Epilogue

2.3K 61 6
                                    

[Epilogue]

-Nyssa's Pov-

"Congrats sainyong dalawa!" bati ko kila Wade at Rose sa telepono

Tinotoo nga nung dalawa yung kasal at nagdaos ng formal wedding ceremony two weeks after the incident. They're currently on their honeymoon but i want to congratulate them kahit sa phone lang.

"Thank you!" sagot ni Rose

"Ibaba ko na dahil nakakaistorbo  ka na, bye!" bago pa ako makaangal sa sinabi ni Wade ay pinatay nya na agad ang tawag

Argh! Napakasama talaga ng ugali nung isang yun.

"Nyssa Girl, look at this." napalingon ako kay Ashianna na nasa tabi ko

Pinakita nya sakin ang isang article na nagbabalita about  sa pagpapakulong ni Tito Aushi kay William. Attempted murder, kidnapping at syempre illegal drugs  trafficking. Nag-alala si Tito Aushi na baka mailabas si William ng mga tauhan nito kaya ikinulong nila si William sa mas secluded na kulungan. Laki talaga ng pasasalamat ko sa mga Han, sila ang nag-asikaso sa kaso ni William dahil may mas mahalaga pa daww akong dapat asikasuhin tulad ng pag-aaral ko.

Hindi ko namalayan na napabuntong-hininga  nalang ako. I feel so down kahit pa andaming magagandang nangyari. 

Si Alas kase e! Ilang araw na yung malamig sakin. Tapos pag magkasama naman kami laging may kausap sa phone nya. Nakakapagtaka na talaga! Tapos pag tinatanong ko sya kung bakit sya busy, di naman sumasagot. Ngayon nga wala na naman sya dito sa bahay nila, hindi nya man lang ako tinext kung saan sya pumunta.

"Ashianna, alam mo ba kung anong pinagkakaabalahan ngayon ni Kuya Alas mo?" tanong ko

Ilang araw na talaga ako nagtataka sa mga kinikilos ni Alas. Pag yun lang  talaga nagloko sakin bubugbugin ko yun. 

"Hindi e. I just know nasa 'Caviar Nights' sya ngayon." sagot naman sakin ni Ashianna

Caviar Nights? Yung restaurant? Ano naman ginagawa nya dun, nagfofoodtrip mag-isa?

"Pupuntahan mo ba sya?" tanong ni Ashianna at napatango naman ako habang kinukuha ang susi ng kotse ko sa bag ko.

Nagpaalam muna ako kay  Ashianna bago ako lumabas ng bahay at pumasok sa kotse ko. Nako Alas...Ayaw ko naman sya tawagan baka may mahalaga yung inaasikaso  tapos maistorbo ko lang.

Pinaandar ko na ang sasakyan ko at tumungo  na sa Caviar Nights. Malapit na lumubog ang araw kaya nakakapagtaka naman na mag-isa lang magdidinner si Alas. 

Pagdating ko sa Caviar Nights ay natanaw ko na ang mga tao kahit nasa loob pa lang ako ng kotse. Transparent kase yung glass kaya kita yung mga tao na nasa loob. Agad hinanap ng mata ko si Alas. Bubuksan ko na sana ang pinto ng kotse ko nung makita ko sya pero bigla akong nanlumo nang mapansin kong may kasama syang ibang babae. 

Hindi ko kilala kung sino yung babae. Never ko pa syang nakita kahit sa school namin. May inabot yung babae kay Alas na isang white gift bag at pinalitan naman yun ni Alas ng isang malawak na ngiti. Wow, masiyahin ka pala? Bakit hindi ko alam yun. 

Ayaw ko mag-overthink lalo't hindi ko pa naririnig yung side ni Alas pero hindi ko na talaga sila kayang panoorin. Pinaandar ko nalang ulit ang kotse ko at pumunta sa dagat  malapit lang sa  Caviar Nights. Gusto ko lang magpahangin ng  sandali.

Umupo muna ako sa buhanginan habang pinapanood ang nagtatakbuhang bata at ang paglubog ng araw. 

Napakunot ang noo ko ng maisip uli si Alas. Akala ko busy pero may time makipagkita sa ibang babae. Kahit tawag  o text lang kung nasaan sya wala man lang akong nakuha. Kung hindi ko pa tatanungin si Ashianna, hindi ko malalaman kung nasaan sya. Nakakabwisit, ang sarap sakalin!

I just distracted myself by making some sand castle. Lalo lang akong maiistress pag inisip ko pa yung damuhong yun. 

"Babe? What are you doing here?" napatingala ako sa taong tumawag sakin

Si Alas...

"Ikaw ang dapat ang tanungin ko. Anong ginagawa mo dito?" sambit ko at tumayo na

"Sabi kase ni Ashianna umalis ka daw sa bahay kaya i traced your phone." sagot nya sakin

Nakalimutan kong hacker nga pala ang lalaking 'to. Hindi ko nalang sya pinansin at lumipat ng pwesto. Sumunod naman sya sakin. Sinamaan ko sya ng tingin pero nagtataka lang syang tumingin sakin. 

"Wag mo nga akong sundan!" singhal ko sakanya 

Lumipat uli ako ng pwesto pero nakasunod parin sya.

"M-may problema ba tayo? Bakit parang galit ka sakin?" nauutal pang tanong nya

Anong 'parang'? Galit talaga ako sayo!

"May problema ba tayo? Ba't hindi mo itanong sa babaeng kasama mo kanina?" balik na tanong ko sakanya

Para naman syang natauhan sa tanong ko at napahawak agad sya sa kamay ko.

"It's just a business meeting, i swear!"wika nya

Binawi ko naman ang kamay ko sakanya.

"Business meeting tapos nagbibigayan ng regalo? Tapos kung makangiti ka pa. Bakit hindi ka man lamang nagpasabi na may 'business meeting' ka pala? Anong klaseng 'business meeting' ba yun, ang lalawak kase ng ngiti nyo kanina e." sambit ko

Napakamot nalang sya sa ulo bago nagbuntong-hininga.

"Do you really want to know?" tanong nya at agad akong tumango

"Yes. Kaya nga kita tinatanong kase gusto ko mala---"

OH MY GOD!

Napatigil ako sa pagtalak ng bigla syang lumuhod sa harap ko. Agad akong napatakip sa bibig ko nung inilabas nya ang isang white ring box. Tsaka ko lang narealize na parehas yung logo ng box sa logo ng gift bag na binigay nung babae kay Alas.

Nung binuksan nya yung box at nakita ko na ang isang singsing ay lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko. 

"I actually plan to do this tomorrow pero ginusto mo 'to e." 

Hinawakan nya ang kaliwa kong kamay at huminga ng malalim habang ang kanan kong kamay ay nakatakip parin sa bibig ko. 

"Reese...i know that i'm cold sometimes, i'm not that showy, not like other normal boyfriends. But believe me, i love you more than anything else. I want to spend the rest of my life with you. I'm not the best boyfriend but i'll try to be the best person for you."

Napalunok ako habang pinipigilan ang pag-agos ng luha ko. Ngumiti sya sakin bago magsalita.

"So please, will you marry me?"

Dun na tumulo ang mga luha ko na kanina pa nagbabadyang tumulo. 

"Yes!" halos pasigaw na sagot ko

Nanginginig pa ang kamay nya habang sinusuot ang singsing sa daliri ko. Napayakap sya ng mahigpit sakin nang makatayo sya. Tsaka ko lang napansin na medyo basa ang pisngi nya. Did he cry?

"I love you." bulong nya tenga ko 

I can't still believe that this man is gonna be my husband someday.

"I love you too." 

I whispered before we exchanged kisses while the light of the sunset touches our skin.

*** 

  













Blackmailing Mr.HackerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon