Tumawa na lang ako.
"Ganun mo ko gusto masaktan? Eh alam mo namang.. Wala." sabi ko.
"Hindi sa ganun! Syempre ayoko kitang saktan noh! Ikaw kaya si Coleen! Ang best friend ko! Kaya ko sinasabing umamin ka na.. Kasi mas masakit yun kung yang pagkakaroon mo ng crush dyan, ay maging "love" na" sabi nya.
"Ay ewan ko! Sya, samahan mo nga ako sa CR! Naiihi na ko!" sabi ko na lang.
Tumayo ako at saka lumabas. Sinamahan naman ako ni Kristel.
At ayan, dahil mag isa ako sa loob ng cubicle eh napaisip tuloy ako.
I'm not sure kung "crush" pa rin ba o "love" na nga ba to. O baka isang malaking paghanga lang? Pero kung paghanga lang ito-- ba't di ako makakita ng flaws? Hindi ba.. Dapat ay may makita ako sa kanya para di ko na sya magustuhan?
"Oi tagal mo dyan ah! Kinain ka na ata ng kubeta! Paparating na sa pinto si Ma'am kaya bilisan mo!" sigaw nya na nasa labas ng CR.
"Oo, wait!" sabi ko at saka lumabas na.
- - -
Tuesday na. At sobrang busy ng iba dahil may ibang requirements silang di naipapasa. Buti na lang at lagi akong on-time magpasa ng mga projects.
Nakaupo lang ako at nag iinternet (using mobile packet data) ng bumukas ang pinto. Nagmistulang istatwa ang lahat sa nakita nila. Wala namang nagsasalita.
"Akala ko na-detention si Kyle?" bulong ng isa.
"Baka binayaran ng pera!" bulong din naman ng isa.
Pinagmasdan ko lang si Kyle na nakaupo sa may unahan na gilid pakaliwa habang nakatungo at nakasaksak ang kulay puting earphones sa may tenga niya.
"Guys guys!!!"
Nawala naman ang baling namin kay Kyle at napunta kay Presidente naming nasa may pinto at may dalang papel.
"We're going to have practices na ha, tomorrow for the Parents' Day! Oks?" sabi nya.
"Hanggang anong oras?" tanong ng isa.
"7pm. Strict." sagot nya naman.
Napatingin naman ang Presidente namin kay Kyle.
"Oh? Buti Kyle at nakapasok ka! Barbie & Ken yung theme ng Parents' Day natin!" sabi nya.
Mukhang di naman narinig ni Kyle dahil may nakapasok na earphones nga sa may tenga.
"Ey ey! Di ba by partners yun?" singit nung isa.
"Yep! Pero hep! Di kayo ang pipili ng partners nyo! Oks?" sagot nya.
"Oks D:" sagot ng isa.
BINABASA MO ANG
Classmate
Teen FictionThis story tackles about school & life. For soft copies ➜ http://filipinastories.yolasite.com/free-soft-copies.php