60 - Their feelings

44.2K 1K 71
                                    

"Darling," rinig kong tawag na malambing nung matandang babae na kaharap ko sa sinasakyan kong jeep.

"Hmm?" malambing ding tugon nung kasama n'yang matandang lalaki sa kanya.

"Parang gusto ko nung tinatawag nilang iPhone" tuloy nung matandang babae.

Napatingin ako ng konti sa dalawa. Kaming tatlo na lamang ang tanging sakay ng jeep. Well syempre, hindi ko sinama si manong drayber na busy sa pagdridrive at pagtetext.

Anyway, base sa mga itsura nila, mukhang mag-asawa sila... Mga nasa 80s na ang mga edad. Malambing din ang kanilang mga boses na para bang na-fulfill na nila yung obligasyon nila bilang mga magulang.

"Ha? iPhone? Aanhin mo naman yun?" tanong nung matandang lalaki.

"Eh, uso daw iyon sabi ng iyong apo sa akin. Gusto ko ring maranasang gumamit."

Napansin kong napangiti yung matandang lalaki at hinaplos ang kulay grey ng buhok nung matandang babae, "O s'ya sige, ibibili kita" ang sabi pa n'ya.

Napangiti din yung matandang babae.

"Basta ba ika'y mangangakong hindi ikaw mauuna sa akin ha? Ako dapat mauna. Ayaw kitang makitang umiiyak." narinig ko pang dagdag nung matandang lalaki.

"Naku, edi kung ganun ay sabay na lamang tayo" tugon nung matandang babae habang nakatawa.

Napatingin agad ako sa bintana ng jeep nung marinig ko yun. Naalala ko si Kyle.

Nanlaki naman agad yung mata ko ng makita kong mabilis na lumagpas yung karatula(?) kung saan nakasulat ang pangalan ng subdivision nina Kyle.

"MANONG PARA PO!!!" sigaw ko kay Manong.

Agad namang pumreno yung jeep. Napatingin ako sa dalawang matanda sa harap ko. Inaalalayan nila ang isa't isa.

Bumaba ako ng jeep. At dahil lumagpas nga ako, kinailangan ko pang maglakad.

At oo, tama kayo. Pupuntahan ko si Kyle. Wala na itong atrasan. Hindi ko pa nga alam ang sasabihin ko sa kanya pero hindi ako uuwi ng hindi s'ya nakakausap.

"Ohmygod!!!" narinig kong sabi nung isang babae habang nakatingin sa may likod ko. Syempre napalingon ako.

"......." wala akong nasabi pero napatigil lang talaga yung buong mundo ko sa nakita ko.

Yung jeep na sinasakyan ko kanina... Nasagasaan ng isang trak... Yung dalawang matanda... Yung... Pangako nila sa isa't isa...

Ang sunod ko na lamang narinig at nakita ay ang humaharurot na ambulansya. Napa-snap na lang ako sa sarili ko. Naalala ko si Kyle.

Hindi talaga natin masasabi kung hanggang kailan ang itatagal natin sa mundo. Kailangan kong magmadali para makausap na s'ya.

Naglakad akong mabilis. Syempre, ginilid ko ang sarili ko. Napatigil ako ng mapatingin ako sa itaas. Napa-sign of the cross ako at nagpasalamat sa Diyos. Nagdagdag na rin ako ng mensahe,

'H'wag N'yo pa po ako kunin. Marami pa po akong kailangang gawin.'

At nagpatuloy na ako sa paglalakad ko, hanggang sa itigil ko ang paghakbang ko dahil nasa tapat na ako ng bahay nina Kyle.

Narito kaya s'ya?

Pinindot ko yung doorbell nila pero mukhang sira dahil wala akong narinig na pagtunog.

"Tao po?" tawag ko naman.

Nagtahulan naman yung mga aso nila. May mga aso pala sila. Sabagay, hindi ko alam tutal di ako nakadalo nung piyestahan nila. Eh kasi, natakot ako.

ClassmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon