Matapos magbayad ay nagsimula na kami ulit magkwentuhan.
"Di ba na-opis ka dati?" panimula ko.
"Ah, yung bang sa pinto?" tanong nya.
"Ahm, nung elem.." sagot ko naman.
"Ah oo! Kala ko yung ano eh"
"Yung?" tanong ko.
Tumingin naman s'ya sa'kin.
"Yung pinto sa room natin.." sabi naman nya.
Di na lang ako nagsalita.
"Sorry ah.. Dami ko ng kasinungalingan na nagawa at pinalabas dahil sa katorpehan ko.." sabi pa nya.
Tiningnan ko sya at ganun rin sya. Patuloy naman sa pagtakbo ang jeep na sinasakyan namin.
"Kung iisipin.. Parang ang dami ko ng kasalanan sa'yo.. Pero pangako, wala na akong itatago sa'yo. Sorry talaga at naging torpe ako"
Ngiti ang isinagot ko sa kanya.
- - -
"Dito na lang! Kaunti lang naman na yung lalakarin ko eh!" pagpupumilit ko kay Kyle.
"Di! Ihahatid na kita sa mismong bahay nyo, please?" pagpupumilit din nya.
"Eh may bisita nga kami!" sabi ko naman.
"Eh ano naman? Basta hatid kita!" sabi nya naman.
"Walang pagkain dun!" sabi ko.
"Eh kakain lang naman natin! Hatid na kita ah" sabi nya.
"Kyleeee" sabi ko na medyo pasuko na.
"Dali na? Please?" sabi pa nya.
"Eh hindi nga pwede! Nakakahiya kina Tita!" sabi ko.
"Bakit? Anong nakakahiya?" tanong nya.
"Eh.. Sira ka na kay Mama eh" sabi ko na natatawa.
"Ha?! Bakit naman?" tanong nya.
"Eh.. Kaya nga ipapa-good vibes ko pa ulit pangalan mo sa kanya! So, wag mo na ko ilakad sa mismong bahay ok? Sobrang lapit na nga lang yun!" sabi ko.
"Kita mo yung pulang bakod na yun? Yun yon! Kahit tingnan mo pa! Safe ako!" dagdag ko pa.
Halata ko naman sa mukha nya ayaw nya at gusto nyang sumama. Bakit ba gusto nyang sumama? Nakakahiya kaya!
"Ok" sabi nya.
Medyo natatawa ako sa kanya.
"O? Galit ka ata eh!" sabi ko sa kanya.
"Hindi.." sabi nya na iniiwasan yung mga titig ko sa kanya.
"Galit ka eh!" sabi ko.
"Hindi nga.." sabi nya na nakatingin sa taas at halata na iniiwasan yung mga tingin ko.
Tumingin sya sa'kin at ngumiti. Tumigil naman mundo ko sa ngiti nya @#%&
"O sya, ingat at goodnight.. Babantayan pa rin kita dito hanggang sa makapasok ka ah" sabi nya.
Kinilig naman daw ako dun @#%&
"Ok, goodnight.." sabi ko.
Tatalikod na sana ako dahil aalis na ng mabigla ako dahil hinawakan nya yung braso ko kaya napaharap ako sa kanya at mabilis nyang hinalikan yung noo ko na dahilan ng sobrang kabog ng dibdib ko.
"Bukas na ulit, yung sunod" sabi nya ng nakatawa.
@#%&
"Bully ka pa rin!" sabi ko sabay walk out.
"I mean bukas na ang Parents' Day!" medyo natatawa nyang sabi habang naglalakad ako papalayo.
Tumingin ako sa kanya ulit at nakita kong nakakaway s'ya sa'kin habang nakatawa kaya nginu-suan ko lang s'ya at saka dali-daling naglakad papuntang bahay namin.
Bago ako kumatok eh tumingin ulit ako kung san sya nakapwesto. Kumaway ulit sya sa'kin kaya kumuway ako ng mabilis at saka kumatok na. Sinalubong naman ako ng isa sa mg pinsan ko at inalok na kumain.
"Manonood daw sila ng Parents' Day mo anak! How supportive di ba?" nakangiting sabi ni Mama.
Now I know kung ano yung sinasabing ngiting asu ni Cha sa IDTIP @#%&
- - -
(Author: Matatagalan po yung sunod na update -- examination week na namin talaga & sunod sunod s'ya so.. ayun, wait wait wait nyo na lang! :D)
BINABASA MO ANG
Classmate
Teen FictionThis story tackles about school & life. For soft copies ➜ http://filipinastories.yolasite.com/free-soft-copies.php