1 - Classmates forever ang peg

209K 3.4K 495
                                    

"Uy Coleen! Nakasimangot ka na naman dyan!"

Lalo akong sumimangot.

"Eh sino bang hindi sisimangot? Eh tingnan mo oh, sa halos na 4-year life ko sa pagiging highschool, ang hangad ko lang naman ay kausapin nya ako!"

"Ay ewan ko sa'yo Col! Ang bata mo pa nun noh! At saka hello? Ngayon mo nga lang naging kaklase si ano noh? Edi kausapin mo!"

"Eh pa'no ko kakausapin? Alangan namang out-of-the-blue akong makikipag usap sa kanya no! Hayy!!! October na nga eh! Ni isang letter, a,e,i,o,u man lang, di ako kinausap!"

"Alam mo, nagtataka ako kung bakit sya ang inaantay mong kumausap sa'yo eh hindi mo nga alam kung may crush sa'yo yung tao! Kaloka ka!"

"Ay ewan! Tara na nga sa canteen!"

Habang bumababa kami ay nakasimangot pa rin ako. Eh kasi naman! Yung first love at forever crush ko, naging kaklase ko nga pero di ko kayang kausapin!

I mean.. Nung elementary kami, magkaklase kami nyan at magkatabi pa! Tapos, binubully nya ako non. Ang puti ko daw na parang espasol. Galit na galit nga ako sa kanya nun hanggang sa magising na lang ako na crush ko na sya. Ginawa ko ngang motto ang: the more you hate, the more you love.

First year to Third year, iba ang section nya. Pero napaka-loyal ko dahil sya pa rin yung crush ko. Hanggang sa naging 4th year na ako at malamang kaklase ko sya!

Syempre, tuwang tuwa naman ako. Akala ko, itong school year na ito na ang luckiest ko! Yun ay, akala ko lang yon! Eh pa'no naman? Unang una, ATIENZA sya, VELASQUEZ ako! Pangalawa, may ka-MU-han na sya sa kabilang section! At panghuli, di niya pa ako nakakausap kahit isang beses! Tama na please <//3

"Uy anong kakainin natin?"

"Ha? Ahh eh, ano bang masarap?"

Matapos makapili ay umupo na kami sa bakanteng dalawahang upuan at nag chikahan ng wagas. At dahil busy si Kristel sa pag chika sa'kin, I might tell as well introduce myself na rin.

Ako nga pala si Coleen Velasquez, 15 years young. Nothing more, nothing less. Simpleng tao in short, not that special nor unique in long. May crush kay Kyle Atienza for almost 7 years. Imagine-in mo yun? Ang loyal ko rin?!

"Uy Col, si ano oh, kasama yung ka-MU nya"

"Hay naku Kristel, wag mo namang ipagmukha sa'kin!"

"Ahahaha! To naman! Alam mo takang taka ako sa mundong ibabaw kung bakit kahit isang beses, hindi mo pa sya nakakagrupo ni isang beses!"

"Naku, sadyang may kung ano sa seating plan! Ba't naman kasi nasa unahan syang pa-kaliwa, nasa may hulihan naman akong pa-kanan? Pooshang gala naman kung sinong gumawa nun!"

"Hay naku, ayaw mo nun? Pwede ka ng bumulong ng 'When will I reach you?' habang nakatingin sa kanya? Ang drama ng peg!"

"Wow, director ka na nga ano?"

"Ahahaha oo na! Ito naman, di na mabiro! Kung sumuko ka na kaya?"

And those words left me speechless for a while. Wow umi-english!

"Uy joke lang! Natahimik ka naman dyan! Pinapakaba mo ko loka!"

"Ahahaha! To naman, tinry ko lang yung sinabi mo! Yung drama!"

"Adik nito! Sya ubusin mo na yang pagkain mo. Kanina pang ubos yung akin, FYI."

"Ok po Senyora!"

Matapos kong piliting ubusin yung pagkain ko ay bumalik na kami ng room.

Mamaya pa ay,

"Okay class, I'll group the class into 4."

Nakita ko naman ang mabilis na pagtingin ni Kristel sa'kin. Nabasa ko pa yung sinasabi nya. Ipagdadasal daw nya ako. Yung lukang talagang yun!

Nagsimula ng magbilang ng 1-4.

"Ok now, go to your respective groups."

Pumunta akong gloomy sa mga kagrupo ko. Ano pa nga ba? Edi ayon, wala. Di ko sya ka-group. Kung minamalas ka nga naman! Nakakatawang isipin na inisip kong ito na yung time na magiging kagrupo ko sya pero hindi pala.

Siguro nga napaka-hopeless romantic ko na para isiping nasa isang story ako at ako yung bida at sya yung magiging partner ko. Tapos mutual ang feelings namin sa isa't isa.

Na, destined kami at mag uumpisa ang lahat sa pagiging mag groupmate namin. Kaya lang, oo nga pala, "Classmate" nga lang pala. Nakakatawa talaga at inisip ko yun! Nakakatawa talaga!

Sobra.

ClassmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon