Malapit na kami sa bahay. I should say something. I need to say something! But... What should I say? Does saying "Sorry" -- enough?
Biglang tumigil yung kotse. Pagsilip ko sa bintana, nasa tapat na pala kami ng bahay namin. Shet, baba na ba ako?
Say something Coleen, say something!!!
"Uhm---" panimula ko pero pinutol n'ya.
"Okay lang. Di mo kailangang pilitin ang sarili mong magsorry" sabi n'ya ng.. di natingin sa'kin.
Hinigpitan ko yung hawak ko sa bag at naisipang buksan na lang yung pinto nung sasakyan at saka bumaba doon.
Titingin na sana ko ulit pero mabilis n'yang pinatakbo yung sasakyan. Naiwan na lang akong nakatayo don.
Wala man lang akong nasabi.
What else is new to me naman di ba?
"Colen? And'yan ka na pala!" narinig kong bati ni Mama kaya lumingon ako at agad na kinuha yung kamay n'ya para magmano.
"Ma, tulog lang ko. Pagod" sabi ko at saka umakyat ng kwarto ko.
Nilapag ko naman yung bag ko sa kama. Samantalang hindi ko alam kung paano mapapabalik yung isa kong bag. Pero hayaan mo na nga yun, bahala na!
Humiga ako sa kama at niyapos yung bear kong si Rilakkuma.. na bigay ni Kyle. Matapos ko yung yakapin ay saka ko iniharap sa'kin.
"Sorry na" panimula ko kaya napatawa na lang ako sa sarili ko dahil kinakausap ko yun. Hanggang sa magtuluan na naman ang mga peste kong mga luha.
"Kainis ka naman Coleen eh.. Ikaw yung may problema"
Niyakap ko ulit yung bear at ginamit yun para takpan yung mga mata kong puno ng luha.
Kinaumagahan...
Bumangon ako at nalaman kong wala na yung dala kong bag. Sumilip naman ako sa bintana at tiningnan yung baba at nakita kong naglalaba na si Mama at andun na yung bag ko.
Bumaba agad ako at akmang tutulungan si Mama ng pigilan n'ya ako at sinabing s'ya na lang daw. Wala naman na akong nagawa kaya pumasok ulit ako sa loob ng bahay.
Umupo lang ako sa may sofa at tumunganga.
Ano bang gagawin ko?
Kung yayain ko kaya s'ya lumabas? Ayos lang bang ako yung gumawa nun?
Pero bakit ko naman yun tinanong sa sarili ko? Dapat ba na parating s'ya yung kikilos? Coleen.. Dapat ikaw din. Ginagawa n'ya lahat Coleen. Dapat ikaw rin.
Pero.. Paano kung tumanggi s'ya?
Aish Coleen! Yan pa ba yung iniisip mo? Hindi mo ba naiisip kung gaano karami ang sumusulyap sa kanya? Nung highschool pa nga lang, andami na -- ngayon pa kayang halos karamihan eh lovelife ang hanap sa college?!
BINABASA MO ANG
Classmate
Teen FictionThis story tackles about school & life. For soft copies ➜ http://filipinastories.yolasite.com/free-soft-copies.php