Epilogue

61.7K 2K 391
                                    

Epilogue

14 Years after

"Salamat sa Diyos!" tugon ng lahat.

Sumunod ang malakas na palakpakan. Tiningnan n'ya ako, tiningnan ko rin s'ya. Nagkasalubong ang aming mga matang masasaya.

Nginitian n'ya ako na para bang nangungusap na ang saya saya n'ya. Nginitian ko rin s'ya at saka namin binaling ang aming mga tingin ulit sa pari na nakangiti pala sa amin.

"Mabuhay ang bagong kasal!!!" sigaw ng kapatid ni Kyle kaya nakita kong napatawa s'ya.

Lahat ng mga bagay talaga nadadaan sa pag oopen-up. Tulad nila, magkabati na silang magkapatid.

Habang bumababa ako, inalalayan n'ya ako. Hinawakan n'ya rin ang aking mga kamay. Nasa gitna at harap kami ng altar, at nakasuot ng puting mga damit. Naririnig ko rin ang ingay mula sa mga taong inimbita namin at ang mga ilaw sa altar ay sobrang liwanag sa aking mga paningin.

Pero, I don't hate it.

Naglapitan ang mga pinsan, ninang, tita at si Mama sa'kin. Inalalayan ko naman si Mama. Ngiting ngiti s'ya sa'kin kaya niyakap ko s'ya. At nagsimula ng kumuha ang photographer ng mga litrato namin.

"Sina Kyle at Coleen naman! Silang dalawa lang! Witwew!" nakatawang sabi ni Kristel -- na may ari na ng 'K collections', kung saan namin inorder itong damit namin ngayon at dating modelo ng mga sikat na brands ng damit.

"Tapos kaming dalawa naman nito!" tatawa tawang sabi ni Cheeno na presidente't may ari na ng 'Chee-No', ang pumalit sa pwesto ng Microsoft -- habang nakapatong ang kamay n'ya sa balikat ni Kristel at alalay n'yang mabuti ang kanilang pinakabunsong anak.

"Magtigil ka, wala akong pambayad!" sumbat ni Kristel kaya nagtawanan yung mga nakarinig.

Ang trabaho naman namin nina Kyle? Kami ang may ari ng 'KYCO'. 'ComSci' ang tinapos ko at Electrical Engineering naman si Kyle. Kung anu ang nasa 'KYCO'? Gumagawa kami ng sarili naming imbento doon.

Tulad nitong pinakasikat naming imbensyon sa buong mundo, ang 'KYCO bag' na inspired sa Swords Arts Online. Isang bag na maari kang maglagay ng mga gamit doon at hindi makikita. Ma-aaccess mo s'ya sa pagagamitan ng pag Log-in.

Ang tangi mo lang dala ay yung maliit na singsing na maari kang pumili kung anung kulay. Pag inalis mo ito sa iyong daliri'y makakakita ka ng mala-plasmang screen kung saan mo makikita ang mala-computer screen na touch screen at i-tatap mo lang kung anung gusto mong kunin mula doon. Nalalagyan rin ito ng password o na-aaccess gamit ang iyong thumb print.

Marami pa kaming imbensyon pero eto yung pinakauso ngayong 2027. Actually, 2020 yung umpisa ng kasikatan nito pero tinatangkilik pa rin ng karamihan dahil sa mga bagong dagdag na features kada release namin.

"Kami naman ni Coleen mamaya! One last memory!" lokong sabi ni Rui, na isa ng kilalang surgery doktor -- kaya nabatukan s'ya ng kanyang asawa na si Niña -- na isa ng actress at direktor ng maraming pelikula.

ClassmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon