10:Blackmailed

1.4K 48 3
                                    

[10:Blackmailed]

-Nyssa's Pov-

Lumipas ang sabado ng hindi ko napapayag si Alas na magpanggap bilang fiancee ko.Gusto nya yata yung totohanan na.

Kahit anong pilit ko at kahit anong pangba-blackmail ang gawin ko ay di talaga tumatalab sakanya.

Wala naman daw kase akong ebidensya kaya di rin maniniwala ang mga tao kung ipagkakalat ko.

Uwian na pero di nag-attend si Alas sa subject kung saan dapat ay matuturo sya.Di ko alam kung anong nangyari pero sabi nila maaga daw rin syang nagpaalam umuwi.

"Nyssa!"

Napalingon ako ng may tumawag sakin.Nanlaki ang mata ko ng makita si Ashianna na basang-basa.

Agad akong lumapit sakanya.

"Anong nangyari sayo?Bakit basang-basa ka?"nag-aalalang tanong ko sakanya

Para bang sinadya syang tinapunan sya ng tubig.Pero sino naman ang may lakas ng loob para i-bully ang anak ni President Han?

Nagmamadali kong inilabas ang extra t-shirt ko sa bag at inabot sakanya.

"Magpalit ka muna ng damit.Baka ka magkasakit.Samahan na kita sa comfort room."wika ko at hinila sya sa comfort room

Doon na sya nakapagpalit ng damit.Dahil nga uwian na ay kami nalang ang tao sa comfort room.

"Ano ba kase ang nangyari sayo?"seryosong kong tanong sakanya

Napanguso naman sya habang tinutuyo ang buhok nya.

"There's a boy kase,anak sya ni Mayor.Natalo ko sya sa isang debate contest then after that he started bullying me verbally,but wala akong pake.Pero now kase,he's sumosobra na!Look at me,how am i supposed to tell Daddy about this?If Daddy knows that someone is bullying me he'll probably caused a gulo or baka ipagiba nya yung buong school namin.Actually,Kuya Alas was in my school na kanina pa,he was talking to my principal about this matter.And he's super galit right now kaya di ko sya napigilan."paliwanag ni Ashianna

Napanganga ako dahil sa sinabi nya.Nakakatakot naman yung pamilya nito.

So,kaya pala wala si Alas kanina dahil kay Ashianna?Who would have known na mabait pala syang kuya.

"Can you fetch Kuya ba?Baka sayo sya makinig,you guys are close naman diba?Ayaw ko talaga malaman ni Daddy 'to."pakiusap pa nya

Eh?Paano sakin makikinig yun?

Napatingin ulit ako kay Ashianna at nakatingin sya sakin na parang nag-mamakaawa.Hindi ko sya matatanggihan kung ganyan sya kacute!

"Sige,pupunta ako.Stay here,hintayin mo ko bumalik dito."wika ko at napangiti naman sya

Lumabas na ako ng school namin at tumakbo sa karatig na school.Medyo kabisado kung ang mga classrooms at sections dahil doon rin ko nag-aral nung highschool ako.

Siguro nasa principal's office na ngayon si Alas.Agad akong nagtungo sa principal's office pero wala akong nakitang tao dun kahit ang principal.

Napalingon naman ako sa monitoring room ng may marinig akong ingay na nangagaling dun.Parang ingay ng keyboard na mabilis na pinipindot.

Tahimik akong nagtungo sa monitoring room.May nakalagay pang 'for faculty only'.Nasa monitoring room kase nakalagay yung mga video sa cctv ng buong school.

Marahan kong binuksan ang pinto.Nagulat ako ng si Alas ang madatnan ko dun at hindi ang security guard.

Anong ginagawa nya dito?Labag 'to sa school rules ah.

Mukhang may ginagawa sya sa mga cctv camera at nung napatingin ako sa laptop nya ay nakita ko ang social media account ng isang lalaki.

At may mga video rin dun ng pambubully sa iba pang estudyante.Wait,ito ba yung lalaking tinutukoy ni Ashianna?

Did Alas hacked his account?And now he's taking revenge for her little sister.

Di ko na napigilan at pinicturan ko na sya.Papakita ko 'to kay Ashianna sigurado akong matutuwa sya.Sana ol may kuya.

Pagkababa ko ay cellphone ko ay laking gulat ko ng makita si Alas na nasa harapan ko.

"Are you stalking me?"tanong nya agad sakin

Napakunot naman ang noo dahil sa pagiging assumero nya.

"Stalking?Sa ganda kong 'to,mukha ba akong stalker?Pumunta ako dito dahil nakiusap sakin ang kapatid mo para sunduin ka.Wag ka na daw mag-eskandalo dito."sagot ko naman sakanya

Nakatitig lang sya sakin na para bang nagdadalawang-isip pa kung maniniwala ba sakin o hindi.

Napangiti ako ng makaisip na naman ako ng kalokohan.

"Pero alam mo Alas,may nakita ako."nakangiting wika ko

Pinakita ko sakanya yung picture na nasa monitoring room sya at hinahack ang account nung estudyanteng nambully kay Ashianna.

Agad kumunot ang noo nya.

"Paglabag sa school rules ang pagpasok sa monitoring room at pakikialam sa mga cctv camera.Pwede kang ma-expel.And hacking someone's account is a cybercrime."wika ko

"Bakit ikaw,nasa loob ka rin naman ng monitoring room,nilabag mo rin ang school rules."ganti nya sakin

Akala nya siguro maiisahan nya ako.

"Haha,sorry ka.Pero hindi ako pumasok,nasa labas parin ako ng monitoring room."wika ko at tinuro ang inaapakan ko na nasa labas parin ng monitoring room.

Doon na napaikot ang mga mata nya.

"Fine!Now tell me the conditions."pagsuko nya sakin

Para bang alam nyang manghihingi ako ng isang kondisyon.

"Easy lang.Dahil artista si Tita Alisha,madali lang 'to para sayo.Mapapanggap kang fiancee ko.Para matigil yung arranged marriage ko.After nun,gawin mo na kahit anong gusto mo."wika ko

"Arranged Marriage?It's 21st century,uso parin yun ngayon?"

Napaikot ang mata ko dahil sa tanong nya.Yun nga rin ang naiisip ko e.Hindi na uso ngayon yung arranged marriage.Parang sa mga libro nalang nangyayari.

"Gagawin mo ba o hindi?Ipopost ko talaga 'to!"panakot ko sakanya

Napabuntong-hinga sya at para bang sinasabi nyang 'no choice'.

"Do i even have a choice?Scheming little brat."

***










Blackmailing Mr.HackerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon