8:Goodnight

1.5K 44 1
                                    

[8:Goodnight]

-Nyssa's Pov-

Tahimik lang akong umupo sa pagkatapos kong isara ang pintuan ng kotse.Napatingin ako kay Alas na binuhay na ang makina ng sasakyan.Wala talaga yata syang balak na kausapin ako.

Ang awkward pa naman pag walang nagsasalita.

"Seatbelt."sambit ni Alas

"Huh?"

"Your seatbelt."ulit nya pa at tinuro yung seatbelt na nasa tabi ng upuan ko.

Diba dapat sya yung maglalagay nun sakin para romantic?!Masyadong maraming teleserye na yata yung napapanood ko kaya ako nagkakaganito.

Napakunot ang noo ni Alas ng hindi ko parin isuot ang seatbelt.

Napangiti ako ng makaisip ng kalokohan.Nagsimula kong himasin ang balikat ko at umarteng nasasaktan.

"Aray.Ang dami kong sinulat kanina tapos hinila-hila pa ako ni Ashianna.Hindi ko na yata maigalaw yung braso ko!"pag-arte ko at tuluyang nagsalubong ang kilay ni Alas

Gusto kong tumawa dahil sa reaksyon nya pero pinagpatuloy ko lang ang pagiging best actress.

"Tss...sumama-sama ka pa kase kay Ashianna.Kung umuwi ka nalang at natulog edi sana walang masakit sayo."wika ko bago inabot ang seatbelt ko

Medyo lumapit sya sakin kaya nakakuha ako ng mas magandang view sa mukha nya.Damn,ang pogi nya talaga!

Kung hindi ka lang masungit baka pinakasalan na kita.

Kaya siguro gustong-gusto syang pagtripan ng pamilya nya dahil ang epic ng reaction nya.Ang cute nya tuwing nagagalit at naiirita.

Sinabi ko na sakanya ang address ko at pinaandar nya na ang sasakyan.

Tahimik lang kami.Pinagpapawisan ako kahit nakatapat sakin yung air-con dahil ang awkward talaga nung tension.Paano nya natitiis ng hindi magsalita sa loob ng ilang oras?!

"Uhm,so kailan mo ko i-tutor?"nakangiting tanong ko at napalingon naman sya sakin

"I'm free during saturdays."sagot nya at napatango nalang ako

Sabado?Bukas?Wala rin naman akong masyadong gagawin sa bukas.

"And Reese we will just do the tutorial lessons in our house since you know it already.Bring your own learning materials too."paalala pa ni Alas

Reese?Kunting tao lang ang tumatawag saking 'Reese'.

"You can just call me 'Nyssa'"wika ko

"I prefer 'Reese' since no one calls you that way."

Luh,gusto pa-special?Pereng sere!Ako lang 'to,Alas!

Lumawak ang ngiti ko at tumingin kay Alas na nakapokus sa kalsada.

"Pero may ibang tumatawag sakin gamit yun e.But you can call me 'babe' if you want.Wala pang tumatawag sakin ng ganun."suggestion ko at sinamaan nya naman ako ng tingin

Ano ba yan.Killjoy!Nag-susuggest lang naman!

"Kung ayaw mo ng 'babe',okay naman ako sa 'darling' or 'love'."suggestion ko ulit

Nagulat ako ng bigla nyang itigil yung sasakyan.Seryoso syang tumingin sakin at hinugot ang susi.

"Baba."

Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi nya.

"Waaahhh!Joke lang,Alas!Di na ako uulit!Wag mo na ako pababain please!Mahirap na humanap ng taxi sa ganitong oras!"sunod-sunod na sabi ko habang inaalog si Alas sa kinauupuan nya

"Aray!"

Napatakip ako sa noo ko ng biglang pitikin ni Alas yung ulo ko.Mapanaket ka,Alas!

"Anong pinagsasabi mo?Bumaba ka na,ito na yung address mo."wika nya naman at napatigil ako sa fake na pag-iyak

Inikot ko ang mata ko sa paligid.Oo nga 'no.Bumaba na ako ng kotse dahil mukhang wala syang balak na pagbuksan ako ng pinto.

"Alas,thank you!Sorry sa abala.Goodnight na rin!"masayang paalam ko at tumalikod na

Sa mukha ni Alas halata mong wala syang balak sumagot sa mga pinagsasabi ko.

"You too,goodnight.Take care."

Napatigil ako sa paghakbang ng marinig yun.Paglingon ko ay nakita ko si Alas na nakangiti pero sa kalsada lng ito nakataingin.Aasarin ko na sana sya ng bigla nyang pinaandar yung kotse.

Bastos!Di mo muna ako hinintay kiligin!Ang cute ko kaya kapag kinikilig!

Napailing nalang ako.Tumungo na ulit ako sa bahay namin.Di pa ako nakakapasok ay may nakita akong nakasandal sa may puno malapit sa bahay namin.

Familiar sakin ang tayo nya.Pag-angat ng ulo nya ay doon ko lang nakompirma ang hinala ko.

Is this...

"Wade?"

Napangisi sya dahil sa sinabi ko.Naglakad sya papalapit sakin.Di naman na ako natakot dahil kung may gagawin syang masama sakin,sisigaw nalang ako dahil nasa tapat na ako ng bahay.

"May gana kang makipag-date sa iba.But you didn't even bother to date your future husband?"mapang-asar nyang tanong

Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi nya.Unang-una sa lahat hindi yun date si Ashianna ang nag-aya sakin.Pangalawa,hindi sya ang future husband ko.Panghuli,sinong ang gustong makipag-date sa mafia na 'to?

"Hindi kita future husband,okay?Hindi ako magpapakasal sayo!"wika ko

"Kahit pa itanggi mo,ako lang ang makakatulong sa pamilya mo.Maliban nalang kung may mahahanap kang mas mayaman sakin.Di ko lang alam kung ganun ka ka-desperada para magpakasal sa matatandang lalaki."nakangisi parin sya

Well,that's true.Kung hahanap ako ng iba.I will end up marrying a old man.

Wait,there is a richer man than him!

Alas...

Yare ka sakin.

***

Blackmailing Mr.HackerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon