11 - Si "Classmate"

102K 2K 221
                                    

"Hands on tayo, class"

Bakit ngayon pa?! Tumingin ako kay Kyle na hinihila yung silya papunta sa station namin--- este sa Station #1. Hinila ko na rin yung akin.

Ano kayang iniisip nya sa'kin? Na malandi ako dahil yumayakap ako sa mga lalaki? At sa rooftop pa? Kung san bawal!

Pero teka? Bawal nga dun di ba? Ba't sya pumunta dun? Baka tumitingin din sya sa sikat ng araw dun? Pero bakit tinawag pa nya ako kung pwedeng hindi? At paano nya nalamang andun ako?

Ang dami ko namang tanong! Kainis!!!

At lechugas, ang awkward naman! Ang tahimik! Dapat di ko na lang sya tinanong kanina eh! Aish!!!

Natapos ang time. Wala kaming imik tapos di pa namin natapos yung Activity. Buti na lang at pwede ituloy next meeting. Pero next meeting?! Edi hands on ulit? @#%&!

- - -

Papasok na naman. Kagabi, nakapag muni-muni ako. At nai-muni ko na sana pala, si "Classmate" ay hindi ko "Classsmate". Ba't kasi kung kelan last year ko na sa highschool eh. Kung kelan, alam ko na kung ano ang pag-ibig.

Alam ko ang pag-ibig dahil ang daming quotes nyan sa tumblr at facebook. Idagdag mo pa ang mga kwento sa wattpad kung saan masasaktan ka din kahit hindi ikaw yung sinabihan.

Aish! Ayoko na tuloy ng ganito! Ba't kasi nagpaka-loyal ako sa taong walang gusto sa'kin? Pero on the other hand, bakit may sumasagi sa isip ko na 'baka' may gusto din sya sa'kin?

"Para po" sinabi ko kay Manong drayber ng jeep.

Syempre bumaba ako nung tumigil. Inaayos ko yung bag ko ng may tumabi sa'kin kaya napatingin ako.

Si Jonas pala.

"Sabay na tayo?" nakangiting sabi nya sa'kin habang nakapamulsa.

Di pa ko nakakasagot ay hinawakan nya ako sa balikat ko. Kumbaga, parang nakayakap sa'kin. Kaya ayun, habang tumatawid kami ay nakatingin sa'min ang lahat.

"Dalian natin! Gawa tayong assignment"

"Ha? San ba may assignment?" tanong ko.

Papasok pa lang kami ay may kumpulan na sa may daan pa-corridor. Tiningnan ko si Jonas para ipasabi sa kanya gamit ang mata ko na maki-echos sana kami kung anong nangyayari.

Di nya ata nabasa kaya tatakbo na sana ako papunta dun ng hatakin nya yung kamay ko para di ako makaalis. Napatingin ako sa kanya. Magkaharap kami sa isa't isa.

Nakatingin sya sa'kin at saka tumingin doon. Nakatingin pa rin ako sa kanya. Bakit nya ako hinatak? May problema ba?

"Mahal kita, Niña."

Nung marinig ko yun, parang may kung anong tumusok sa puso ko. Nagbabagya ring pumatak ang tubig na galing sa mata ko. Nakatingin pa rin ako kay Jonas habang nagsisigawan na ang lahat sa may likod ko.

Boses ni Kyle.. na may microphone pa. Lilingon na sana ako para tingnan kung si Kyle nga yon dahil di pa rin ako convinced kahit alam kong boses nga nya yun pero hinila ako papalapit ni Jonas at niyakap.

Tinakluban nya ang tenga ko. Kahit tinakluban nya, narinig ko pa rin ang sagot ni Niña.

"Mahal din kita Kyle!"

Hanggang sa napayakap na lang ako kay Jonas ng mahigpit nung marinig ko ang sigawan ng mga taong napapalibot doon.

Sila na.. Si Niña at si "Classmate".

Ang sakit.

Bakit kasi ako umasa? Bakit?

"Coleen, tara.. Gawa na tayo assignment."

"C-CR muna ako para tuloy tuloy tayo!" sabi ko habang nakangiti at punong puno ng luha ang mukha.

Nakita kong malungkot si Jonas habang nakatingin sa'kin. Kinuha nya yung panyo nya at inilagay sa may mukha ko.

"O sya, bilisan mo ha"

Sinimulan ko ng maglakad. Mabilis na lakad at pumasok agad sa isang cubicle at dun pinahid ang mga luha. Sana walang nakakita. Pero sa tingin ko, wala naman.

Lumabas na ako sa cubicle. Inaayos ko yung mukha ko sa salamin ng CR. Habang nag aayos ay iniisip ko kung ano ba yung assignment. Ang pagkakatanda ko ay wala kaming assignment.

Di kaya.. alam ni Jonas na ganito ang mangyayari kaya nya ako pinagmamadali kanina?

Napatigil ako. Siguro nga.. panahon na para kalimutan si "Classmate". Pwede naman akong maging masaya kahit hindi si "Classmate" eh.

Kelan ba ako naging masaya kay Kyle? Wala naman syang ginawa kundi paasahin akong may gusto sya sa'kin. Ang hirap talaga ng assumera. Sana di na lang ako nag assume. Masakit talaga.

Lumabas na ko ng CR. Nakita ko naman agad si Jonas at sabay kaming umakyat ng hagdan at pumasok ng room.

"San ba tayo may assignment?" tanong ko.

"Hmm, ang alam ko may assignment tayo eh." sagot naman nya.

Tumingin ako sa kanya.

"Thank you ah" sabi ko.

Nakatingin lang sya sa'kin na nakapamulsa pa rin. Mamaya ay inalis nya yung kamay nya sa bulsa nya at inayos ang bangs ko habang nakatitig sa'kin.

Bumilis tuloy yung tibok ng puso ko.

"Ang pangit mo pag umiiyak. Ginungusot na papel eh!" sabi nya sabay tawa.

Ngumuso ako at saka ko tinaldyakan yung paa nya. Di naman sya umaray.

ClassmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon