22 - To reach him

92.9K 1.7K 254
                                    

"Hello Coleen!" nakangiting bati nya sa'kin.

"Uhh"

Di ko alam kung anong nangyayari kaya di ako ng hello. Mamaya eh lumapit sya sa'kin at kumapit sa braso ko. Yung parang close kami?

"Friend na kita hah!" sabi nya sabay lakad kaya nadala na rin ako.

Tahimik lang ako dahil biruin mo, yung pinaka-kilalang babae sa campus, nakadikit sa'yo?

"Uh pasaan tayo?" tanong ko dahil papalabas na kami ng school.

"Shopping tayo! Hm? Don't worry, exempted ka na dun sa kung anong ginawa sa school!" sabi nya sabay tigil sa paglalakad.

Mamaya eh may puting kotseng BMW ang pumarada. Tumigil ito at may bumaba at pinagbuksan ng pinto si Niña. Tumingin sya sa'kin.

"Tara!" sabi nya sabay hila sa'kin papasok ng kotse.

Uhh parang familiar to. Ina, Kapatid, Anak -- is that yuh?! @#%&!!!

Syempre pumasok ako kahit ayoko. Di ko kasi alam kung ano pang pwede nyang gawin once na di ako sumunod sa kanya.

Habang nasa kotse eh nananalamin sya. Ako naman, syempre, pasimple simpleng tingin sa loob ng kotse.

"First time?" tanong nya.

Napatingin ako sa kanya. Nakatingin naman sya sa'kin habang nag aantay ng sagot.

@#%& FYI, nakasakay na ko ng BMW no! Mga pinsan ko kaya ay mayaman! Psh!!!

Dahil di ako sumagot eh ngumiti sya sabay sabing, "Don't worry, lagi mo na tong mararanasan kung magiging kaibigan kita!"

Pagtingin ko sa kanya eh naglalagay na sya ng lipgloss. Napansin nya ata ako kaya tumingin din sa'kin.

"You want? Fresh from Sydney ito" sabi nya.

Nginitian ko lang sya at tumanggi.

Nilagay nya naman yung lipgloss sa bag at may kinuha pa sya ulit sa bag. Ayon sa peripheral view ko eh yung phone nyang iPhone 5S na puti.

"Hey! Anong number mo?" tanong nya.

Magsasalita na sana ako ng  i-abot nya ang iPhone nya sa'kin. Kinuha ko at nilagay yung number ko. Binalik ko ulit sa kanya.

Mamaya eh nagvibrate na yung phone ko. Ugh! Ilalabas ko ba ang aking mamahaling myphone? Sorry naman daw, minamahal ko lang ang sariling atin. Di ako nagprapractice ng Colonial Mentalism! (Palusot.com)

"May nagmissed call? Pa-save ng number" sabi nya.

ClassmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon