[7:Dinner]
-Nyssa's Pov-
"She's not my girlfriend,okay?Stop making up stories."kontra agad ni Alas sa sinabi ni Ashianna
Medyo nagulat rin ako sa sinabi ni Ashianna pero di naman ako tutol.I mean...si Alas na yan oh,aarte pa ba ko?Kaso lang tinanggi agad ni Alas,sayang naman.Ayaw nya ba talaga sakin?Ganda ko kaya.
Iba talaga mga tao ngayon.Karamihan mababa standards tapos walang taste.
"Alas,that's rude."natahimik si Alas ng sinaway sya ng nanay nya.
Pffftt,Mama's boy.
"Oo nga kuya,how can you say that sa harapan ni Nyssa?Aren't you afraid na baka masaktan yung feelings nya?!"dagdag pa ni Ashianna
Ang cute talaga ng batang 'to.Feeling ko ay nakakawawa si Alas dahil sakanya pero okay na rin sakin.May galit rin ako kay Alas e.
"Okay,enough of that.Pumasok na tayo sa loob,nagpahanda na ako ng pagkain."pag-awat naman ni President Han
Grabe,hindi ako makapaniwalang nasa harapan ko ngayon yung paboritong couple ko.Isang sa pinakasikat na artista,si Alisha Han tapos ang pinakamayaman na businessman,si Aushi Han.Ugh,the power of this couple!Kahit may mga edad na hindi parin kumukupas yung mukha nila!May lahi ba silang bampira?Feeling ko nga mas makinis yung balat ni Ma'am Alisha sakin.Nakakahiya dumikit,naiinsecure ako!
Ang tanga ko rin sa part na di ko man lamang napansin na kamukha pala ni Ashianna si Ma'am Alisha.
Kahit nahihiya ay pumasok pa rin ako sa loob ng bahay nila.Kung gaano kaganda sa labas ng bahay,dumoble yung ganda sa loob.Tsaka lahat mukhang mamahalin.Kahit yata yung oxygen na hinihinga ko.
Mabilis silang umupo sa upuan na nakapaligid sa dining table at naiwan yung upuan na nasa pagitan ni Alas at Ashianna.Okay,sinasadya na 'to bi Ashianna,i swear!
Dahan-dahan akong umupo pero hindi ko tiningnan si Alas.Sa ibang direksyon ako tumingin at mas iginawi ang katawan ko sa direksyon ni Ashianna.
Nagsimula na kami kumain habang nagkukwento si Ashianna ng mga nangyari sa buong araw nya.Kahit walang tigil sa pagkukwento si Ashianna okay lang dahil hindi boring.
"Nyssa,anong relasyon nyo ni Alas?"
Parehas kami ni Alas na muntik na maibuga ang kinakain namin dahil sa tanong ng nanay ni Alas.
Anong isasagot ko?Ako po yung nakasira ng laptop nya?Sya po yung taga-singil ng utang?Tutor ko po sya?or,student teacher ko po sya?
"We're schoolmates."si Alas ang sumagot at napatango nalang sila
"By the way,wag ka na mahiya samin.Tutal mukha namang kaibigan ka ng mga anak namin.You can just call us Tito and Tita."wika naman ni President Han
Waaaahhh!Grabe,bigtime na yata ako.Dati pinapanood ko lang sila sa tv tapos ngayon tatawagin ko na silang Tito at Tita!
Nahihiya nalang akong tumango.Kanina ko pa gusto magpapicture sakanila tapos magpa-autograph pero nakakahiya!
Bumalik na sa pagkukwento si Ashianna kaya bumalik na rin ako sa pagkain.Sobrang sarap ng pagkain nila!Parang gusto kong kidnapin yung chef.
Napatingin ako sa pork steak na nasa kabilang bahagi ng lamesa.Iaangat ko na sana ang kamay ko para kumuha pero binaba ko nalang ulit dahil di ko talaga abot.Ano ba yan!Mukha pa namang masarap.Bye pork steak!
Inayos ko nalang ang upo ko.Gusto ko talaga yun!Nagulat ako ng biglang tumayo si Alas,kumuha ng pork steak at inilagay sa plato ko.Pagkatapos nung ay umupo na sya at halatang iniiwas ang tingin.
Napatungo nalang ako dahil kinikilig ako!Chill ka lang Nyssa,di mo pwedeng ipahalata na kinikilig ka.Baka sabihin nila maharot ka,kahit totoo naman.Pero nakakahiya sa magulang ni Alas!
Nakita ko ang pagsilay ng ngiti sa mukha ni Ashianna at magulang ni Alas.Ngayon ko lang narealize 'to pero...shiniship ba nila kami?
Kumain nalang ako ng tahimik habang pinagmamasdan ang magulang ni Alas.Ang sweet parin nila kahit ang tagal na nila kasal.Parang yung mga couples lang sa tv.Ito lang yung couple na kahit maglandian sa harapan ko hindi ako maiinis.
Natapos na yung pagkain namin at panahon na para magpaalam ako sakanila dahil aalis na ko.
"T-tito,Tita,thank you po sa dinner.I enjoyed it.Aalis na rin po pala ako dahil gabi na po at baka hinahanap na rin ako ng magulang ko."nakangiting wika ko at gumanti rin sila ng ngiti sakin
"You're welcome.You can join us anytime you want.I'm sure Ashianna will invite you often."wika naman ni President Han
Napatingin ako kay Ashianna na nakangiti sakin.Lumapit sya sakin at niyakap ang braso ko.Nasulyapan ko naman si Alas na papaakyat na ng hagdan.
"And because it's gabi na,ihahatid ka ni Kuya Alas in your house."wika ni Ashianna at napatigil si Alas sa pag-akyat
"Why me?!"tanong nito habang nakakunot yung noo
Oo nga.Pwede naman akong kumuha ng taxi e.Marami naman akong pera.
"Eh sinong gusto mo?Si Daddy na marami pang gagawing paperworks or si Mommy na may kakabisaduhing script?I can't drive a car,hindi ako pwede.And Mang Kiko is already sleeping na,kaya wala kang choice.It's delikado for Nyssa to go home by herself."sagot naman ni Ashianna
"Ashianna is right.Alas ihatid mo na si Nyssa.Hindi safe ang kalsada lalo na sa gabi."pagsang-ayon ng nanay ni Alas
Napaikot ang mata ni Alas.May hinablot syang susi at lumapit sakin.Pffttt,Mama's boy talaga.
"Follow me."maikling wika nya bago dumiretso sa labas ng bahay
"Bye Nyssa!"napalingon pa ako kay Ashianna at kumaway nalang ako
Nakita ko pa silang tatlo na nagthumbs-up habang medyo natatawa pa bago ako lumingon.
Wait,pinagplanuhan pa nila 'to?!
***
![](https://img.wattpad.com/cover/266353099-288-k801915.jpg)