Nagising ako sa tilaok ng manok ng aming kapitbahay at nalaman kong yapos yapos ko pala ang unan na Rilakkuma. Yung bigay ni.. Jonas. This must be karma. 2 days, wala akong nagawang assignment.
Bumangon ako at inayos ang kama. Nagsuklay at nagtoothbrush. Masakit yung mata ko dahil siguro sa kadramahan 101 ko kahapon at nung Sabado.
Kinuha ang phone ko para tingnan ang oras. Nakakita naman ako ng 2 messages.
May isang from unregistered number. Inuna ko syempre yung naka-registered sa phone ko. At isa syang GM na quote. At ang quote?
"When someone walks away from you, it's not the end of your story. It's the end of their part in your story."
Ang nice naman! @#%& Binuksan ko na yung unregistered:
From: Unregistered Number
gud morning coleen! kyle t0! S0ri ha s hiningi kong pabor sau khapon. Sna klimutan m0 n lng un. S0ri ulet! Wg m0 sna sbihin ky niña
Niña Niña Niña! Magsama kayo ng Niña mo! Tsk tsk tsk! Ginawa ko na daily school routine ko at saka bumaba.
"Oi Coleen, kain na" sabi ni Mama.
"At anung nangyari sa mata mo? Umiyak ka ba kagabi?" dagdag nya.
"Di!" inis na sagot ko.
"Di "PO"." pagtatama ni Mama.
"Osya sya, kain na't malalate ka na sa klase mo" sabi pa nya.
Kinuha ko yung plato ko at kumuha ng kanin. Umupo ako at saka kumain na.
"Yang pag-ibig na yan, di yan iniiyakan. Lalo na yang mga lalaki. Atupagin muna ang pag-aaral. Para yun sa kinabukasan mo" sabi nya nung medyo patapos na ko kumain.
Nawalan tuloy ako ng gana kaya tumayo na ako.
"O? Di mo pa tapos---"
"Late na ko e" sabi ko at saka pumunta sa CR para magtoothbrush.
At bulaga. Ang pangit ng mata ko @#%&
- - -
"Guys! Sa 15 na ang Parents' Day! So ano, nagrequest ako kay Principal na hanggang 8pm tayo! Oks?" anunsyo ng presidente namin na rinig ko sa labas habang papasok ako.
Papasok pa lang ako sa pinto ay lumapit na agad sa'kin si Kyle.
"Sorry Coleen!" sabi nya na mukha namang nagsisisi sa sinabi nya nung Friday.
"Ayus lang yun Kyle" sabi ko sabay ngiti sa kanya.
"Wag paharang harang" narinig kong sabi ni Jonas na nasa likod pala namin.
![](https://img.wattpad.com/cover/3628007-288-k824167.jpg)
BINABASA MO ANG
Classmate
Teen FictionThis story tackles about school & life. For soft copies ➜ http://filipinastories.yolasite.com/free-soft-copies.php