31 - Love Radio Pt. 5

98.7K 2K 444
                                    

"Ah.. sige" sabi ko habang tumatayo sabay tingin kay Jonas.

Di naman nya ako tiningnan at bagkus ay umupo dun sa inupuan ni Kyle kanina. Umupo naman si Niña dun sa inuupuan ko kanina. Meron namang upuan dun sa may gilid kaya dun muna kami umupo ni Kyle.

"Niña, pa'no ka napilit ng President namin? Pa'no yung booth" tanong ni Kyle sabay tawa ng konti.

(♩♪ Don’t stop! Let’s bring it back to one-forty ♫♬)

Shet, malapit ng matapos yung kanta! Ibig sabihin, malapit na magsimula yung kanilang segment! Ano bang gagawin namin dito? Eh mukhang di naman sila nagtatanong ng mga tips (kahit di ako expert) at yung mga gagawin?

Patuloy lang naman yung kanta hanggang sa marinig ko na yung huling line. Nakita naman namin ni Kyle na may suot na silang headphones.

Jonas: "Happy Valentine's! Ako po si Jonas Gutierrez."

Niña: "I'm Niña Angelica Flores"

Jonas: "And you are listening to:"

Sila: "Love Radio 2013!"

Maalam na naman pala sila eh. Pwede na bang umalis?

Niña: "Since natapos na ang tatlong oras ng segment nina Coleen at Kyle, kami na po ang magtatake-over para sa panibagong tatlong oras dito sa Love Radio 2013"

Jonas: Magsisimula na po kaming magbasa ng inyong mensahe. Sabi ni Hannah, pa-"great" naman daw sa kanyang ultimate crush ng IV- SPA na si John! Happy Valentines daw sa kanya kahit na may GF na siya'y crush pa rin daw nya ito. Salamat daw sa GF nya dahil graduate na ito at yung crush nya ay hindi pa, kaya, salamat daw dahil nasayaw niya pa daw nya siya nung J'S nang School nila. Memorable daw iyon sa kanya dahil siya daw ang first dance nya. Pa-request naman daw ng kantang "Buko" ni Jireh Lim. Yan daw kasi ang sinayaw nila.

Niña: (tingin kay Jonas) Ikaw partner, para sa nalalapit nating Grad Ball, may partner ka na ba?

Jonas: (tingin sa'kin) Basahin mo na lang yung mensahe nila

Niña: (tumungo) Binabati naman ni Violet-Aly ang BSA101 ng PLMar. Especially daw sa mga Bebs nyang sina Katherine, Dayang, Chame, Jisselle, Marlon, Pats, Baby, Reng at Eds.

Jonas: Sabi naman ni Lizzy, kaway-kaway naman daw sya sa mga crush nyang may crush ng iba. Magmahalan daw kayo ah. Kaway -kaway din sa mga tiga IV-Narra (2012-2013) dyan! Lalo na kila Laine, Lheen, Anne at Pau! Ingat daw lagi.

Napatingin kami ni Kyle sa isa't isa dahil mukhang inis na tinatamad si Jonas sa pag d-DJ. Halatang halata ito sa tono ng pananalita nya.

Niña: Hello daw, sabi ni Belle! Binabati lang daw nya ang Grade 7-Constantino ng ICTHS lalo na ang 1G na sina Hannah, Nix, Leona, Zyra, Claudine, Sophia at si Nay Bea na galing IV-Ellison. Pa-request daw ng song na "Secrets" ng One Republic dahil silang mga 1G ay walang tinatagong secrets sa isa't isa lalo na kung tungkol sa mga crush.

Tumahimik muna sila. Nagkaroon ng silence. Para kasing ayaw ng magbasa ni Jonas ng mga mensahe. Tumingin si Niña kay Jonas.

ClassmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon