"(Bakit?)" ang kauna-unahang tanong kong narinig mula sa kanya.
Ewan ko pero nung narinig ko yung boses nya ay naramdaman ko na naman na nagpupumigil sa may gilid ng mga mata ko yung mga luha ko. Ayaw kong umiyak.. Pero namiss ko talaga yung boses nya.. Boses na baka sa susunod ay hindi ko na ulit maririnig pa.
Tinakluban ko ng kamay ko yung parte ng phone ko kung san nagsasalita. Ayokong marinig nya ang pag-iyak at pag-hikbi ko.
"(Bakit?)" ulit nya kaya napapikit ako at pinahid yung luha ko at saka sinagot sya.
"(Meron sa Raymundo gate?)" narinig kong sabi ng drayber mula sa kabilang linya kaya napatigil ako sa pagsasalita.
Raymundo gate?
"Nasa Los Baños ka ba?" tanong ko habang pigil-pigil ko na mabahiran yung pagsasalita ko ng paghikbi.
Wala akong narinig na sagot sa kanya pero rinig ko yung pag andar ng jeep na sinasakyan niya.
"Nasa Los Baños ka ba?!" ulit ko na parang maiiyak na dahil naiiyak ako sa hindi ko mapaliwanag na rason.
Ewan ko pero pumasok sa isip ko na if ever na nasa Los Baños nga sya at nasa UP din tulad ko, baka ito na ang huli naming pagkikita. Ang alam ko kasi ay may pinsan syang pumapasok dito (na wala ng magulang dahil iniwan na sya) at ang pagkakaalam ko ay close sila nito (graduate sya ng school namin at nakita kong magkasama sila ni Kyle nung 1st year to 3rd year).
"(Oo..)" sagot nya kaya lumakas ang tibok ng puso ko.
Nag isip muna ako bago ako magsalita. Natatakot ako na baka tanggihan nya kung makikipagkita ako sa kanya.. Baka kung sinabi kong gusto ko syang makita ay matawa sya dahil.. Iba na.. Iba na ang kanyang mahal..
"P-pwede---"
"(Kita tayo sa 7eleven.. Usap tayo)"
Napatingin ako sa harap ko. Nakita ko yung logo ng 7eleven pero kailangan ko pa ng mga ilang hakbang patungo dito. Tumungo ako dito dahil nauuhaw na ako pero hindi ko naman magawang pumasok..
Napatigil ako dahil nakita ko ang aking repleksyon doon sa bubog na dingding ng 7eleven. Nakita ko ang aking sariling nag-iisa.. Napatungo ako at nakita ko naman ang sintas ng sapatos ko sa may kaliwa na walang sintas.. Wag.. Wag kang iiyak dito Coleen.. Wag na wag kang iiyak dito Coleen
"Ba't ka nakatungo?"
Nung narinig ko yung boses na yun ay lalo ako napatungo dahil tuluyan na akong umiyak na parang bata. Ayoko mang makita nya akong umiiyak ay hindi ko na napigilan.. Oo, ayos lang na tawanan nya ako, nakakatawa naman kasi ako eh. Ako pa ang may balak na umiyak matapos ko yung gawin!
At dahil nalatungo ako ay nakita ko yung puting sneakers nya na pumunta sa harap ko. Malabo na ang mga mata ko dahil punong puno na ito ng mga luha ko.
"Hindi ba't sabi ko, wag kang tutungo dahil ikaw yung pinakamagandang babae para sa'kin?"
Nag uumapaw na yung paningin ko ng luha ko hanggang sa nakita ko yung kamay ni Kyle na nasa mukha ko, iniangat ito at pinapahid ang mga ito.
Pagmulat ko, nakita ko syang nakatingin sa'kin. At ang unang unang napansin ko sa kanya ay.. nakasuot sya ng orange na tshirt na parehas ng shade ng damit ko.
Niyakap nya naman ako at hinaplos yung buhok ko.
"Tahan na please, ang sakit sa pakiramdam na ako yung nagpapaiyak sa'yo ngayon.. Alam mo ba yun?" sabi nya habang patuloy sa paghaplos ng buhok ko.
"Eh.. ako.. nga yun.. gumawa nung.." sabi ko naman habang umiiyak.
Iniharap nya ako kapantay sa mukha nya.
"Alam mo ba,"
Kinuha nya yung kamay ko at nilagay sa may dibdib nya.
"Nararamdaman mo ba?"
Ramdam na ramdam ng aking kanang kamay yung mga malalakas na kabog ng dibdib nya. Napatingin ako sa kanya habang kinukusot naman ng kaliwa kong kamay yung mata ko.
Inalis nya yung kaliwa kong kamay sa mukha ko para siguro makita ko ang pagtitig nya sa mukha ko. Hinawakan nya yung kamay kong nasa may dibdib nya ng mabuti at saka nagsalita,
"Can you feel the scared heartbeats? It's only for you.. As, I am afraid of losing you.."
(Now Playing: Seo In Guk & APink EunJi - All For You *Reply 1997 OST* chorus)
"You do know how much I love you right?" tanong nya.
Tumingin lang ako sa kanya habang pinipigil yung pag iyak matapos nya yung sabihin.
"I love you very much. It was like hundred times as much or maybe a thousand much that I had lost my count. I won't give you up, remember that. Naghintay ako ng napakaraming araw para lang makapiling ka at hinding hindi ko yung sasayangin sapagkat positive infinity ang pagmamahal ko sa'yo. Mahal kita Coleen, mahal na mahal."
BINABASA MO ANG
Classmate
Teen FictionThis story tackles about school & life. For soft copies ➜ http://filipinastories.yolasite.com/free-soft-copies.php