya eh. Papalabas na kami ng bahay ng makita ko na si Christian na s'yang magiging partner ko. Nilakad naman namin kung san daw magsisimula yung sagala.
Wala pa kami doon eh ang dami ng titingin-tingin sa'kin. Sabagay, halos lahat ata ng mga tao dito, nasa may gilid na ng daan at naghihintay na ng parada. May mga foreigners din na may dala-dalang camera. Nakakahiya tuloy kaya nakatungo ako kanina pa habang naglalakad.
Pinapila na kami. Nasa kaliwa ko naman yung kapartner kong jejemon ata at kanina pang text ng text! Sobrang init pa kahit hindi naman mainit! Ang dami kasing tao! Parang ayoko na tuloy!
Noong mag 5:20 PM na, sinimulan na ang parada. Sabi nila, na-late daw kasi ng dating yung Reyna Elena. Pero syempre, hindi naman kasi kumpleto kung wala s'ya kaya sige, pagbigyan.
Habang naglalakad ako, ramdam na ramdam ko mga tingin ng mga tao sa'kin. Eh ayoko naman ng ganun kaya minsan lang ako tumingin sa paligid. Ang madalas, sa daan ako nakatingin. Paano na lang kung madapa ako? Eh di lalo akong napansin? At saka, nakakahiya yun!
Patuloy lang yung sagala ng mapatingin ako (sa hindi ko alam na dahilan) sa may kanan. Nanlaki naman ang mata ko sa nakita ko. Bakit.. bakit andito si Kyle?! @#$%!
Pero dahil kailanga naming sumunod sa pace ng lakad ng parada, hindi ko man lang s'ya nangitian o nakawayan. Ang tanging nakita ko lang sa mukha n'ya ay nakatingin s'ya sa'kin at kumaway pa -- kaya talagang nabigla ako dun na parang gusto kong tumingin sa likod pero hindi pwede dahil baka masira yung formation ng parada.
Habang naglalakad na ako pauna, hindi ko maiwasang tumingin sa paligid baka makita ko ulit s'ya. Pero nakapunta na kami dun sa tuklong ay hindi ko na s'ya nakita pa.
Pero.. kung makita ko ba s'ya.. ano bang sasabihin ko sa kanya? Ano ang dapat kong ikilos sa kanya? Nagkamali ba talaga ako sa di pagpunta nung piyesta nila? Nagkamali ba ako at hindi ako nagbigay ng tiwala sa kanya? Sabagay, pagkakamali ko nga ito.. pero masisisi mo ba ako? Baguhan lang din naman ako sa larangang ito. Hindi ko alam kung paano mag handle ng relationship.. at lalong lalong hindi ako yung taong maalam magbasa ng iniisip n'ya.
Ngayon, medyo napapaisip ako.. Does actions speak louder than words? Kung ganon, anong ibig sabihin nito? Bakit s'ya nandito kahit hindi n'ya ako tinetext o tinatawagan? Bakit s'ya kumaway sa'kin na para bang magkaibigan kami? Mag.. kaibigan na nga lang ba kami ngayon o.. ano nga ba? Ano na ang estado namin? Paano ko malalaman kung ayaw n'ya na akong kausapin?
Pero ako? Kung tatanungin?
Sana.. kami pa rin.

BINABASA MO ANG
Classmate
Teen FictionThis story tackles about school & life. For soft copies ➜ http://filipinastories.yolasite.com/free-soft-copies.php