"Uy! Tawagin nyo yun dali!" sabi ng Presidente namin.
Akmang tatakbo na yung mga babae ng magsalita ako.
"Ako na!"
Nagtinginan naman sila sa'kin.
"Ahm, ako na yung tatawag..?" sabi ko ng medyo mas mahina.
Nakatingin sila sa'kin na parang hindi alam kung ipapaubaya sa'kin ang pagtawag o hindi. Tumingin ako kay Kyle at saka tumakbo palabas para habulin si Jonas.
"Jo!" tawag ko sa kanya.
Diretso naman sya sa paglakad ng mabilis. Nasa labas na nga kami ng school eh at medyo hinihingal na ako.
"Jo naman!" sabi ko.
"Bakit mo ba ako sinusundan? Uuwi ako!" sabi nya ng di natingin sa'kin.
"Sumama ka na dun sa V-party! 4th year na tayo! Sooner or later---" sabi ko habang naglalakad ng mabilis at hinihingal.
Tumigil sya sa paglalakad kaya napatigil ako sa pagsasalita. Tumigil rin ako sa paglalakad.
"YUN NA NGA E" sabi nya ng nakatingin sa'kin.
"Last year na nga at malapit ko ng di ka makita! Alam mo ba yung sinasabi mo?!" dagdag nya.
"Ano bang kinagagalit mo?!" tanong ko.
"HINDI BA OBVIOUS?!" sagot nya na pasigaw sa'kin.
Natahimik na lang ako.
"Hindi mo kasi alam Coleen!" sabi pa nya.
Katahimikan yung namayani sa gilid ng kalsada kahit puno ng mga nagtatakbuhang jeep ang nasa daan kung san kami nakatayo
"Masakit.. Ang sakit" sabi nya.
"Jonas.." mahina kong sabi habang pinagmamasdan yung mukha nya na nagpupumilit na di umiyak.
"Sooner or later.. Hindi na kita classmate. Sooner or later, gragraduate na tayo, pupunta sa kolehiyo, magsusumikap makatapos, maghahanap ng trabaho..makakakilala ng mga panibagong tao sa buhay.. at, sooner or later," tumingin s'ya sa'kin.
"Makakalimutan mo ko, hindi mo na matatandaan na nag exist ako.. Malilimutan mo na may Jonas Perez na nagtapat sa'yo ngunit tinanggihan mo. Makakalimutan mo na may Jonas.. na handang maging panakip butas ngunit tinanggihan mo.. Makakalimutan mo.. Lahat lahat, pati itong pangyayaring ito.."
Naistatwa ako sa kinatatayuan ko.
"Enjoy. Enjoy the V-party.. Classmate" sabi nya.
Di ako makapagsalita. Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya. Hanggang sa nalaman ko na lang na wala na s'ya sa harapan ko.
BINABASA MO ANG
Classmate
Teen FictionThis story tackles about school & life. For soft copies ➜ http://filipinastories.yolasite.com/free-soft-copies.php