44 - Probability

54.5K 1.1K 140
                                    

"Break na tayo"

Nagising ako bigla. Tiningnan ko ang orasan. Malapit ng mag 4 kaya napagdesisyunan kong hindi na lamang matulog.

Napabuntong hininga na lang ako dahil sa napanaginipan ko. Ang pagbreak sa akin ni Kyle sa harap ko. Habang inaalala ko yun ay sumasakit na naman ang dibdib ko. Hindi tuloy ako makahinga kaya bumaba ako at kumuha ng tubig.

Umupo ako sa silya sa may kusina at nag isip isip.

Ano bang pwedeng kong gawin? Gusto kong magpaliwanag pero alam ko namang hindi nya ako pakikinggan. Hindi rin sya nagtetext kahit minsan. Gusto ko ding magtext sa kanya pero wala akong maisip na magandang sasabihin. Hindi ko rin sya matawagan kaksi natatakot ako na baka magkatotoo yung panaginip ko.. pero, hanggang kelan ako matatakot?

Malapit ng mag six ng maisipan kong gumalaw mula sa pagkakaupo ko. Ang dami kong iniisip at mukhang sa dami nito ay naguguluhan na ako. Kinuha ko yung cellphone ko. Gumawa ako ng bagong message at nilagyan ko sa pangalan ni Kyle. At nagsimula na akong magtext.

< "Kyle, morning.. May gusto lang akong ipaliwanag.." >

Madali kong tinapat yung thumb ko sa may send at pumikit habang nagsesend yung text ko. Napamulat na lang ako ng magvibrate yung phone ko kaya napatingin ako.

Message not sent.. "Your load balance is not enough to send a text. You only have P0.5 that will expire on 05/01/2013 23:49. Please reload soon to continue sending texts."

Napabuntong hininga ako nung mabasa ko yun. Mamaya pa'y may nagtext sa'kin.. Isa kong dating kaklaseng nakakausap ko nung 3rd year. Mukhang PM pa sya kasi may pangalan ko sa text.

< "Morning Col! Patricia to.. magtatanong lng ko kung break n b kau ni Kyle kc kaw ung usap-usapan sa fb grup ng section nmin.. Sori ah kung gnito txt ko pero kc may kaklase ko na sbi ay break n dw kau at cnasabi n sya dw ang mggng nxt gf! E ayw ko dun kc malandi!" >

Nakatitig lang ako sa text na yon kaya ipinatong ko na lang yung phone ko sa may lamesa at tinitigan yun hanggang sa nakita ko si Mama na bumaba na mula sa hagdan.

- - -

1 month later // April 22, Monday

< "Sorry at Salamat sa lahat Kyle.. Break na tayo.." >

Tinext ko na sya hanggang maaga pa. Sya lang naman talaga yung hinihintay kong makipag break sa'kin kung gusto na nya. Pero dahil ayoko ng umasang meron kaming pag-asang bumalik sa dati, ako na lang yung magtetext sa kanya.

At saka, baka hinihintay nya rin yung pagtext ko na magbreak na kami.. baka kasi iniisip na nya na baka napaka hindi gentleman kung sya yung gagawa.. kaya sige, ako na lang..

Nakakatawa lang isipin na kahit 7 years ko syang minahal ay halos 1 week lang ang itinagal namin. Di ko na sinama pa yung mga araw na di sya nagpaparamdam. Napag alaman kong wala pala yan sa tagal ng pagmamahal mo sa kanya. Nasa kung kelan kayo tatagal yan.. Sabagay, ayos lang.. ganun naman talaga yun.. mangyayari ang dapat mangyari.

ClassmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon