"Ang epal naman ng awarding" sabi ni Kyle matapos naming makaupo.
"Di ko tuloy nasulit yung oras natin" dagdag pa nya.
"Ay makinig ka na lang! Basta ako, gutom ako kaya uubusin ko na'to ah! Akin na lang! Iisang platito na lang eh!" sabi ko sa kanya sabay hila nung platito.
Tumawa lang naman sya sa'kin @#%& wala ba kasing drinks?!
"The nominees for the most promising of the night are:"
Inuubos ko na lang yung natitirang platito ng cornicks ng bigla kong marinig ang pangalan ko @#%&?
Napatingin agad ako kay Kyle. Nag thumbs up naman sya kaya tumayo na ako at pumunta sa may unahan. Uhm, nominado lang naman ako.. For sure, sikat sa school yung mananalo..
Judging naman sa mga nakatayo ngayon (including me) malayong ako yung mapipili.. Pwera a lang kung favorite ako ng mga teachers (na judges) which is impossible dahil di naman ako sipsip sa kanila..
"And the award for being the most promising of the night goes to! Miss Coleen Velasquez!" anunsyo ng isang 4th year hs teacher (na di ko pa nagiging teacher).
Nagpalakpakan naman ang lahat habang ako'y nakangiting ewan na uhhh ewan, nakaka-ewan naman to! Ugh! Ayoko talaga ng exposure! Ba't ang daming nakatingin @#%&?
Matapos ang picture-picture ay agad na akong bumalik sa kinauupuan ko. Sinalubong naman ako ni Kyle na nakalahad ang kamay na parang nang cocongratulate.
Syempre, high-fist(?) ang ginawa ko. Basta yung hindi high-five na parang umaapir pero parang sinuntok yung palad nya.
"Ganda kasi ni Classmate!" sabi nya ng nakangiti.
Syempre di na lang ako sumagot. Nakaka.. Flattered.. Charing! (wow ang luma na nung charing)
"The nominees for Couple of the night are:"
Nanatili kaming nakaupo ni Kyle dahil di kami tinawag. Hahahaha whut?! Anyway, sensya napaka-assuming ko lang na baka ma-nominate kami (yun kasi ang aking inaasam/pinapangarap nung 2nd year palang so.. ayun).. Walang nangyari, walang nakapansin so nganga kami hahaha what the @#%& Coleen wag kang ganyan! Sama na ng tingin nung mga nakakabasa ng POV ko!
"The nominees for Queen of the night are:"
Sayang naman! Di ako natawag! Hahaha ay grabe ka Coleen! Inaasam mo rin yan? Hahahaha eh kasi, mangangarap na nga lang ako'y imposible pa. Hahaha anyway, at least nagkatotoo yung pangarap kong maging kami ni 'Classmate'! Ayehh! Ayehh-yihin ang sarili! :)
Seniors' Ball nga pala ang tawag sa prom namin kaya walang mga Prince at Princess of the night. Tanging mga Seniors lang ang pwede at wala kaming mga corsage-corsage ceremony. In short, exclusive for 4th years ang prom (dami pang satsat)
"And the award for being the Queen of the Night goes to!"
BINABASA MO ANG
Classmate
Teen FictionThis story tackles about school & life. For soft copies ➜ http://filipinastories.yolasite.com/free-soft-copies.php