56 - New friends

39.8K 760 27
                                    

(a/n: Hi! For those na hindi nabasa yung chapter 52 kasi biglang nawala, nagbalik na po s'ya! Na-retrieve ni watty kaya yung mga iba d'yan, pwede n'yo ng mabasa. Ahihi)

- - -

Pakshet-mimnida!!!!!!!!!!!!!! Mama!

Agad akong bumangon sa kama at tumambad naman sa mga mata ko ang sobrang liwanag ang sikat ng araw. Tiningnan ko yung relo na nakasabit sa may cabinet ng isa kong roommate (kahit violation yun) na kasalukuyang nagkukulay ng kuko n'ya sa paa. Nakita ko namang 7:15am na!

Pakshet-mimnida lang talaga! Late na ako! @#%&

Agad kong binuksan ang cabinet ko, kumuha ng damit, p for p at yung b for b. Sinuot ko tsinelas ko, kinuha si timba at yung mga panligo ko. Syempre, hindi ko kinalimutan si twalya na pantuyo ng katawan. Kinuha ko na rin si toothbrush para dirediretso na ako.

Pipihitin ko na yung doorknob ng biglang magbukas ito at tumambad naman yung isa ko pang roommate na may dalang Supreme Lucky Me na di ko na tiningnan kung anung flavor. Haler? Late na ko?!

Tinungo ko agad ang CR -- at tumambad sa'kin ang isang pila! Pakshet-mimnida! 7:23am na! Wag na kaya ako maligo?! Late na ko!!!

Umalis na lang ako sa pila ko at bumalik ulit sa kwarto. Lima lang naman yung nakapila pero yung iba kasi, kung makaligo, akala mo nasa isang hot spring! Anyway, pagpasok ko, nadatnan ko naman yung isa ko pang roommate na kasalukuyang inaalis yung rubber shoes n'ya mula sa paa n'ya. Bale apat kami sa room, at ngayon, apat kami sa room.

- Yung nagkukulay ng kuko sa paa

- Yung kumakain ng Supreme

- Yung nag aalis ng sapatos

- Ako

"Uy, anung nangyari sa'yo? Parang haggard na haggard ka?" tanong n'ya sa'kin habang inaalis yung backpack sa likod n'ya.

Actually, s'ya lang nakakausap ko dito sa room. Buti na nga lang eh. Yung dalwa kasi, parang may sariling mundo!

S'ya nga pala yung kasama kong maglunch kahapon sa Mang Toto's.

"Ahm, guys, pwede ba kayo lumabas saglit? Magpapalit lang ako ng damit. Puno na kasi yung CR" paliwanag ko.

Napatingin naman silang lahat sa'kin pero tumayo na lang sila at lumabas. Agad agad naman akong nagbihis at nung matapos ay binuksan ko na ulit yung pinto kaya pumasok na sila ulit.

"Wala kang klase?" tanong ko kay Rianne (yung kasabay ko nga maglunch kahapon) habang nagsusuklay ng mabilis at todo sa pag aayos ng bag. Nagawa ko pang magtanong di ba?

"Di kami sinipot nung PE1 prof namin eh! Dinayo ko pa nga yung EE Audi na sobrang layo tapos ganun! Sa may CEAT pala yun! Nilakad ko pa dahil nagtanong tanong pa ko!" sagot naman n'ya.

Naglakad naman na ako papunta sa pinto.

"Ah! Geh geh late na ako! Huhu, baka pag-sample-in pa ako dun! Lecture pa naman!" sabi ko na akmang aalis na.

ClassmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon