[1:Pay or Fail?]
-Nyssa's Pov-
"Ikaw?!Ikaw yung student teacher namin?!"
Nanlaki ang mga mata ko ng marealize na naisigaw ko pala ng malakas ang mga iniisip ko.
"Nyssa,anong nangyari sayo?Maupo ka nga."saway sakin ni Gela na class president namin
Nahihiya naman akong napabalik sa kinauupuan ko.Shemay,nakakahiya!
Peste kase yung mga bodyguards e.Gustong-gusto ako sundan kahit sa school,akala mo naman may papatay sakin dito.Kung hindi nila ako hinabol malamang hindi ko sana nabasag yung laptop ni Kuyang Pogi na student teacher pala namin.
Pumeke ng ubo yung student teacher namin.
"Back to what i say,my name is Alas Han from Class A."pagtutuloy nito sa sasabihin nya na naudlot dahil sa pagsigaw ko
"Gwapo talaga nya 'no.Tapos matalino at mayaman pa.Masyadong perfect di ko kinaya!"kinikilig na bulong ng mga babaeng nasa likuran ko.
Napatitig naman ako sa Alas na yun.Gwapo naman talaga sya,yung tipong kahit nakatalikod palang alam mong gwapo na.Pero mukhang masungit.
"I prepared a powerpoint but someone broke my laptop earlier."wika ni Alas
Napalunok ako ng sabihin nya yun habang nakatingin sakin.Lalo tuloy akong na-guilty.
"Pero wag kayong mag-alala dahil kabisado ko naman lahat ng nilalaman ng powerpoint.Sana lang ay makinig kayo ng maayos."wika nya at napanganga naman ang karamihan sa kaklase ko
"Sinasabi ko sayo,di lang yan expert sa computer.Matalino yan sa lahat ng bagay!"bulong ulit ng nasa likod ko
Wow,fangirl ka 'te?
Naniniwala kayo sa Alas na yun?Ang dami kayang content ng powerpoint,paano nya naman yun matatandaan lahat?
Nang magsimula na ang discussion ay halos mapasukan na ng langaw ang bibig ko dahil sa tagal kong nakanganga.Sobrang klaro ng mga sinasabi nya at pumapasok agad sa utak ko.Kahit walang libro at kahit ano ay naiintindihan ko ang mga sinasabi nya.Kahit walang tinitingnan ay hindi man lamang sya nauutal.
Narinig ko ang pag-angal ng mga kaklase ko ng tumunog ang bell hudyat na tapos na ang klase.
"Class Dismiss."kalmadong wika ni Alas habang binubura ang mga writings sa blackboard
Yes,umalis ka na please!Hanggang ngayon ramdam ko parin yung hiya dahil sa ginawa kong pagsigaw.
Naglakad na sa patungo sa pinto ng bigla syang tumigil sa mismong bukana ng pintuan.
"Ms.Soriano,meet me outside."
Soriano?Ako yun diba?Kilala nya ko?!
Ah,sh*t!Unang-una sa lahat ang gwapo nya habang sinasabi yun.Pangalawa,kinakabahan ako dahil mukhang nagalit sya sa pagkasira ng laptop nya.Sana lang talaga mumurahin lang yun.Kinuha kase ni Dad lahat ng credit card ko,cash lang ang meron ako ngayon.
Narinig ko ang kantyaw sakin ng mga kaklase ko.Nakita siguro nila ang pamumula ng mukha ko.Kase naman ang gwapo talaga ni Alas!
"Kunware ka pa,Nyssa.Magkakilala pala kayo ni Alas?Ano yan teacher-student relationship?Parang sa teleserye lang."asar ni Oliver
"Hala,sheyt!Sana ol!"gatong naman ni Rhea
Enebe,ake leng te...pereng mge sere!
Di ko na sila sinagot at nagtungo na sa labas ng classroom.Naabutan ko si Alas ba nakasandal sa pader habang nagbabasa ng libro.Damn,parang syang nagmomodel sa isang magazine.
Inayos nya ang tayo nya ng makita ako.Medyo lumapit ako sakanya.Emeged,super bango.Nung pumaibabaw ako sakanya kanina dun sa likod ng school dapat pala di muna ako umalis,kinapa ko dapat muna kung may abs.
"Pay me 300,000 pesos within three days.If not,you'll fail for all subjects."diretsong wika nya
300,000 pesos?!
Napanganga ako dahil sa sinabi nya,ganun kamahal?25,000 lang laman ng wallet ko e.Tsaka wala man lamang introduction like "hello" or "hi".
"Ha?E,wala kase akong credit card.Tapos kulang yung cash ko!"angal ko
"It's not my problem."sagot nya naman
Required ba sa mga pogi na maging ganito kasungit?
"Pero--"aangal pa sana ako pero pinutol nya na ang sasabihin ko
"Pay or fail?Just choose between the two."wika nya bago nilagpasan
Ilang segundo ako di nakagalaw nang lagpasan nya ako.Nung nakarecover na ako ay napasapok nalang ako sa ulo ko.Kasalanan 'to nung mga humabol saking bodyguards.
Saan ako kukuha ng ganung halaga?What if,magnakaw ako sa bangko?Ugh,stupid idea!
Grabe naman kase yung Alas na yun,walang awa sa magandang babae katulad ko.Mas masungit pa sa babaeng may buwanang dalaw.
Antipatiko!
Pasalamat ka,type kita.Hmpk!
***