21:Relationship

1.3K 47 1
                                    

[21:Relationship]

-𝐍𝐲𝐬𝐬𝐚'𝐬 𝐏𝐨𝐯-

Napahuni nalang ako habang nakatingin sa labas ng mansyon.Isang magandang umaga,malamig ang hangin at umaawit ang mga ibon---charot!1

"Oh,anong nangyari sayo?Simula kagabi di na naalis yung ngiti sa mukha mo ha."bati sakin ni Tito Elijah na kababa lang ng hagdan

Dito na naman kase ako nakitulog dahil nga di kami magkasundo ni Dad ngayon.

Hmpk,hindi maiintindihan ni Tito kung gaano ako kasaya ngayon.Ang ganda nga ng tulog kagabi.Hinalikan ko si Alas!Kinikilig ako na may kasamang hiya.Hindi lang yun,boyfriend ko na sya!

Hindi parin talaga ako makapaniwala,parang panaginip lang.

"Tito Eli...may boyfriend na ko."nakangiting wika ko habang nakapalumbaba

Umiling naman sya habang iniinom ang kanyang kape.Mukhang hindi pa sya naniniwala sa mga sinasabi ko.

"Sino naman yan?Boyfriend ba talaga o ginagamit mo lang para matigil yung kasal nyo ni Wade?"

Pinanliitan ko ng mata si Tito Eli,panira talaga kahit kailan.

"Si Alas Han lang naman yung boyfriend ko.Yun lang naman yung batang kinidnap mo,Tito Eli."wika ko

Pinigilan ko ang pagtawa ko habang tinitingnan ang reaksyon ni Tito Eli.Tumingin pa sya na para bang hindi sya naniniwala sa sinabi ko.Mayamaya ay bumalik na rin sya sa wisyo.

"G-good for you,he's a smart kid."sambit nya at napatawa nalang ako ng mahina

Kunware hindi affected pero nauutal.HAHAHAHA

Aasarin ko na sana si Tito Eli pero biglang dumating yung isa sa mga tauhan nya.

"Boss,ready na yung sasakyan."wika nito

Aalis na naman sya?Instead of being busy of that mafia stuff,he should get himself a girlfriend.Nasa tamang age na sya para ikasal pero ni girlfriend wala sya.

"Nyssa,pakikuha nga ng phone ko sa kwarto ko."utos sakin ni Tito Eli

Napaikot nalang ang mata ko dahil sa sinabi nya.Ang dami nyang tauhan tapos ako ang uutusan?Tumayo nalang ako at tumungo sa kwarto ni Tito Elijah para kuhain ang phone nya.

Pagpasok ko palang sa kwarto ay nakita ko na agad na nakapatong sa desk nya ang cellphone nya.Nung kinuha ko yung phone ay napansin ko ang isang handbag na nasa kama.

Handbag 'to ng isang babae ah.Wait!Kilala ko 'tong handbag na  'to!

Kay Maam Cassandra 'to e!Wtf?!Paano 'to napunta sa kwarto ni Tito Eli?!

---

-𝐀𝐥𝐚𝐬' 𝐏𝐨𝐯-

Napahilot ako sa ulo ko habang nakatitig sa phone ko.Hindi ako nakatulog ng maayos kaya sobrang puyat ako ngayon.Will she call me to clear everything about what happened yesterday?

What would i tell her tho?I've never been in a relationship before so i really don't know what to do.Anong gagawin ko?

"Kuya,why do you look so depressed?You're so lutang kanina pa."nakakunot-noo na puna ni Ashianna

Ganun ba kahalata na wala akong tulog?

"Goodmorning y'all---what's with the depressed aura?"napalingon kami parehas ni Ashianna sa taong pumasok sa loob ng bahay namin

It was Percival's brother,Priam.

Anong ginagawa ng isang 'to sa bahay namin ng ganito kaaga?Napansin ko rin na parang nakabihis ng pang-alis si Ashianna.Saan pupunta 'tong dalawang 'to.

"Si Kuya kase mukhang nabaon sa utang,i don't know what happened to him."sambit ni Ashianna at napatingin naman sakin si Priam

Ipinatong pa ni Priam ang baba nya sa kanyang kamay na para bang nag-iisip.

"Mukhang alam ko na kung anong problema.Let me guess,it's about a girl?"wika ni Priam at napakunot naman ang noo ko

How did he know?

"Paano mo naman nasabi?Just because he's malungkot,tungkol sa babae na agad?"pagsalungat naman ni Ashianna

"Hindi mo maiintindihan,hindi ka lalaki."sagot naman ni Priam

Teka,ba't ba ako ang pinag-uusapan ng dalawang 'to.Nanahimik na nga lang ako dito e.

"Oh,i just realized...kasama mo nga pala si Nyssa girl kahapon.Don't tell me kaya ka nagkakaganyan because nag-kiss kayo kagabi..."

Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi ni Ashianna.What the hell!?Manghuhula ba 'tong dalawang 'to?

Nag-iwas nalang ako ng tingin at itinuon ang atensyon ko sa phone ko.

"Oh my god!No way,Kuya Alas,you're blushing!So totoo nga?!"sigaw ni Ashianna habang nakatakip ang kamay nya sa kanyang bibig

I'm not blushing,i'm just embarrassed.

"Omg talaga,i'm so proud of you.Kuya,may sweetness ka na sa katawan,finally!"dagdag pa ni Ashianna

Tsaka ko na naramdaman ang pag-init ng pisngi ko.Siguro ay lalong namula ang pisngi ko kaya napatawa nalang si Ashianna at Priam.

"You two,leave me alone.Kung may date kayo lumayas na kayo dito."asik ko

Of course,hindi ko naman talaga papayagan makipag-date si Ashianna dahil bata pa sya...gusto ko lang silang mapaalis sa harapan ko.Tsaka may tiwala naman ako kay Priam dahil fetus pa lang yata ay magkaibigan na yung dalawang yan.Malabong magka-interes si Priam sa kapatid ko dahil ipapalapa ko sya sa leon pag nangyari yun.

"Eww!Kuya naman,mukha bang mahilig ako sa unggoy?"wika ni Ashianna habang nakaturo kay Priam

"Lakas mo maka-ew.Diring-diri?Bakit maganda ka ba?"banat naman ni Priam

Lalong sumakit ang ulo ko sa boses nila.Magsisimula na naman ang walang katapusan na bangayan ng dalawang 'to.

"Oo maganda ako,sabi ni Mommy and Daddy."sagot ni Ashianna

"Malamang magulang mo yun e!"

Tumayo na ako sa upuan ko at tinulak ang dalawang 'to palabas bago ko sinarado ang pinto.

Lalong nadagdagan ang sakit ko sa ulo.

***

Blackmailing Mr.HackerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon