24 - Misconception

96K 1.8K 377
                                    

"Ok position!" rinig kong sigaw nung D.I.

Mamaya ay nagsimula na ang practice namin para sa nalalapit na Parents' Day. Malapit na ngang matapos yung steps eh. Hanggang Tuesday naman yung D.I. namin kaya sure akong bago umalis yung D.I. eh kumpleto na yung sayaw.

Wala namang practice tuwing weekends kasi bawal sa school namin yung ganun. Last year kasi ay may tatlong naaksidente tapos isang namatay dahil akala ng magulang eh may practice nga daw pero nalamang hindi umattend yung apat at nag swimming chenes. May bagyo nun kaya ayun.

"Isang eight na lang at enter na tayo" sabi ni Ivan.

Tiningnan ko naman sya ng masama.

"Alam ko!" sabi ko.

"Eh mukha ka kasing bangag" sabi nya.

At mamaya pa eh um-enter na kami for the 2nd part ng intro at matapos ang mabilis na exposure eh um-exit na para magready sa 1st chorus -- which is.. Kasama si Classmate.

Tahimik lang akong nakapwesto sa likod ng narinig ko ang boses ni Kyle.

"Hello Classmate" bati(?) nya.

"Uhm----" sagot ko sana sa hello nya.

"Uy Kyle! Mamaya, umisod naman kayo! Laki ng space nyo eh! Wala kaming space sa gilid eh! Mahuhulog na ko sa stage!" sabi nung isa kong kaklase na nakapwesto ata sa gilid.

"Ok!" sagot nya naman.

Sumilip silip naman sya dun sa kung san kami ume-enter pag sinisigaw ng D.I. na "Enter". To make it short, nasa may backstage kami ng stage ng gym.

Sumilip silip rin ako para manuod dun sa mga nasa 3rd part na laging namumura. Di ko sila masisisi't mahirap steps nila kumpara sa'min. Succession ata tawag sa ganun.

Mamaya ay nalaman ko na lang na ang lapit ng mukha nya sa'kin kaya umiwas na agad ako. Umalis din sya sa pwesto nya at lumapit sa mga kabarkada nya at nakipagkwentuhan.

Syempre ako, tinuloy ko ang pagsilip dahil mukhang mainit ang dugo nung D.I. kay Bea na laging nahuhuli sa part na iikot. Nagkwekwentuhan naman yung iba habang nagprapractice yung iba.

"Uy Classmate!" narinig kong sabi ni Kyle.

Dahil sa gulat eh napatingin ako sa kanya at ayan na naman, ang lapit nya sa'kin! Pero mas malapit yung kanina! Uh, i-compare daw ba?!

"Uhm.." panimula nya na parang di alam kung itutuloy o hindi yung sasabihin sana nya.

"Tayo na ba?" tanong nya na sa mga tingin na ibinibigay nya sa'kin eh iisipin kong iba ang gustong ipahiwatig.

Nailang tuloy ako kaya sumilip ako ulit para di ko makita yung mukha nya at mga mata nya at saka sinabing, "Mukhang matagal pa"

ClassmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon