55 - His call

41.3K 821 41
                                    

Natapos rin ang HUM2 at uwing uwi na ako. Gusto ko ng umuwi sa dorm at matulog!

"Op ops! San ka pupunta?" tanong nung Cheeno sa'kin. 

"Uuwe! Bakit?" sagot at tanong ko sa kanya.

"May GI! Umattend ka" utos n'ya. 

"At sino ka?!" inis kong sabi. 

"Block head" sagot n'ya. 

"Ikaw? May bumoto sa'yo? Kataka-taka yun" sarcastic kong sabi. 

"Baket? Kung ikaw ba andun, may boboto sa'yo?" 

"Bakit? Kung ako ba andun, nanaisin ko? Siguro nagparamdam ka na noon na gusto mong maging block head"

Tumawa naman s'ya ng sarcastic. Tss

"Alam mo, ang dami mo pang satsat! Umattend ka ng GI ng makilala ka ng mga blockmates natin! Isa pa, hindi ka na nga umattend nung Freshie night eh may balak ka pang hindi umattend tuwing GI. Sino na lang makakakilala sa'yo dito?" sabi n'ya sabay lagay ng braso n'ya sa may balikat ko at naglakad kaya napasama ako. What the @#%&

Pilit ko naman yung inaalis hanggang sa malaman ko na lang na nasa SU building na kaming dalawa at pumasok sa isang room kung saan ay may mga nakaupong mga ka-course ko which is mga ka-block ko din.. At silang lahat ay nakatingin.. Sa'min.

"Yihi!" panimula nung isa. 

"Oi ha! Ano yan?" dagdag pa nung isa na may halong panloloko sa'ming dalawa.

Natigilan ata s'ya kaya agad n'yang inalis yung mga braso n'ya sa may balikat ko at saka umupo sa isang upuan. Ako naman? Nag walk out ako! Like, literally! @#%& bwisit! Ipahiya ba naman ako sa mga blockmates ko?! Bwisit s'ya as in!

Naglakad akong mabilis at dirediretsong natulog.

Malapit ng mag 9:30pm ako nagising. Pakshet! Hindi pa ako nakain! Nakakatamad lumabas para bumili! Wala kasing lutuan dito eh! Sayang, maalam pa naman ako mag prito! Pero kahit sipagin akong lumabas, malapit na yung curfew namin na 10pm! Wala naman akong maisip kung kanino ako makikitulog kung nasarhan ako ng gate!

"Ay Coleen! May natawag ata sa'yo kanina. Ang daming ulit nga eh" narinig kong sabi nung dormmate ko na nag aaral na agad kahit nasa introduction pa lang ng subjects.

Kinuha ko naman yung phone ko at nabigla na lang ako na may 17 missed calls ako galing kay Kyle.

Nung nakita kong tumatawag na naman s'ya ay dali-dali akong bumangon sa kama, sinuot ang tsinelas, at lumabas ng kwarto para hindi putol-putol ang signal.

"Hello?" panimula ko. 

"(Ayun)" rinig kong sabi n'ya. 

Natutulog---" 

"(Ah! Ginising ba kita?)" 

"Hindi! Kakagising ko lang. Bakit ka napatawag?" 

"(Ah ano.. Kakamustahin ko lang yung aking mahal)"

ClassmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon