32 - Conflicting feelings

83.4K 1.6K 209
                                    

"San tayo?" tanong ko habang naglalakad kami.

Medyo nakatungo ako kasi andaming tao sa baba. Nahihiya ako at naiilang. Buti na lang ay Valentine's kaya maraming tao't walang nakakapansin sa'min.

Tumigil s'ya panandali at tumingin sa'kin.

"San mo ba gusto?" tanong nya habang hawak pa rin yung kamay ko.

Napansin nya yata na naiilang ako sa paghawak nya sa'king mga kamay kaya dahan dahan nya itong binitawan. Napakamot sya sa may kilay at napakagat ng labi.

"Sorry" sabi nya.

"Nakalimutan kong nasa panliligaw stage pa lang ako" dagdag pa nya sabay tingin sa'kin.

Ang totoo, medyo naguguluhan ako sa nangyayari. Kami na ba dahil pinalaya(?) na s'ya ng girlfriend nya o mag M.U. pa rin kami?

"Ahm, sa labas na lang tayo kumain?" sabi ko.

Nagsimula na akong maglakad habang s'ya naman ay susunod-sunod sa'kin. Hanggang ngayon, di ko din alam kung totoo ba itong nangyayari ngayon. Ewan ko ba! Basta! Ibang saya yung nararamdaman ko ngayon kahit hindi halata.

Ikaw ba namang maging ka-M.U. ng halos pitong taon mo ng crush? Hindi ka pa ba liligaya doon?!

"Anong gusto mo?" tanong nya habang nasa may counter kami ng KFC.

Tumingin s'ya sa'kin at saka tumingin sa may taas (kung nasan nakalagay yung menu).

"Flavorshots with mushroom soup na lang sa'kin. Yung tig P70.00" sabi ko at akmang kukunin na yung wallet ko sa bulsa.

"Ako na magbabayad" sabi nya sabay tingin sa'kin.

"Gusto mo ba ng mashed potato o fries?" tanong pa nya.

"Wag na lang. Uhm, 8'o clock yung drinks" sabi ko sabay tingin dun sa babaeng nasa counter na nakangiti sa'min.

Matapos iyon ay naghanap na kami ng bakanteng upuan.

Tahimik lamang kami habang kumakain. Pa-minsan minsan ay titingin kaming parehas sa isa't isa at mamaya pa ay ngingiti sabay tatawa. Yun lamang ang ginawa namin sa loob ng KFC ngunit napaka-makahulugan iyobln para sa'kin.

Napatunayan ko ngang,'Action speaks louder than words'.

Lumabas na kami matapos naming kumain. Naglakad lang naman kami ng naglakad (sa gilid ng kalsada) hanggang sa maramdaman ko na lamang ang unti-unting pagdikit ng mga kamay namin sa isa't isa.

Napatingin ako sa kanya dahil nun. Nakatingin rin s'ya sa'kin sabay sabing: "Ayos lang ba?"

Hindi ako nagsalita at bagkus ay humakbang pauna. Pagsilip ko sa mukha nya'y nakangiti siya. Siguro alam nyang, 'Silence means yes'.

- - -

"Uy andyan na pala sina Coleen!" bungad na sigaw ng isa naming kaklase nung bumalik kami sa school.

Malapit ng mag 5 pm ng matapos yung tahimik na makahulugan naming date ni Classmate. Bumalik kami ng school ng hindi nakahawak ang aming mga kamay. Inikot lamang namin ang palibot ng Plaza at saka bumili ng mga strdleet foods na aming nakita dun.

"Coleen! Sama kayo sa Success V-party!" sabi ng Presidente namin.

Lumapit naman sa'kin si Kristel.

"San kayo pumunta? Hinahanap kita, di ka man lang nagtext!" sabi ni Kristel habang nakanguso.

"Ayiee nagdate sila!" loko ng isa.

"Boom! Improvement pre!" sabi nung isang kaibigan ni Kyle sabay palo sa likod ni Kyle.

Sunod sunod naman ang panloloko nila sa'min hanggang sa aminin ni Kyle na nanliligaw palang s'ya sa'kin. Lalo namang lumakas ang hiyawan sa classroom hanggang sa tumahimik ang lahat ng may magsara ng malakas ng pinto.

"Akala ko ba sasama si Jonas?" tanong ng isa.

ClassmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon