10 - Ilusyon nga lang ba?

100K 1.9K 150
                                    

Teka lang..

Tutal nagtatanong sya sa'kin tungkol don, siguro naman pwede din akong magtanong?

"Ehh bago ko sagutin yun.. Kayo na ba ni Niña?" mahina kong tanong.

Di ko alam kung narinig nya pero alam kong rinig nya yun kasi tama lang yung lakas para marinig nya!

Tiningnan ko sya.

"Ah, nevermind" sabi nya sabay lakad.

Nakatingin lang ako sa kanya habang papalakad syang malayo. Hindi ba nya narinig? O dahil ayaw nyang sagutin? Pero bakit?

Sila na nga ba? Nakakalungkot naman kung ganun.. Pero bakit di official? Kasi medyo marami ng nakakaalam last year na mag-MU sila.. Bakit di nya sinagot yung tanong ko?

"Asawa!"

"Eel!!!"

Napalingon ako sa likod ko. Boses yun nina Rui at Jonas ah? At sabay pa?

"Oh..?" nasabi ko na lang habang nakatingin sa kanila.

Nagkatinginan naman ang dalawa at saka tumakbo papalapit sa'kin. Ano yun, unahan?

"Eel! May papakita ako sa'yo!" sabi ni Rui habang nakahawak sa kanang kamay ko.

"Mamaya na ang check ng drafts sa research natin! Tara mag library!" sabi naman ni Jonas na nakahawak sa kaliwa kong kamay.

"Sa.. Sarado pa yung library.. Di ba?" nag aalinlangan kong sabi.

"Tara eel!" sabi ni Rui sabay hila sa'kin papalayo.

Pumunta kami sa rooftop.

"T-teka! Bawal dito ang----"

Hinila nya pa rin ako habang nakangiti at agad na binuksan yung pinto papasok.

"Ganda no?" sabi ni Rui na hawak pa rin yung kamay ko.

Medyo ginalaw galaw ko yung kamay ko para maalis yung kamay nya.

"Oo nga.." lumapit ako dun sa may bakal para hawakan yun at para malaman nyang hahawak ako dun.

Binitawan naman nya at humawak din sa bakal. Tahimik lang ngayon habang nakatingin dun sa araw. Maganda pala ang view dito.

"Coleen.."

Tumingin ako sa kanya.

"Alam kong.. Sinabi mong ayaw mo sa'kin.. Pero.. Gusto talaga kita.. Kaya.. Sana.. Bigyan mo pa ako ng isang chance para ipatunayan ko sa'yo na mahal na mahal kita.."

"Uh.. Rui.."

Hindi ko alam.. Bakit ba sya nagkagusto sa'kin? Isa na ata ako sa hindi kapansin-pansin sa school.. Bakit nya ako nagustuhan?

"Bakit.. ako?" tanong ko sabay tingin sa may araw.

"Hindi ko alam.. pero nung una kitang nakita, nahulog na ko sa'yo.." narinig kong sagot nya.

Sumilip ako sa mukha nya. Nakangiti sya habang nakatingin sa may araw.

"Wala ka namang gusto dun sa Jonas di ba?" sabi nya ng matingin sya bigla sa'kin kaya agad akong umiwas.

"Ah? Uhh"

Hindi ko alam. Di ko na maintindihan yung nararamdaman ko pero sigurado akong kaibigan lang talaga kami ni Rui.

Ayoko syang umasa pero sa sinasabi nya ngayon, anong gusto nyang marinig? Na bibigyan ko sya ng chance? Pero pinag isipan ko na yung naging sagot ko nun para di na sya masaktan.

"Rui.. Kasi," tumingin ako sa kanya.

"Kasi mahal mo si.. Kyle?" pagpapatuloy nya.

"P-Paano mo.. nalaman?"

Ngumiti sya ng kaunti at tumingin ulit sa may araw. Nakita kong humigpit yung hawak nya sa may bakal.

"Lagi kitang tinitingnan.. at palagi kong nakikita na nakatingin ka sa kanya.."

Tumingin sya sa'kin.

"Ako.. Kailan mo ko titingnan?"

Natigilan ako habang nakatingin ako sa kanya at sya sa'kin. Di ako makapagsalita. Malakas lang tibok ng puso ko. Di ko alam ang gagawin at sasabihin ko.

"Classmate, time na!" boses ni Kyle?

Lilingon sana ako ng hawakan ako ni Rui at yakapin ako na syang ikinagulat ko. Gusto ko mang tumingin kay Kyle, di ko magawa.

Pumunta ba sya dito para di ako ma-late at ma-mark-an ng absent? Concern ba sya sa'kin? Nalaman ba nyang kasama ko si Rui kaya nagseselos sya?

Mapapangiti na sana ako dahil sa mga ilusyon ko.. Pero,

"Classmate" nga.. sabi nya. Ba't ba ko umaasang makakakita ako ng reaksyon mula sa kanya eh hanggang "Classmate" nga lang?

- - -

(Author: Ongoing pa ito. Hindi ko 'pa' malalagyan ng imaginary character!)

ClassmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon