28:Breaking news

1.3K 45 1
                                    

[28:Breaking news]

-Nyssa's Pov-

After ng birthday party ni Ashianna ay minabuti na ng mga magulang ko na umuwi na agad dahil nga may mga aasikasuhin pa sila,lalo na si Dad at Tito Elijah. Buti na nga lang ay sumama sila dito,ayaw ko naman madisappoint sila Tita Alisha. Ako lang ang hindi pa umaalis dahil ayaw ako pauwiin ni Ashianna. Magiging one of the boys na naman daw sya pag iniwan ko sya.

"Nyssa girl, kumain ka na ba already?" tanong sakin ni Ashianna

Nakangiti naman akong tumango sakanya. Sobrang ganda rin naman talaga ng batang ito, iba talaga ang genes ng mga Han. Di na talaga ako magtataka kung maraming mangliligaw dito in the future. Baka nga marami na talagang nanliligaw ngayon kay Ashianna kaso lang natatakot kay Alas. Di ko naman sila masisisi dahil dati takot rin ako kay Alas e.

"Huy Asha, nasaan yung mga chips mo dito?" biglang singit ni Priam samin

Isa pa itong bata  na 'to. Ang gwapo rin, parang yung kuya nya.

"Nasa kwarto ko yung mga snacks, inside my cabinet. God, you're so patay-gutom talaga. Tsaka it's Ashia not Asha, stupid."sagot naman ni Ashianna

"Parehas lang naman yung pronunciation nun, ang arte mo." huling sabi pa ni Priam bago umalis

Napairap nalang si Ashianna. Parang laging nasa gyera itong dalawang 'to. Napatingala ako ng  pumasok si Alas sa loob ng kwarto. Siguro tapos na ito sa pakikipagbatian sa mga ka-sosyo ni Tito Aushi. 

"Babe ihatid na kita pauwi, may pasok pa bukas." saad ni Alas

Tumayo ako sa kinauupuan ko at lumapit na kay Alas. Malapit na rin sumapit ang hatinggabi kaya kailangan ko na talaga umuwi. Baka mapagalitan ako ni Dad pag late na ako umuwi.

Nagpaalam na kami ni Alas kay Tita Alisha  at Tito Aushi. Lumabas na kami at tumungo na kami sa sasakyan nya. Nagmamadali na rin syang magdrive dahil kailangan nyang bumalik agad para batiin ang mga bagong dating na bisita nila. Si Alas kase ang magmamana ng kompanya nila kaya kailangan nya talaga  makipagchikahan sa iba pang businessman na dumalo sa birthday ni Ashianna.

Isinakbit ko na ang shoulder bag ko sa braso ko nung tumigil na ang kotse. Tumingin ako kay Alas at  nagtaka naman sya. I steal a kiss on his cheeks bago ako nagmamadaling bumaba ng sasakyan. Patawa-tawa pa ako nung nakababa na ako ng sasakyan. 

"Why not do it on my  lips?" tanong ni Alas na nakangisi pa

Napangiti nalang ako at umiling.

"Ewan sayo! Bumalik ka na,baka may kailangan ka pa gawin. Ingat ka sa pag-uwi." sagot ko sakanya at tumango naman sya

"Goodnight, i love you."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya, napatakip pa ako sa bibig ko. Oh  my god! Did he just say 'i love you'?!  WAAAAHHHHH gusto mo ba akong patayin sa kilig? 

"I-i love you too." sagot ko sakanya at nagtatakbo na ako papunta sa pintuan ng bahay namuin

Hindi ako lumingon at kinatok na ang pintuan. pinagbuksan namana ako ni Mom.

"Oh ba't namumula ka? May lagnat ka ba?" puna agad ni Mom sabay haplos sa noo ko

Napahawak naman ako sa pisngi ko. Siguro sobrang pula na ng pisngi ko ngayon. Umiling na lang ako bilang sagot kay Mom.

"Magpalit ka na ng damit baka matuyuan ka ng pawis tapos magkasakit ka." utos nya sakinb

Umakyat na ako sa kwarto ko at nagpalit na ng damit pantulog. Bumaba muna ako para uminom ng tubig bago ako matulog. 

Sumilip ako sa living room at nasa couch si Dad habang may ginagawa sa laptop nya. Nakabukas rin ang tv kaya hindi alam ni Dad kung alin ang titingnan nya, yung tv ba o yung laptop.

He is still working?

"Dad, bukas mo  na yan tapusin...gabing-gabi na oh." puna ko kay Dad 

Napatingin naman sya sakin at muling ibinalik ang tingin sa laptop nya.

"Hindi na, malapit na rin naman 'to matapos." sagot nya sakin

Lumapit ako sakanya para tingnan ang ginagawa nya. It's a report about the company.Hindi ba pwedeng ipagpabukas na yan?

"Breaking news!"

Parehas kami napatingin ni Dad sa tv dahil biglaang lumabas ang balita. Nestatwa ang katawan ko ng makita ang larawan na nasa tv.

"Alas Han, kritikal ngayon ang lagay dahil sa isang car accident. Posible daw na sinasadya ang nangyari ayon sa pulisya."

***


Blackmailing Mr.HackerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon